Maegan's Point Of View* Nakauwi na kami sa mansion ni Aiden kasi kailangan din niyang bumalik sa Kompanya dahil marami pa siyang aasikasuhin doon. Nag aayos siya ng damit niya at napatingin ako sa necktie niya kaya kinuha ko iyon. Sanay na akong maglagay ng necktie dahil tinitingnan ko noon sila Mom and Dad at tinuruan naman ako ni Mom kung paano iyon isuot kay Dad. "Den," tawag ko sa kanya na kinatingin niya sa akin. "Yes, Sweetheart?" "Can I do it?" Pinakita ko sa kanya ang necktie na hawak ko at nakita ko na napangiti siya sa sinabi ko. "Of course, you can." Napangiti ako at tumayo sa pagkakaupo sa higaan at sinuot sa kanya ang necktie at nakita ko na nakatingin lang siya sa akin na parang masayang masaya siya na sinusuot ko sa kanya ang necktie niya. "Done." Hindi niya tinin

