Maegan's Point Of View* Nakita ko na napatingin ang pamilya ko sa akin pero di ko sila pinansin at kumain lang ako kasi gutom naman ako. Naramdaman ko din na tiningnan ako ni Aiden. Siguro kinakabahan siya baka magtatanong ako. Malamang pag hindi ko alam ay magtatanong talaga ako pero mabuti alam ko na at gutom lang ako kaya kumain lang ako. "What? Why are you all here?" Pinakiramdaman ko lang ang mga expressions nila kahit hindi ko sila tiningnan. "Hindi po namin alam na nandidito po kayo ngayon." "Hindi ko din alam na imbitado din kayo ngayon," walang emosyon na ani ni Aiden. Napatingin ako sa carrots na nasa plato ko. Favorite naman ito ni Aiden kaya napatingin ako sa kanya na kinatingin niya sa akin. "Why, Sweetheart?" biglang nag iba ang emosyon niya na parang naging malambot

