Maegan's Point Of View* Napakagat sa labi si Star na parang maiiyak na ano. "Jordan, iiyak ka ba?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "Gaga ka talaga. Hindi nga ako si Jordan." "Pinapatawa lang kita baka aakalain nila na binusted kita sa date natin." "Ayan ka na naman eh." Napangiti na lang ako at ganun din siya. "Basta thank you very much, Beshy." "Wala naman akong ginawa sayo bakit ka nagpapasalamat?" "Kasi susuotin mo ang damit ko." "Maliit na bagay. Basta sinuot ko ay di mo na makukuha pabalik." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Sayo na yun." "Sure na yan ha." Nagtawanan naman kami at inilahad niya ang damit sa akin at tiningnan ko iyon at nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nakita. "Star, ang ganda nito. Ikaw ba talaga ang naka isip sa design na ito?" "Yes, lahat n

