CHAPTER 2

1098 Words
                “H-HINDI ko magagawang pumatay, pakiusap gusto ko na umuwi,” pagmamakaawa ng lalaki sa harap ng asawa ko at galit na sinunggaban siya ng lalaking sa suot nito ay halatang mayaman kahit nakatalikod. Nakita ko si Kuya Alex na nasa isang sulok lang habang nakikinig. Nagulat pa si Martin noong makita ako, sinadya niyang hindi ipaalam sa akin ang kaso. Sinubukan kong lumapit sa kanila para tignan kung sino ang mga nandito. Hindi ko maintindihan kung bakit sila Mr. at Mrs Laure pala ang nandito. Bakas sa mukha nila ang galit habang namamaga ang mga mata. “Hindi ako pumatay sa anak niyo!” giit ng lalaki ngunit mas lalo lang siya tinamaan ng mga suntok mula sa ama ng biktima. “Buhay mo ang kapalit sa anak ko!” nanginginig na sigaw ni Mr. Laure. Tinignan ko ang mga litrato na nasa lamesa at hindi ako makapaniwalang si Angelica ang nandito na duguan. Patuloy sa pag-iyak si Mrs. Laure. Pilit nilang pinapaamin ang sinasakdal bagamat ayaw nito magsalita tungkol sa isyu. Hindi ko alam kung bakit nila idinidiin ang lalaking sa palagay ko ay inosente naman talaga ayon sa itsura niya. “May witness ba na magpapatunay?” singit ko sa usapan nila. “A-ako, nakita ko lahat,” sabat ni Kuya Alex. Lalong namula sa galit si Mr. Laure at nawalan ng malay si Mrs. Laure dahil sa nangyayari. Napaluha na rin ang lalaking nakahiga nasa sahig dahil sa namamalipit sa sakit ng natamong suntok. Lumabas ako kasama si Kuya Alex, ang mga mata niya ay may kung ano sa aking sinasabi. “Ano ang mga nakita mo?” tanong ko at bigla na lamang niya ako niyakap. Iba ang pakiramdam ko, napupuno siya ng takot na nagbigay sa akin ng kakaibang kutob. “Tulungan mo ako. Ayaw ko makulong,” bulong niya. Namanhid ang buong kong katawan, hindi ako makapaniwala na magagawa ito ng kapatid ko, he’s a murderer. He killed the innocent womanjust because of his obsession. binalaan niya akong mas gugustuhin niyang mamatay kaysa ang makulong at hatulan ng death penalty na gusto mangyari nila Mr. at Ms. Laure. Ako ang tatayong abogado sa kaso ni Angelica, hindi ko alam ang dapat kong gawin. Si Kuya Alex na lamang ang mayroon ako bagamat may inosenteng madadamay ng dahil sa kanyang pagkakamali. Bibigyan si Mr. Rommel ng tatlong araw para makakuha ng isang public defendant na tatayong abogado at linisin ang pangalan niya sa supreme court. Umuwi na kami ni Martin pero buong biyahe ay nawalan akong imik. Hindi na rin kami masyado pa nagkausap ni Martin at dumaretso na akong bathroom para magbabad. Alam kong sa oras na madiin sa kaso si Kuya Alex, hahatulan siya ng kamatayan at gagamitin nila Mr. Laure ang kapangyarihan upang pabagsakin kaming mag-asawa. Ayon sa pahayag, may anak na babae si Mr. Rommel Villamor at ang kanyang asawa ay nagtitinda ng mga kakanin sa bayan. Hindi kaya ng konsensiya kong magbayad ang isang inosente sa kasalanang hindi siya ang gumawa. Sumasakit ang ulo ko, maging kay Martin ay hindi ko masabi ang totoo dahil kaming lahat ay nakapailalim sa batas at kapwa buhay ang magiging kabayaran. Kumatok si Martin sa pinto kaya dali-dali akong nag-ayos para hindi siya makahalata. Tumingin na muna ako sa salamin bago lumabas. “Huwag mo na isipin iyon, poprotektahan namin si Kuya Alex bilang witness,” malambing niyang sabi at niyakap ako. Sumubsob na lamang ako sa dibdib niya at sabay naming pinakinggan ang tunog ng ulan mula sa labas. *****               Palapit ng palapit ang mga araw, wala na akong ibang maisip pa na paraan. “Prosecutor Sandoval, nandito na po sila Mr. Laure,” sabi ng secretary ko. Pinatay ko na ang tawag at nagtuloy ng pagmamaneho. Ipinark ko na ang sasakyan at pumunta nasa loob. Bago pa man ako pumasok ay may babae at kasama itong anak na umiiyak, lumuhod sila sa harap ko na sinaway naman ng mga guwardiya. “Inosente ang tatay ko kaya kung totoo ang batas, ang hustisya ay hindi dapat ipukol sa taong biktima lamang din ng mga nangyari,” Tinignan ko ang nagsalitang kasama ng matandang babae at nagtama ang aming mga mata. Kung gano’n, sila ang pamilya ng nasasakdal. “Hayaan nating batas ang magpasya ng desisyon tungkol dito,” sagot ko naman bago tumalikod pero hinawakan niya ako sa kamay. “Sana ang iyong ipinaglalaban ay hindi kabaligtaran sa batas na iyong pinaniniwalaan,” saad pa niya. Inalis ko na agad ang mga kamay niya at pumasok na ako sa loob. Nandito na rin sina Mr. at Mrs. Laure. Ito ang unang paghaharap upang idipensa ang panig ng bawat isa. Ang kinuhang public defendant ay si Ms. Mendoza, kung hindi ako nagkakamali ay may utang na loob siya sa pamilya Laure dahil sa pag-aaral nito kaya siguradong nasa panig namin siya at hindi magiging mahirap ang kaso. Dumating na ang judge, sila ang hahatol para sa kaso. Nagsimula ang pagsisiyasat, binigyan ang bawat panig ng oras para magsalita. Unang napili ay ako, ang prosecutor. “I am Alisha Sandoval, the prosecutor in this case of Angelica Laure,” pakilala ko sa lahat. Huminga na muna ako ng malalim bago ilabas ang mga ebidensyang magdidiin kay Mr.  Villamor. “Hindi totoo ang lahat ng iyan!” sigaw ni Mr. Villamor kaya sa tuwing nanghihina ako, kay Kuya Alex ako tumitingin dahil siya ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. “7AM hanggang 6PM ang oras ng trabaho niyo, ang aksidente ay naganap pasado 7.30PM. Nakita ang katawan ni Anglica na kasama ka at ayon sa test ng kutsilyong ginamit, kamay mo ang nadetect,” diretso kong paliwanag. Tumunog ang oras upang pahayag naman ni Ms. Mendoza ang magsasalita. “This is not fair when we accuse Mr. Villamor as a murderer of 19 years old young woman without any strong evidence that should be using. Ayon sa aking kliyente na si Mr. Villamor, nagkaroon ng print sa pag-alis niya ng kutsilyong nakatusok sa katawan ni Angelica. Maaaring ang mga ebidensiyang nakuha niyo ay pawang gamit lamang bilang kuro-kuro at idiin siya sa kaso,” seryoso niyang pahayag. Nagtaas ako ng kamay upang muling magsalita. “Maaari? Kung gayon ay hindi rin kayo sigurado at wala kayong ebidensiyang dala kung hindi ang katagang inosente si Mr. Villamor,” dagdag ko pa. Masyado mainit ang lugar na ito para sa aming lahat. Nagbigay ng break upang muling kausapin ang bawat panig at napatingin ako ngayon kay Mr. Villamor habang yakap ang kanyang anak na umiiyak.   Sorry, patawarin niyo sana ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD