ALISHA POV
ANG kasal ay para lamang sa dalawang taong matatag sapagkat may mga bagay na darating upang subukin kayong dalawa. Ako yung babaeng gagawin ang lahat para sa pamilya, hindi ko hahayaang masira ito ng dahil sa pagkakamali ng isa’t isa.
“Do you both pledge to share your lives openly with one another, and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for one another, cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardships and triumphs for all the days of your lives?” Iyan ang tanong pari at pansamantala akong napatingin kay Martin na ngayon ay nakangiti na siyang nagpadagdag sa kagwapuhan nitong taglay.
“Yes. We do, father” sabay naming sagot.
“May these rings be blessed as a symbol of your union. As often as either of you look upon these rings, may you not only be reminded of this moment, but also of the vows you have made and the strength of your commitment to each other,” muling sabi ng pari. Humarap sa akin si Martin at sa mga oras na iyon ay parang gusto na kumawala ng puso ko sa sobrang saya.
“Alisha, I may not be the best man that you will ever met but I promise, I will love you until my last breathe. I am not a king, but I am willing to give everything just to make you happy. You are the woman that I want to be a mother of my child. You are the woman that I loved for 8 years,” sambit niya at may namuong luha sa mga mata nito.
Sa loob ng maraming taon, ngayon ay nasa harap na kami ng altar upang bumuo ng mundo kasama ang isa’t-isa. Hindi ko maiwasang maluha sa sobra sayang nararamdaman ko ngayon. Pinunasan niya ang mga luha ko at nagtuloy sa pagsambit ng mga pangakong bubuo ng panibagong pamilya kasama ako.
“I will cherish you with love, support, understanding and I do promise to be your faithful husband,” dagdag pa niya at isinuot nasa akin ang singsing.
Kinuha ko na ang singsing at ngayon ay oras na para mag-isang dibdib sa lalaking pinangarap kong makasama hanggang sa pagtanda.
“Martin, you are the man that I prayed for. I am so thankful because God still choose you for me. For those years we’ve been together, you never tired of loving me. And now, I am all yours. I am so happy to be your Mrs. Sandoval, I want to make more memories with you,” ani ko at isinuot na ang singsing.
“Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride.”
Muli humarap kami ni Martin sa isa’t-isa at nagpalitan ng matamis na halik, tanda nito ay ang bakas ng aming pagmamahalan. Ang lahat ay nagpalakpakan at nagkaroon pa ng mga litarato. Pakiramdam ko, ako ang pinakasuwerteng babae sa mundo.
Pumunta na kami ng venue kung saan ay marami na rin ang mga bisita. Nagpaalam munasa akin si Martin na pupuntahan ang kanyang mga kaibigan kaya tumango ako bilang sagot. Nakita ko si Kuya Alex na masayang-masaya habang palapit sa akin.
“Congrats lil sis, I am so happy for you,” maluha-luha pa niyang sabi na parang bata.
“You looks more ugly when you cry,” asar ko naman kaya binigyan niya ako ng masamang tingin at nainis pa noong ginulo ko ang buhok niya.
“Kung puwede lang kita bantayan, Alisha. You are now finally married. Dati, bata ka lang na umiiyak sa akin kapag may nakitang laruan. Hindi rin kita maiwanan sa bahay kasi hindi mapanatag ang kalooban ko. Kung nandito man sila mama, I know that they are so happy to seeing you right now. I love you,”
Wala na akong pamilya at tanging si Kuya Alex na lang ang mayroon ako simula noong maaksidente sina mama at papa. Kung mayroon mang suwerte, ako iyon dahil mayroon akong kapatid na nakalimutan ang sarili para lamang ibigay ang mga bagay na gusto ko.
“Even I’m married, you always be my king. Don’t worry about me, malaki na ako at isang ganap na abogado. Simula ngayon, ako na ang tagapagtanggol sa’yo. I am so lucky to have you kuya, thank you for loving me. I love you too,”
Niyakap niya akong mahigpit at kahit pigilan man niya ang umiyak, bakas sa mga mata niya ang pamumula. Siguro kung may kapintasan man si kuya, iyon ay pagiging malapit sa mga babae.
Mula sa malayo, may isang dalaga na naka-fitted red dress na palapit sa aming direksiyon. Pilit kong inaalala ang mukha niya hanggang sa makalapit. She’s Angelica Laure, ang ex-girlfriend ni kuya.
Schoolmate ko siya kaya madalas na nagkikita sila ni kuya sa tuwing susunduin niya ako. Naging sila for 3 years, masaya naman sila pero dumating ang araw na biglang umalis si Angelica. After a few years, nandito na ulit siya.
Masaya akong makita ang aking kapatid na nakangiti ngunit sana ay hindi na maulit pa ang mga nangyari noon. Masyadong nasira ang buhay niya at nakalimutang magtira ng pagmamahal sa sarili.
“Hi, Alisha.” Bati nito at inakbayan siya ni Kuya Alex. “She’s back,” sabi ng pilyo kong kapatid sabay kindat. Pailing-iling na lamang akong pinagmamasdan sila. Kahit pala ang malokong tao, marupok din pagdating sa pagmamahal.
Bago ako umalis para puntahan ang aking mga kaibigan, binalaan ko si Kuya Alex na mataas ang posisyon ng magulang ni Angelica dahil mga politiko ito at alaga ng batas.
Binigyan lamang niya ako ng isang ngiti bago ayain ang dalaga na kumain.
“Congrats Mrs. Sandoval. Finally, hindi ka na tatandang dalaga,” pangungutiya ni Mariel na naging dahilan naman ng tawanan nila Grace at Georgia, mga abogado sa ibang departamento.
“Ms. Prosecutor or Mrs. Prosecutor?” dagdag pa ni Georgia.
“I prefer Mrs. Prosecutor Sandoval,” sagot naman ni Mariel.
Si Grace ay tahimik lamang na nakikinig sa amin. Sa aming apat, siya ang palaging walang kibo pagdating sa pag-ibig. Siguro ay dahil hindi pa niya nararanasan magkarelasyon.
Dumating yung waiter at may dala itong wine kaya kumuha kami para magcheers. Dumating na rin ang mga asawa nila Georgia at Mariel.
Ipinakilala ako ni Martin sa mga kaibigan niya. Hindi nagtagal, nag-uwian na rin ang mga bisita. Bago pa umalis si Mariel ay may binulong ito na talagang nagpakabog sa dibdib ko. “Enjoy your honeymoon,” bago tuluyang umalis at iniwan akong tulala.
Nagulat ako dahil biglang inakbayan ako ni Martin habang nakangisi. Umiling akong sumakay ng kotse papuntang Yacht. Pagkarating doon ay dumaretso na kami ng kuwarto at binigyan ako ni Martin ng isang malalim na halik bago pumasok sa bathroom.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya, agad niya akong sinunggaban ng halik na sinuklian ko naman. Ang kanyang kamay ay nakarating sa ibabang bahagi ng aking p********e hanggang sa tanggalin nito ang saplot ko sa katawan. Ang ungol ng gabing ito ang kakaiba sa lahat, ito ang gabi kung saan ibinigay ko sa kanyang ang buo kong pagkatao.
*****
Nagising ako habang nakayakap kay Martin. Naalimpungatan ito noong maramdamang gising na ako kaya hinalikan niya ang aking noo bago magtuloy sa pagtulog.
“What do you want to eat for breakfast?” malambing kong tanong.
“I like yours,” mapanuksong bulong niya at muli akong binigyan ng isang malalim na halik. Ang bawat haplos niya ay siyang pumapawi ng kirot na aking nararamdaman sa kanyang ginagawa kagabi.
Tama sila, ang unang pagkatataon na magsama ang dalawang tao ay may kakaibang sakit sa simula ngunit animo'y samyo nasa bandang huli ay nakakasanay na.
Ilang oras pa ang lumipas at nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas na rin ako ng kuwarto para magluto. May chef kaming kinuha para sa two weeks vacation dito sa loob ng Yacht pero siyempre, gusto kong ipagluto ang asawa ko.
Hindi ako gano’n kasarap magluto pero puwede na rin ang lasa bilang panimula. Agad ko itong dinala sa kuwarto, si Martin ay may kung anong binabasa sa phone.
“Is there’s a problem?” tanong ko habang ibinababa ang mga pagkain sa lamesa.
“No, don’t worry about it,” nakangiti niyang saad at umupo na. hindi ko na lang pinansin pa at kumain na kami.
Si Martin ay isang Chief officer at ako naman ang prosecutor kaya sa tuwing may kaso, kaming dalawa ang palaging magkasangga. Siguro mas naging malapit ang loob ko sa kanya dahil dito.
Ang sabi niya ay wala lang ang problema na iyon bagamat tatlong araw pa lamang ang nakalilipas simula noong mangyari ang kasal namin ay kinailangan na umuwi dahil sa isang kaso. Naiintindihan ko naman kaya wala sa akin problema ang bagay na iyon.
Pagbaba namin sa bahay ay sinalubong na kami ng mga kasambahay. Si Martin naman ay hindi pa nakapapasok, bigla na siyang nagpaalam para pumunta ng office.
Tinatanong ko siya at wala naman itong kahit na anong sinasabi. Pumanik na ako sa kuwarto para tignan ang cellphone ko, ilang araw itong sarado dahil ayaw kong magtrabaho sa araw ng aming kasal.
Pagbukas ko pa lamang, bumungad ang maraming missed calls mula kay Kuya Alex at mga messages. Agad akong sumakay ng kotse at mabilis na pinaandar papunta sa police station para alamin kung ano ang totoong nangyari.