Chapter 9

1109 Words
PENELOPE ELEANOR "Ganito ang gagawin na 'tin. Kunwari ay may gusto si Penelope kay Escanor. Then, para malaman ni Penelope kung may gusto din sa kaniya sa Escanor ay nag-suggest ako bilang kaibigan mo na alamin na 'tin 'yon sa pamamagitan ng gestures niya kapag kausap ka na niya, Penelope. Pagkatapos ay malalaman na 'tin sa dulo na may gusto rin si Escanor kay Penelope. Waah! Ayos ba sa inyo ang naisip ko?" Sa sobrang haba ng pinaliwanag ni Raelynn sa amin ay ang tili lang niya ang nangibabaw sa isipan ko. "Yeah. I understand." Mukhang mas game na game pa sa 'kin si Kennedy dahil nauna pa siyang sumagot kaysa sa 'kin. Dahil tungkol sa crush ang topic, malaman ay ganito ang magiging scene namin. Tumango ako kay Raelynn at ngumiti sa kaniya. "Okay. Magsimula na tayo?" tanong ko pa sa kanila. Hindi mawawala sa mukha ni Raelynn at napakalawak niyang ngiti kanina pa. Sa uri ng ngiti niya ay tiyak may hindi na namang magandang bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Nagsimula na kaming mag-rehearse na iilang lines namin at pagkatapos ay nagsimula na rin kaming gumawa ng video. Magkaharap kami ngayon ni Kennedy habang nakaupo kami sa dalawang swelving chair. "A-Ah, E-Escanor, may gusto sana akong ipaturo tungkol sa math kung ayos lang sa 'yo." Tumingin ako kunwari sa dalawang tuhod ni Kennedy pagkatapos ay umiwas ako ng tingin sa kaniya bilang sign na kunwari ay kinakabahan ako ngayon dahil kausap ko ang crush ko. Kunwari, pero ang totoo ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Nakakaasar! Ang tungkol sa tuhod ni Kennedy ay part din ng aming plano. Maaari itong magpakita ng isang interest sa isang tao kung nakatuon ang tuhod ni Kennedy sa tao na kinakausap niya. Hindi agad sumagot sa 'kin si Kennedy. Nakatitig lang siya sa 'kin at pagkalipas ng ilang sandali ay bigla siyang ngumiti. "Sure. Anong topic ba sa math ang gusto mong ituro ko sa 'yo?" Parang nahila ako ng mga ngiti at kilos ni Kennedy. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at sa halip na magsalita ay nakatulala na lang ako sa kaniyang mga mata habang siya ay nakatitig lang din sa 'kin. Dapat ko bang maramdaman ang isang totoong damdamin sa mga oras na 'to? "Cut! Stop! Alam kong parang kinikilig ka na d'yan sa inuupuan mo, pero huwag mong kalimutan ang lines mo, bes." Kinindatan ako ni Raelynn at humagikgik siya ng tawa. Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Bigla tuloy nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa hiya. No, Penelope. What are you thinking? Iniangat ko ang aking mukha at sinamaan ng tingin ang kaibigan ko na kanina pa ko tinatawanan. "Sorry naman. Nakalimutan ko lang lines ko. Tss." Umirap ako sa kaniya at tumingin sa direksiyon ni Kennedy. Nakangiti rin sa 'kin si Kennedy, pero bigla ulit akong nakaramdam ng hiya kaya napakamot na lang ako sa ulo. "Let's again. I'm sorry." "It's fine." Tumawa siya ng mahina at muling ngumiti sa 'kin. Sagana sa ngiti ang lalakeng 'to. "Saan nga ba tayo naputol?" Nahihiya kong tanong kay Kennedy. "Doon sa tanong ko." Tumango ako sa sagot ni Kennedy at huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang ginagawa naming pag-acting. "Ah, sa new lesson na 'tin. Hehe." Tumingin ulit ako sa tuhod ni Kennedy at pagkatapos ay tumingin din ako sa dalawa niyang kamay. Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari dahil puro gestures na lang ang ipapakita namin ni Kennedy. Nilapit ni Kennedy ang upuan niya sa tabi ko. Pagkatapos ay dumikit siya sa 'kin habang pinapakita ang laman ng notebook na hawak niya kanina pa. Muling bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa sobrang lapit ni Kennedy sa 'kin. "Ito ba?" Naramdaman ko pa ang hininga ni Kennedy sa mukha ko nang magsalita siya. Iniipit ko sa aking tainga ang ilang buhok ko na nasa kanan ng aking mukha. Tumango ako kay Kennedy. Tumagal pa ang acting namin dahil sa free tutor na ginawa sa 'kin ni Kennedy. Magaling pala umarte si Kennedy. Kung sumasali lang siya sa mga theater ay baka naging mas sikat pa siya ngayon. Guwapo naman din kasi si Kennedy. Hindi ko lang alam kung bakit sa tuwing tumitingin ako sa kaniya ay parang may isang tao akong naaalala. Hindi ko lang kung sino. Parang familiar si Kennedy sa 'kin. "And now, cut! Yehey! Tapos na tayo." Sa sobrang tuwa ni Raelynn ay bigla niya kaming sinunggaban ng yakap ni Kennedy. Nabigla ako sa ginawa niya, pero yumakap na lang din ako sa kanila. Gano'n din ang ginawa ni Kennedy. Naramdaman ko ang kamay niya na nasa aking likuran. Tumingin ako sa direksiyon ni Kennedy at muling nagsalubong ang aming mga mata. Ngumiti siya sa 'kin. Nakaramdam ako ng hiya sa kaniya, pero ngumiti na lang din ako pabalik. Pagkatapos ay kumalas na kami sa pagkakayakap. Sa sobrang tahimik naming dalawa ni Kennedy ay laging si Raelynn ang unang nagsasalita sa pagitan naming tatlo. "Sino nga palang mag-eedit ng gawa na 'tin?" tanong ni Raelynn sa amin. "Ako na." Hindi pa ko nakakapagsalita, pero naunahan na ko ni Kennedy. Mabuti na rin siguro na siya na ang gumawa para wala na kong gagawin. Hahaha. "Sure. Send mo na lang sa amin kapag tapos mo nang gawin 'yong video." Tumango sa akin si Kennedy. "Uuwi na rin kami dahil tapos na tayo. Mag-iingat ka, bes." Hinalikan ako sa pisngi ni Raelynn. Natawa ako sa sinabi niya. "Kayo ang mag-ingat dahil sasakay pa kayo." Nag-ayos kami ng mga nagamit naming kagamitan. Inayos nina Kennedy at Raelynn ang dala nilang laptop bago kami tuluyang lumabas ng guess room. Sa sala ay nadaanan namin si Arthur. Tumayo ito at sumunod sa amin sa paglabas nang makita niya kami. Nasa gate na kami ng mansion nang may maalala akong itanong kay Kennedy. "Naalala ko lang. Kennedy, alam mo na ba kung anong pabango ang ginagamit mo?" Tumigil sa paglalakad si Kennedy at hinarap ako. Tumango siya sa 'kin at lumapit. Pagkatapos ay may iniabot siyang papel sa kamay ko. Kinuha ko 'yon at binasa. Pagkatapos ay ngumiti ako kay Kennedy. "Salamat." "Bakit mo nga pala naitanong?" Umiling ako sa tanong ni Kennedy. "Wala naman. May gusto lang sana akong pagbigyan ng pabango." Tumango lang sa 'kin si Kennedy at humabol na siya kaibigan ko. Bago pa sila tuluyang mawala sa paningin ko ay sumigaw pa si Raelynn. "Bes, ipakita mo sa 'kin ang future husband mo next time!" Bumuntong hininga na lang ako ng malalim nang marinig ang hagikgik niya pagkatapos magsalita. Ang kulit talaga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD