Maegan's Point Of View* Nakatingin ako kay Aiden na ganun pa din ang mukha niya habang nakatingin kay Ciello. "Magkakilala ba kayo ng Pinsan ko?" Ngumiti siya at tumango siya at pinat ako sa ulo ko. "I know everyone in your family." Natigilan ako sa sinabi niya. Ah gets ko dahil nagkakilala kami noong bata pa ako at dahil doon nakilala niya ang pamilya ko. "Princess!" Napatingin ako sa dalawang kambal ko na lumapit sa amin. "Mabuti at nakarating na kayo," ani ni Mon at niyakap nila akong dalawa at nasa likuran nila sila Mom and Dad na nakangiting nakatingin sa akin at nandodoon din si Tito Luxciel kasama ang Asawa niya. "Tito Ciel!" Niyakap ko siya at napangiti naman siya at niyakap din niya ako. "I miss you, my niece. It's so nice to see you again." "Me too, Tito. Namiss din k

