INTRODUCTION
L-Love?
~~~~~ STARRING ~~~~~
Ha???
• JERALD SEGURADO •
Ano yun?
• NATANIEL MINE •
Is it a medicine that changes and makes people do stupid things such as forgetting their worth?
~~~~~WRITTEN BY ~~~~~
xzychopath
If it is then I don't want it.
Charot.
NATANIEL'S
Sabi nila kapag in love ka,babagal raw ang lahat sa paligid mo,yung parang napapanood sa mga teleserye.Yun ang sabi nila.
Pero paano kung hindi tumigil?hindi ka na in love?tssss.
Basta ako ang alam ko hindi ko pa nararanasan 'yon.Ano ba yun? required ba 'yon bago mamatay?ang mainlove?at pagkatapos masaktan?sino ba kasi nag imbento niyan,sabihin nyo sakin bilis at aayain ko sa inuman,sampung case ng milktea hotdog flavor--hindi kasi ako umiinom ng alak at hanggang ngayon hindi ko pa alam anong lasa.
Marami na akong kaibigan at kakilala ang umiyak nang dahil diyan.Sana all nasaktan na,sana all iniiwan,sana all pinagpalit at sana all pinaasa.
T-Teka! Minsan na rin pala akong pinaasa.
Siguro talent nyong mga babae yan.Lalakas nyo magbigay ng motibo iba naman pala gusto niyo.
Oo na.Aaminin ko na.Kami din syempre para fair.Galit na galit ka na eh.
Pero alam niyo minsan,hindi naman tayo pinapaasa.Tayo ang umaasa.Tayo ang nagbibigay ng meaning sa mga bagay na ginagawa nila.Those little things they do for us makes our heart kabog kabog na parang betlog na tumatalbog.
Aminin na kasi natin na minsan tayo rin ang gumagawa ng dahilan para masaktan tayo.But that's part of falling in love.It's not love when you're only there when there's rainbow,you have to be there and stay even if there's no reason to stay anymore.
Pero hindi yan sapat na dahilan para magpaka-tanga ka,para kalimutan mo yung halaga mo.Hindi ka niya gusto dahil ganiyan ka ngayon?'wag mong babaguhin ang sarili mo.You don't have to change cause he is the reason unless be the reason for him to change.
Pero minsan talaga nakakagigil rin sila.Alam na nga nilang gusto sila ng tao tapos tatawagin pang "BABY" o "LOVE" biglang sasabihin joke lang raw??!!
"Sorry Sir i'm late." bumalik na lang ako sa huwisyo nang magsalita at nakitang nakatayo sa pinto at halatang bagong gising lang na si Jerald.First time niya ata ma-late huh.
"And why should I accept a stupid useless bastard like you this late in my class?" walang emosyon pero parang kutsilyo ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya ngayon. "Don't give me a valid reason--sanwhich na lang mamaya samahan mo na rin ng drinks okay?you may enter Mr.Segurado" dagdag niya.Nagtawanan naman ang lahat.
Naknanghatdog akala ko kung ano na.Haist.Azar.
Parang naglalakad pa sa red carpet at nanalo ng grammy award sa pagiging late lumakad ang mokong palapit sa upuan niya.Nasa fourth row siya at ako naman sa fifth row.
His messy but not messy but it is messy but is not hair.His eyes na parang mata mata that I don't know kung saan napupunta pag tumatawa o ngumingiti siya.His not so matangos na nose.His fair complexion.Those are some of his assets enough to be a reason para pagpilahan siya ng mga babae.
And oh isa pa,para siyang naglalakad na kalansay.Sa totoo lang.
Pero hindi siya yung tipo na mala-bad boy o gangster sa school,sa katunayan siya ang pinaka-mabait na taong kilala ko dito sa campus,hindi man siya ang pinaka pero isa siya.Kaya naman gustong-gusto siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
"And for your project this weekend,kailangan niyo gumawa ng sarili ninyong mga tula.Write about your passion,or one thing you love.Pwede rin namang para sa mga syota niyo pero hindi naman lahat kayo meron no'on.Aww wawa," nakikinig ako ng mabuti habang nagpapaliwanag si Sir Tim. "Just write about anything you like,I want you to express yourself."
"Sir excuse me po,kelan po deadline?" tanong ng isa kong kaklase.
"The deadline would be on Tuesday." nakangiting sagot ni Sir.
"Wala na po bang ibang gagawin Sir?" tanong naman ng isa ko pang kaklase.
"Gusto niyo pa ba? sige ah please do a research about---" di na natapos ni Sir ang sasabihin nang umangal ang lahat. "Biro lang.Wala na,gusto ko kayong makapag-pahinga kahit ngayong weekend lang dahil next week alam kong magiging sobrang busy na kayo para sa completion of requirements nyo para maka-graduate ngayong fourth year of college.Alam kong kaya niyo yan at sabay-sabay kayo magtatapos." sabi ni Sir Tim habang inaayos ang mga gamit niya sa mesa.
Nag-ring na ang bell.Mabilis na umalis ang mga kaklase ko dahil may kanya-kanyang silang ganap ngayong sabado naman bukas.Nagpaiwan muna ako dahil kakausapin ko si Sir about sa pinapagawa niya saamin.
"Ah Sir," pagsisimula ko.Tumingin naman siya saakin.
"Oh Nataniel,bakit hindi ka pa umuuwi may problema ba?" tanong niya.
"Ah sir kase--hindi po ako marunong gunawa ng tula." sabi ko habang nagkakamot ng ulo.Ulo sa taas hindi sa baba.
"Ano ka ba wag ka mahiya parehas tayo,kaya ko nga kayo pinagawa niyan eh para matuto din ako.Hindi naman lahat alam ko.Ah ganito na lang--mag isip ka ng isang bagay na nakakapagpasaya sayo o di kaya yung minsan ng nakapanakit sayo ng sobra.Sigurado ako may matatapos ka." sabi niya at hinawakan pa ang braso ko para hindi ako mahiya.
"Eh Sir kasi----" naputol ang sasabihin ko nang marinig ang napakalakas na buhos ng ulan.
"Oh nako pumunta ka na sa dorm mo,may payong ka bang dala?" alalang-alalang tanong saakin ni Sir.
"Meron Sir.Sige po mauuna na po ako,salamat po!" sabi ko at mabilis na tumakbo palabas.
Tinignan ko ang langit,ang dilim bigla.Sh*t wala pala akong dalang payong.Paano kasi ang bigat sa bag,kapag dala ko lagi tirik na tirik ang araw kapag naman hindi tulad ngayon laging umuulan.
Nako mukhang lalakas pa 'to,papatila muna ako.Pero saan ako tatambay?hayst kasalanan to ng payong ko,kung alam lang ng buong mundo may super powers ako hahahaha.
Habang naglalakad ako pababa ng building,may narinig akong kumakanta.Teka akala ko umuwi na lahat ng estudyante.Kung hindi ako nagkakamali boses 'yon ng isang lalaki.
"....Minsan tama minsan mali.Umaabante umaatras,kilos mong namimintas."
Y-Yung kanta. Sa'Yo by Silent Sanctuary.
*Tugdug*
"Kung tunay nga ang pag-ibig mo,kaya mo bang isigaw?"
*Tugdug*
"Iparating sa mundo...."
*Tugdug* *Tugdug*
WTH.W-What the hotdog.Why is my heart beating like this?
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto para makita kung sino 'to. S-Si Jerald nag p-piano.
"Tumingin sakin mata,magtapat ng nadarama."
*Tugdug* *Tugdug* Tugdug*
ANONG NANGYAYARI S-SA PUSO KO?
"Di gusto ika'y mawala,dahil handa akong ibigin ka."
B-Bakit ganiyan ang epekto niya sa sistema ko? weird.
Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakanta at nakapikit.
"Kung maging tayo..sayo lang ang--" nataranta ako nang madagi ko ang paso sa pinto at matumba dahilan para matigil sa pagkanta at mapunta saakin ang atensyon niya.
"Anong ginagawa mo diyan?" gulat siyang nakatingin saakin. Sh*t! "Kanina ka pa diyan?" sabi niya nang makalapit saakin at buksan ang pinto.
Anong sasabihin ko???teka bakit ako kinakabaan eh ano naman kung pinapanood ko siya kumanta,may mali ba doon?
"Huy! sabi ko anong ginagawa mo dito,kanina ka pa ba nakatayo diyan?" sabi niya halatang naiilang.Hindi naman kasi kami close kaya natural lang na mailang siya.
"A-Ah eh hindi ngayon lang kakababa ko lang,kinausap ko lang kasi si Sir.Pero aalis na 'ko bye!" sabi ko at nagsimulang maglakad.
"Nat sandali!" tawag niya saakin.Nilingon ko naman siya. "May payong ka ba?sobrang lakas pa ng ulan oh.Samahan mo kaya muna ako dito tapos sabay na tayo bumalik sa dorm?" dagdag pa niya.
Oo nga sobrang lakas pa ng ulan.Sige na nga.
"Ano nga palang pinag-usapan niyo ni Sir?" tanong niya habang naglilinis.
"Ah tungkol sa pinapagawa niya satin.Di ako marunong gumawa ng tula eh." paliwanag ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng music room.Ngayon lang kasi ako nakapasok dito kung kelan magtatapos na ako ng kolehiyo.
"Ha seryoso ka ba tol?HAHAHA" sabi niya habang hawak ang tiyan at tumatawa.Ayon na naman ang mga mata niya na napunta ata sa mars.
"Bakit marunong ka ba?" tanong ko at nakitawa na rin.
"Di mo natatanong pero saakin nagpaturo yung gumawa ng Meriam Webster Dictionary." ibinaba niya ang hawak na walis at naglagay ng alcohol.
"Huh?anong connect?" magka-salubong ang mga kilay na tanong ko.Sumeryoso naman siya at tumabi saakin.
"Ganiyan ang tula.Mukhang mababaw ang mga salita pero malalim,may pinaghuhugutan," ani at ngumiti pa. "Gusto mo turuan kita?"
"S-Sige ba." pagkatapos ko sabihin 'yon biglang kumidlat at mas lalong lumakas ang ulan.
Kumuha si Jerald ng lapis at papel at ipinatong sa mesa sa harap namin.Hindi naman pala mahirap to maging kaibigan.
"Una,syempre kailangan mo ng inspirasyon para ganahan ka sumulat." sabi niya habang nakatingin saakin ng ilang segundo at bigla siyang nagsulat.Tinignan ko kung ano 'yon at nanlaki ang mata ko nang mabasa.Ang pangalan ko.
"B-Bat pangalan ko nakasulat diyan?" ni hindi man lang niya ako nilingon ng tanungin ko siya at may isinusulat pa.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?una kailangan mo ng inspirasyon--" natigil siya nang magsalubong ang mga mata namin at magtitigan ng matagal.Hanggang sa unti-unting naglalapit ang mga mukha namin.
*Tugdug* *Tugdug*
Hindi ako maka-kilos! para akong hinihigop at tinutunaw ng mga tingin niya.Wala akong marinig ngayon bukod sa lakas ng patak ng mga ulan at ang napakalakas na kabog sa dibdib ko.
"Pero minsan hindi mo na kailangan magpakahirap para hanapin.Dahil minsan nasa harap mo na pala." he said leaving me in awe.
Then suddenly his lips touched mine electrifying my mouth down to my left ventricle that is before the strongest chamber of my heart but now I feel it's the softest making the systems of my body so weak.
~~~~~~~~~~~•••••••••~~~~~~~~~~~~
"Huy Nataniel! naintindihan mo ba yung mga sinabi ko bat nakatulala ka lang diyan?" pag-uulit ni Jerald sa tanong.
Sh*t bat pumasok sa isip ko yung ganoon?madumi na ba utak ko?at tsaka bakit ko ba naisip na hahalikan niya ako? I shaked my head to erase that thought of mine earlier.
"Oo." ang tanging naisagot ko kahit hindi naman at wala ni-isa.
"Tsss wag nga ako Nat.Habang nagpapaliwanag ako saakin ka nakatingin pero parang iba iniisip mo.Share mo naman sakin hahaha."
"A-AYOKO NGA!" wala sa sarili at napasigaw ako bigla.
"C-Chill Nat nagbibiro lang ako hahahaha," ani at umaktong may invisible shield siya anumang oras ay susugudin ko siya.
Mabuti naman at hindi mo gugustuhin malaman.
"Ganito na lang,tulungan mo na lang ako para sa audition bukas sa theatre club diba member ka naman doon?tapos tutulungan kita sa monday simulan yung tula mo.Deal?"
Bukas na pala ang audition para sa main role sa last play namin.Nag back out kasi yung gaganap na Romeo na-pressure ata,kawawa naman si Juliet namin if mamamatay mag-isa hahaha.
"Deal.Pero paano naman kita tutulungan eh hindi ko naman alam gagawin doon? extra nga lang ako eh."
"Uhm kunwari ikaw muna ngayon si Juliet tapos sabihin mo lines niya," sabi niya at may kinuha pa sa bag, "Eto oh meron ako." at inabot niya saakin ang dalawang pirasong papel na naka-stapler na mayiilang lines ni Juliet.
"Seryoso ka ba?" natatawang tanong ko sa kaniya.
"Sayo?oo." sagot niya.
*Tugdug*
H-HA?
"S-Saken?" natutulirong tanong ko.
"Oo naman Juliet.Teka nasa script ba yan?" ani at kinuha saakin ang papel. "Wala namang yang sinasabi mo Nat." at ibinalik uli saakin.Binasa ko 'yon.
"Juliet: Seryoso ka ba?
Romeo: Sayo?oo.
Juliet:Paano ang aking inay?siguradong mangungulila siya kapag ako'y sumama sa iyo sa pagtakas.
Romeo:Wag kang mag-alala mahal ko,babalik rin tayo kaagad.Magtiwala ka lang. "
Ahhhhhh nasa script pala yun akala ko---haaayst.Tutulungan ko na lang siya,may choice pa ba ako?malakas pa ang ulan.
"Oh aking Juliet,bakit ang liit ng iyong pwet?" pagsisimula niya.
"Nasa script ba yan?" tanong ko.
"Wala.Hindi naman kailangan lahat nasa script,tsaka kunwari lang naman Nat hahaha." ani at ipinagpatuloy ang ginagawa namin.
"O' aking Juliet bakit maliit ang iyong pwet?" sabi niya ng may tono pa na parang nag a-audition na talaga siya."At ang iyong dibdib,bakit parang dingding?"
"O' aking Romeo,bakit ang baho ng hininga mo?" aba hindi ako magpapatalo ha.
"Sapagkat ang labi ko'y nasasabik na iyo'y madampian." sagot niya.
"Teka bakit biglang naging p*****t bigla si Romeo? HAHAHAHA" tanong ko na ikinatawa din niya.
"Oo nga no,sige sige ibahin natin," sabi habang kinukuha ang kaniyang cellphone sa bag at kinuha mula sa bulsa ang earphone."Alam mo yung kantang Love Story ni Taylor Swift?"
"Lahat naman ata tayo alam yang kantang yan,wala pa akong kilala na di alam yan." natatawang sagot ko.
Iniabot niya saakin ang kabilang pares ng earphones."Eto."
"Para saan 'to?" tanong ko.
"Basta isuot mo na lang."
"Para saan nga--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo sa harapan ko at kinuha mula saakin ang earphones at siya ang naglagay saakin.
*Tugdug* *Tugdug* *Tugdug*
Hoy puso kumalma ka,ano bang nangyayari sayo ha kanina ka pa isa pa--
*TUGDUG*
Muli itong tumibok nang i-abot naman niya saakin ang kaniyang kanang kamay.Wala sa sariling kinuha ko naman iyon at sinenyasan niya akong tumayo.
"We were both young when I first saw you,I close my eyes and the flashback starts..."
Nilagay niya ang dalawang ko sa leeg niya at ang mga kamay niya sa bewang ko.My hands wrapped around his neck while his at my waist then he started dancing along to the music.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw,hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi at sinusunod lang ng sistema ko ang bawat galaw na ginagawa niya.Para akong na-paralyzed nang isang iglap dahil sa mga titig at kinikilos niya.Anong nangyayari?anong ginawa mo saakin?
"That I was Romeo I was throwing pebbles and your Daddy said stay away from Juliet.And I was crying on the staircase begging you please don't go." nagsimulang bumagal ang nasa paligid ko maging ang patak ng mga ulan at tanging ang boses niya nang sabayan niya ang kanta ang tanging naririnig ko ngayon bukod sa kabog ng malakas ng dibdib ko
*TUGDUG* *TUGDUG* *TUGDUG*
His voice sounds like an angel is singing right in front of me right now.Ginagawa niya 'yon habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.Kung pwede lang hilingin na tumigil siya--ay hindi ko pa rin gagawin.
But there's really something in him that makes my heart flutter the way no one else could before,this is the first time and i'm scared to find out the answer to the questions filling up my head right now.
"Hey Nat,I have a question for you." tanong niya saakin habang ang mga kamay ay nasa baywang ko pa rin.
"A-Ano yun?" sinusubukan kong hindi ipahalatang naiilang ako.
"Have you ever fallen in love?"
Nagpaulit-ulit ang tanong niya na 'yon sa isip ko habang naglalakad pabalik sa dorm ko.Medyo mahina na ang ulan kaya nagpaalam na ako sa kaniya na mauuna na ako dahil may pupuntahan pa ako kahit wala naman.Sabi niya sabay na raw kami tutal magkalapit lang naman daw kami ng dorm pero tumanggi ako at hindi naman na siya nag pumilit pa.
Pagkadating na pagkadating ko ay ibinato ko na lang kung saan ang bag ko at tumakbo papunta sa kama.Ano bang nangyari saakin kanina?
"Hot dog hot dog hot diggity dog,now we've got ears it's time for cheers."
Nag-ring bigla ang phone ko,may tumatawag.Pero hindi ko muna ito sinagot dahil ang ganda pakinggan ng ring tone ko.Theme song ng mickey mouse yung hot dog hot dog hot tigidig ba yun? it's just it boosts my vibe.
Nang matapos walang gana kong tinignan kung sino ang tumatawag.Si Mommy.Dali-dali ko itong sinagot.
"Hello My bakit po?" sabi ko,may narinig akong hikbi sa kabilang linya.Umiiyak si Mommy?
"A-Anak Nataniel.." pagsisimula ni Mommy,umiiyak nga siya. "Nasan ka anak ko?may gagawin ka ba?"
"Wala naman po My,bakit po kayo umiiyak nay problema po ba diyan?"
"Wala naman anak gusto ko lang marinig boses mo ngayon,natutuwa lang ako at sumagot ka." bahagya siyang tumawa. "Wala ka bang naalala anak?"
"Ah..." nag-isip ako kung may nakalimutan ba ako,"Bukas po may practice kami para sa play namin."
"Ah ganoon ba," nagsimula na naman siyang umiyak kahit mahina,pero rinig ko. "Sige anak salamat at sinagot mo."
"Sige po My!labyu ingat po kayo Diyan." pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.Tatayo na ako nang maka-receive ako ng text message galing kay Mama.
"Naiintindihan k anak bka bc ka pero napsaya m k ngayong kaarawan ko dahil narinig k ang boses m.Luv u anak!ingat k palagi ha."
B-Birthday ni Mommy ngayon?ano bang petsa na? Sh*t!
Tinignan ko ang kalendaryo at April 18,2019 ngayon.Bumuntong hininga na lang ako at kinuha sa bag ako ang picture ni Mama. "Happy birthday My,I love you." bulong ko at hinalikan pa 'yon na parang mapapawi ko ang kalungkutan niya.Wala akong load para mabati siya.'Di bale bukas pagkatapos na pagkatapos ng practice pupuntahan ko siya.
Nagluto na lang ako ng noodles at hotdog,buti na lang at meron pa akong naitago sa ref namin sa baba.Naligo ako at pagkatapos ay nag binge-watch na lang ng paborito kong drama.
KINABUKASAN maaga akong nagising para sa practice,pinuntahan ko muna si Carl sa dorm niya para may kasabay naman ako papunta sa avr.
"Ano tol game ka ba mamaya?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Saan?"
"Sa usual hangout place na pinupuntahan natin.Tagal na nating di nagkakasama eh." ani Carlos sa tonong nakokonsensya.
"Ah hindi eh,babawi ako kay Mama birthday niya kasi kahapon." pagpapaliwanag ko.
"Ah ganoon ba?Sige sige pre,bati mo na lang ako kay Tita ha.Sayang maraming chicks doon.Tagal ko na ring hindi nakaka-score."
"Lakas mo magpaka playboy liit naman ng t*ti mo! HAHAHA!" asar ko kay Carl.
"Ulul baka pag nakita mo 'to ikaw na mismo tumuwad sa harap ko!"
"Pre."
"Pre..."
Nagtawanan na lang kami hindi namamalayang nakarating na kami sa theater room.Tahimik silang lahat habang nakatingin,pinagmamasdan ang pagpasok namin.Hindi pa man sila nagsasalita pero kita ko na ang mga nagtatanong na mata nila.Sandali kaming natigilan.
"Nat,bakit ganiyan sila makatingin satin?" bulong niya saakin.
"Ganon talaga Tol." ani ko sa pinakamahinang boses ko para di nila marinig habang nananatiling nasa bulsa ang mga kamay habang naka-awkward smile.
"Anybody will stare in awe because of my handsomeness." nakangising dagdag ko.
Natawa naman siya. "He's Into Her na libro ka ba?" tanong niya saakin.Kumunot ang noo.Saang sulok ba ng utak niya naisipan itanong saakin 'yon? tsss hahaha.
"Hindi." sagot ko.
"Bilis na kase! He's Into Her na libro ka ba?" pag-uulit niya sa tanong.
"Bakit?"
"Kasing kapal kasi ng libro yung amatz mo eh."
A-Amatz? what's that? is it posporo? a-matz.
Sumeryoso kami nang sumipol ang Direktor.Halatang inis na dahil salubong na naman ang mga kilay niya. Mukha siyang nakakilay na hatdog.
"Ano oras call time natin?diba 8am? anong oras na kayo dumating 10am?," nanggagalaiting sabi niya habang naglalakad kami palapit sa upuan. "Hay nakoooo sige na nga di na 'ko magagalit basta mamaya kayong dalawa magliligpit ng mga upuan ha." biglang nagbago ang mukha niya. Mukha na siyang maamong hotdog ngayon.
Prostitute lang kasi si Eunice,wait p********e ba yun?yung pansamantalang pumapalit?ay ewan!
Basta 'pag wala si Mike siya ang pumapalit dati kaya ayun napagdesisyunan ng mga professors na gawin siyang Assistant Director.
Ilang minuto ang nakalipas,natuon ang atensyon ng lahat nang magbukas ang pinto at pumasok na ang mga mag a-auditon para sa role na Romeo at yung ilang extra na kulang pa samin.
Agad nahagip ng mata ko si Jerald na halatang kabado pero nang makita ako mgumiti siya bigla na parang hindi na siya kinakabahan.
Have you ever fallen in love?
Muling pumasok sa isip ko ang tanong niya kahapon noong nasa music room kami na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot.
It's easy to fall in love, it's easy to love someone but what's hard is forgetting.In order to move on you have to move forward.It hurts because we promised each other forever.But even gold melts and so promises.
They say promises are not meant to be broken,we're not promises,we're people.So we are really meant to be broken.
Ewan ko,maybe it takes a right person at a right time for me to fall in love.So no,I haven't fall in love at hindi ako interesado.
Nagsimula na ang audition.Maraming sumalang pero lahat sila ay napupunta sa roles na extra o di kaya kontrabida.
"Okay next,Lucas Guevarra?" anunsyo ni Mike sa mga auditionees.Napatigil ang lahat nang tumayo ang isang lalaki na may katangkaran at parang may lahi.Halatang galing sa ibang bansa--parang ako.
"Asawa ko anakan mo na ko ngayon na bubukaka na 'ko!!!AAAAAAAAAA!" halos mamatay sa kilig na sigaw ng katabi kong babae.
Tsss pag gwapo 'anakan mo 'ko'
pag di naman kagwapuhan 'ay leader ng sindikato 'to pramis' ?
Hindot.
SONGS FEATURED ON THIS CHAPTER:
Sa'yo by Silent Sanctuary