PENELOPE ELEANOR
"Ah, Kendy. May darating mamaya na mga kaklase ko. May gagawin kasi kaming group activity. Ayos lang ba kung dito kami?"
Tumigil sa pagkain ng umagahan si Kendy at tumingin sa direksiyon ko. Nakalimutan kong magpaalam muna sa kaniya bago ako pumayag kila Raelynn.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Kinabahan ako bigla dahil sa titig sa 'kin ni Kendy. Nakaramdam din ako ng hiya. Hindi naman kasi sa 'kin ang bahay na 'to, pero ang lakas ng loob ko mang-imbita.
Kumamot ako sa aking batok at ngumiti ng bahagya sa kaniya. "If it's not fine, p'wede naman kaming pumunta na lang sa bahay ng kaibigan ko."
Ngumiti sa 'kin pabalik si Kendy. Nag-iba ang uri ng pagtingin niya sa 'kin kaya bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"You don't have to. Your classmate are welcome here anytime."
Nakahinga ako ng malalim sa naging sagot niya. Mabuti naman at pumayag siya.
Sinenyasan ni Kendy si Arthur na nakatayo sa likod ko upang lumapit sa direksiyon niya. Bumulong si Kendy kay Arthur, pero hindi ko narinig kung ano ang sinabi niya rito.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Pagkatapos bumulong ni Kendy kay Arthur ay muli siyang humarap sa 'kin.
"I need to go today. I'm sorry if I can't meet your classmate."
Umiling ako kay Kendy. "Ayos lang. I understand." Ngumiti ako kay Kendy.
Pinagpatuloy namin ang pagkain na walang ni isang nagsalita ulit sa amin.
*
Nakatayo ako sa labas ng pintuan ng mansion habang hinihintay sina Raelynn at Kennedy. 2:00 ng hapon ang usapan namin, pero 3:00 PM na ay wala pa rin sila. Inaantok na nga ko kakahintay sa kanila e.
Nabuhayan ako ng loob nang makarinig ako ng mahinang pag-door bell sa labas ng gate. Lumingon ako kay Arthur na nasa tabi ko lang kanina pa. Wala si Agustus dahil sumama siya kay Kendy na umalis kanina.
"Arthur, p'wede mo bang tingnan kung sila na ang nasa labas ng gate?"
"Masusunod po, Madam."
"Maraming salamat."
Iniwan ako ni Arthur at sinunod ang inutos ko. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago dumating si Arthur kasama sina Raelynn at Kennedy.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila nang magtama ang mga mata namin ni Kennedy. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil hindi siguro ako sanay na hindi uniform ang suot niya. Nakasuot kasi siya ng pants na itim at blue t-shirt round neck. May dala silang laptop na nakalagay sa kaniya-kaniya nilang laptop bag.
"Penelope!" Lumapit sa akin si Raelynn at agad akong sinunggaban ng yakap.
Natawa ako sa ginawa niya, pero yumakap din naman ako pabalik.
"Sa higpit ng yakap mo ay parang hindi tayo nagkikita araw-araw," biro ko rito. Lumingon ako kay Kennedy. "Kumusta na?"
Ngumiti sa 'kin si Kennedy. "I'm fine."
"Pumasok kayo. Doon tayo sa guest room gagawa ng activity."
Sabay na tumango ang dalawa sa pahayag ko. Hindi pa ko nakakagawa ng hakbang ay nauna nang pumasok sa loob si Raelynn. Napailing na lang ako at sumunod sa kaniya kasabay si Kennedy. Nasa likuran naman namin si Arthur at tahimik lang na nakasunod sa amin.
Nadaanan namin ang sala ng mansion. Bago pa kami makapunta sa guess room ay may nakasalubong pa kaming dalawang katulong. Huminto sila sa paglalakad at sabay na yumuko.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka na hindi sila sa 'kin yumuko kundi sa direksiyon ni Kennedy.
Lumingon ako sa direksiyon ni Kennedy at Arthur na halos sabay lang sa paglalakad, pero pareho silang nakayuko at hindi tumitingin sa 'kin. Nagkabit-balikat na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sa haba ng hallway sa first floor at sa dami ng kuwarto ay saka lang namin narating ang guest room.
Si Arthur ang nagbukas ng pintuan nito dahil siya naman ang may hawak ng susi. Pumasok kaming tatlo sa loob. Nakahanda sa loob ng kuwarto ang mga gagamitin namin para sa activity.
Lumingon ako sa direksiyon ni Arthur. "P'wede ka nang umalis. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan kami. Salamat."
Yumuko sa 'kin si Arthur at tumango. "Masusunod po, Madam." Pagkatapos ng ginawa niya ay tuluyan na niya kaming iniwan.
Samantala, wala pang ilang minuto nang umalis si Arthur ay sumigaw na agad si Raelynn. Napatakip pa kami ng tainga ni Kennedy dahil sa lakas ng sigaw niya.
"Penelope, alam kong mayaman ang mga magulang mo dati, pero mukhang mas mayaman ka na ngayon. Parang isang prinsipe pala ang pinakasalan mo dahil sa laki ng mansion na ito. Pagkatapos ay kumikinang pa ang buong paligid. Baka may magasgasan lang akong gamit ay napakalaki na nang babayaran ko."
Natawa ako sa mahabang pahayag ni Raelynn. "Ano bang sinasabi mo? Hindi naman sa 'kin ang mansion na 'to."
"Pero, magiging asawa mo na siya kaya sigurado ay sa 'yo na rin ito. Saka isa pa, ilang taon na ulit ang pakakasalan mo?"
Natigilan ako sa tanong ni Raelynn. Alam ko ang itsura ni Kendy at ang edad niya, pero hindi ako sigurado kung p'wede ko 'yon sabihin sa kanila.
"Hind-"
"Hindi pa ba tayo mag-uumpisa?"
Naputol ko ang aking pananalita nang marinig ang boses ni Kennedy. Nakalimutan ko na may isa pa pala kaming kasama. Pagkatapos ay kung anu-ano ang pinag-uusapan namin ng kaibigan ko.
Lumingon ako kay Raelynn at tinitigan ko siya nang may pangamba ang aking mga mata. Mukhang hindi rin naalala ni Raelynn na may iba kaming kasama dahil napatakip siya bigla sa kaniyang bibig.
"Ah, oo. Mag-uumpisa na tayo." Lumapit sa akin si Raelynn at saka bumulong sa aking tainga. "Don't worry. Mukhang wala namang pakialam si Kennedy sa pinag-uusapan na 'tin."
Pagkatapos bumulong sa 'kin ni Raelynn ay isang kindat ang binigay niya sa 'kin. Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya.
Buti naman. Ayaw ko kasi na may nakakaalam ng tinatago ko bukod kay Raelynn. Ayaw kong may makaalam lalo na ng mga students sa school dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nila. Ayaw ko pa naman mapansin ako ng karamihan. Kuntento na ko na may isang tao na nakaka-appreciate ng pagkatao ko.
Sinimulan na namin ang activity na pinapagawa sa amin. Pinagplanuhan namin ang gagawin para maipakita ang tinutukoy na gawain sa aming activity.
"Let's act. About crush na lang ang iakto na 'tin para madaming maka-relate sa klase." Humagikgik ng tawa si Raelynn.
Hindi ako sang-ayon sa naisip niya na tema, pero wala namang ibang mas madaling topic bukod sa naisip niya.
"Whatever. Kung 'yan ang gusto mo," walang gana kong tugon sa kaniya.
Lumingon si Raelynn sa direksiyon ni Kennedy. "Okay ka ba roon?"
Pansamantalang nag-isip si Kennedy bago tuluyang tumango at sumang-ayon kay Raelynn.