CHAPTER 4

1387 Words
HINDI ko alam kung namamalik-mata lang ba ako sa nakita ko kanina. Hindi mapakali ang isip ko kaya nakapagdesisyon akong pumunta sa opisina nila. Gulat pa ang mga nandito dahil sa biglaan kong pagpasok. Maging si Martin ay nakatingin sa direksyon ko. Ngumiti ako sa kanila at bumati naman ang mga ito sa akin. Hindi nagtagal, pumasok ang babae sa loob. Kung gano’n ay hindi nga ako nagkakamali, si Martin ang kasama niya kanina. “Nice to see you again, prosecutor,” bati niya habang may hawak na mga kape. Ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa cubicle ng office ni Martin. Kumuha na muna siya ng kape bago lumapit sa akin. “Nasabi kanina ni Lyra na nasa market ka, bigla naman tumawag sila rito na may bagong case kaya agad na kami nagpunta ng office,” paliwanag niya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. “Siya nga pala ang bagong secretary dito,” dagdag pa niya. Hindi ko gusto magtanong pero hindi matatahimik ang kalooban ko kung hindi masasagot ang mga katanungan sa isipan ko. “Bakit nga pala kayo nasa market?” Tumigil siya sa pag-inom ng kape at tumingin sa akin. “Tinignan namin ang mga paninda. Si Lyra ang napag-utusan para hindi mahalata ang imbistigasyon. May mga nagrereklamo sa mga isdang tinutusukan ng mga gamot sa pamilihan,” Lumuwag ang loob ko sa sinabi niya. Tumayo siya at pumunta sa likod ko sabay yakap sa akin. Ramdam ko ang mainit na paglabas ng hangin sa bibig niya. Ilang sandali pa ay pumasok si Lyra para tawagin si Martin dahil may dumating at hinahanap siya. Nagpaalam na rin ako para hindi sa kanila makaabala. Iniwan ko na rin ang binili kong gatas para naman hindi siya mag-isip na pumunta lang ako dito para magtanong. Naisipan ko ring pumunta sa office para dalawin sila Mariel. Ang tagal ko na rin palang hindi dito nakakapunta simula noong magsarado ang kaso nila Kuya Alex. Laking gulat nila noong makita ako. Agad akong sinalubong ni Mariel ng mahigpit na yakap. Sina Grace at Georgia ay dito na rin pala ipinasok. May mga nabago nasa opisina, isa na rito ang disenyo. “I told you Grace, babalik na si Alisha!” natatawang sambit ni Georgia. “Is that for real?” nagulat naman si Mariel sa narinig. “Pumunta lang ako rito para bumisita. Ang laki na rin pala ng pinagbago nito,” Umikot ang mata ni Mariel. “Bumalik ka na kasi, ang daming kliyente ang naghahanap sa’yo,” Bigla ako nakaramdam ng paghihinayang. Sa totoo lang, simula pa lamang bata ay pinangarap ko na maging isang laman ng batas pero ngayon ay hindi ko na matatawag pang abogado dahil mas pinili kong panigan ang mali. “Bumalik ka na. We miss you so much,” pangungulit ni Georgia. “Pag-iisipan ko,” Nagkwentuhan pa kami kung ano na ang mga nangyari sa nakalipas nasampung taon dahil mas pinili kong lumipat kami ng bahay, malayo rito sa lugar kung saan nagpapaalala ng nakaraan. Nagring ang cellphone ko, bumungad ang pangalan ng guro ni Tyler. Hindi ko na nahintay pa tapusin ang kwentuhan namin sa opisina at agad na akong nagpaalam. Ayon sa guro ni Tyler, hindi makahinga ang anak ko kanina kaya agad sinugod sa hospital. Tinatawagan ko si Martin pero patay ang phone. Pinatakbo ko ng mabilis yung sasakyan hanggang sa makarating. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pag-aalala. Pagkakita ko ng room niya, binuksan ko agad ang pinto at tumambad sa akin ang nanghihinang katawan ni Tyler habang may kung anu-anong nakatusok sa kanyang mga gamot. Lumapit sa akin ang Doctor. “Ikaw ho ba ang guardian niya?” “Ako ang kanyang ina. Anong nangyari?” natataranta kong tanong. “Ang anak mo ay nakakitaan ng sinyales na may heart cancer kaya’t hanggat maaga ay kailangan maagapan,” Unti-unting nagbagsakan ang mga luha ko sa sinabi ng Doctor habang pinagmamasdan ang naghihirap kong anak. “Ma-may kailangan bang gawin doc?” Masyado pang bata si Tyler para pagdaanan ang lahat ng ito. “Therapy. I will recommend you to Ms. Villardez, she’s one of the best doctor from Myen Medical Hospital,” aniya pa bago umalis.  Tinabihan ko si Tyler sa higaan at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Nakita kong gumalaw ang kamay nito kaya hinawakan ko ito ng mahigpit. Pinunasan ko na muna ang mga mata kong bas anasa luha, hindi niya gugustuhin ang makita akong ganito. “How’s your feeling, my angel?” paglalambing kong tanong. “I’m feeling well mom. Where’s daddy?” Naalala ko bigla si Martin kaya agad kong sinubukan tawagan siya pero patay pa rin ang phone nito. “He was there while ago. I told him to get some of your cloths. You need to take medication here for your fully recover,” Hindi ko gustong sabihin sa kanya na wala ang ama niya dahil baka makasama pa ito sa kanyang kalusugan. Binibigyan ko ng dahilan kung bakit siya wala, buo ang tiwala ko kay Martin at hindi niya magagawa ang bagay na masasaktan kami. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan hanggang sa magring na ang phone niya at sinagot ito. Sinabi ko na nasa hospital kami at bakas sa boses nito ang pagmamadali na mapuntahan ang anak. Si Tyler ay nakatulog na rin dahil sa pinainom na gamot. Pagkadating ni Martin ay agad niyang nilapitan si Tyler. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay walang dapat ipag-alala dahil simula pa lang noong una’t hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa amin. Umupo ito sa tabi ko. “Sabi ng doctor, kailangan niya ng pahinga,” wika ko habang nilalaro ang singsing sa daliri ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Anong nangyari sa kanya?” usal nito at naghihintay ng sagot. “May heart cancer siya. Hindi pa naman malala pero kailangan agapan,” Nag-iba ang postura ng mukha niya. Bigla nito sinabunutan ang sarili at sa pagharap niya, may sunod-sunod na luha sa kanyang mga mata ang nagbagsakan. “Anong klase akong ama? Wala ako sa tabi niya!” Hinawakan ko ang likod niya. “Wala kang pagkukulang,” Napalamukos na rin ako ng mukha dahil sa mga nangyayari. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi pa malala ang sitwasyon ng anak ko. Kinwento ni Martin ang mga nangyari kung bakit hindi niya nasagot ang tawag. Nadestino siya sa isang imbestigasyon na nasa isang liblib na lugar kaya’t walang signal. Ngayon ay mas panatag na ako, wala akong ibang dapat isipin sa asawa ko. Pumasok muli sa kuwarto ang doctor na kausap ko kanina at may kasama itong isa pa nasa tingin ko ay doctor din. Lumapit sila kay Tyler para kuhanin ang temperatura. Nakatalikod sa kanila si Martin dahil sa namumula nitong mata kaya ako na ang humarap sa mga doctor. Gayunpaman, alam kong nakikinig siya. “Mrs. Sandoval, this is Dra. Alexa Villardez,” pakilala ng doctor. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Martin. “Mr. Sandoval?” tawag sa kanya ni Dra. Villardez. “Magkakilala kayo?” tanong ko at tumango naman si Martin. “Siya hon ang naging medic ng aksidente sa bus. By the way, thank you Dra. Villardez for helping Mr. Dantes,” Nagkamay pa sila. Umalis na rin ang naunang doctor, siya pala si Dra. Mendez. Hindi ko na natanong pa ang pangalan niya kanina dahil sa pagkatulala noong lumabas ang findings ni Tyler. Umalis na rin si Dra. Villardez dahil may iba pa siyang pasyente. Muli kaming naiwan ni Martin. Nagkuwento ako sa kanya na pumunta ako sa office pero hindi na pala siya nakikinig dahil nakatulog na. Kumuha na lang ako ng kumot at lumipat na ako sa kabilang sofa para mas maging komportable siya sa pagkakahiga. Kinuha ko muna ang aking wallet para sana bumili ng prutas nang mapansin kong nandito ang phone ni Martin. Tumunog ito kaya hindi ko maiwasang hindi tignan kung sino ang nagmessage. 1 message from Clyde “Kumusta si Tyler? Keep safe bro,” Binaba ko na yung phone. Sa panibagong pagkakataon, muli akong nagkaroon ng maling hinala.  Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin at ang bigat ng pakiramdam ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD