ALISHA POV
HANGGANG saan ang kaya mong gawin para sa iyong anak?
Akala ko perpekto na ang lahat ngunit tama sila, ang lahat ng bagay ay masaya lamang sa umpisa. Ako si Alisha Sandoval na tinitingala bilang isang mahusay na prosecutor pero kahit anong ligo at kuskos ang gawin ko sa aking sarili, nandidiri pa rin ako.
Paano magiging tahimik ang buhay ko kung pilit pa ring nagpaparamdam ang nakaraan? Gusto kong umiyak bagamat walang kahit anong boses dahil sa takot na marinig ng aking anak. Hanggang kailan ko nga bang magagawang tiisin ang lahat at magmakaawa para lamang masabing isa kaming masaya't buong pamilya?
"Ughh," ungol ng isang babae sa loob ng kuwarto. Nanigas ang aking mga paa habang pinipigil ang pagdaloy ng luhang bumabagsak sa mga mata ko.
Dahan-dahang umatras ang mga paa ko hanggang dalhin sa isang lugar, ito ay yung silid ng aming anak. Agad akong lumapit at niyakap siya.
Kasalukuyan siyang mahimbing na natutulog. “Anak, kailangan ko ng lakas. Ikaw na lang ang tanging mayroon ako,” bulong ko sa aking sarili habang mahigpit na hawak ang kamay niya.
I am not selfless, I just a mother of my child. Ayaw kong maranasan niya ang isang bagay na pinagkait sa akin, ito ay yung magkaroon ng pamilya.