Dale's POV
Masakit ang aking katawan pero hindi muna ako nagmulat ng aking mga mata dahil pinapakiramdaman ko ang paligid.
Mariin akong pumikit, pilit ko iniisip ang lahat ng nangyari.
I only remembered is nakasakay kami ng asawa ko sa plane going to America, bigla na lang nagpa pagewang-gewang ang sinakyan namin pababa at boom!!!
Napabalikwas ako ng bangon at inusisa ang aking sarili. Hinihingal at kinakabahan ako! Wait, nasaan ako? Bakit madilim ang paligid. Ang alam ko kwarto itong kinalalagyan ko.
Biglang bumukas ang pintuan kasabay ng pagliwanang ng paligid.
Sumungaw si Caroline at laking gulat ko na makita siya. Siya ang aking matagal na kasintahan, naghiwalay kami dahil nalaman kong niloloko ako. Kasama na sana siya sa tagumpay ng negosyo ko sa Amerika ngunit laking pasalamat ko dahil nalaman ko ang totoo bago ako nakauwi ng Pilipinas.
"What is the meaning of this!?" Tanong ko agad bago pa humakbang ng tuluyan para makalapit sa kinaroroonan ko.
"Oh, honey let me come in first," ngiting-ngiti namang nakatingin ng malagkit sa akin.
"Gising ka na pala, welcome to my world!"
Umupo siya sa kama na nakatalikod sa akin sa may paanan ko banda. Dahil nakaupo ako sa kama ay hinila ko aking ang katawan para makasandal sa head board ng kama. Agad ko pinalibot ang aking paningin sa buong kwarto. Kinilabutan ako sa aking nakita.
"Asan ako?!" tanong ko ulit sa kanya na halos umaapoy na ang mga mata ko sa galit.
"By the way, did you slept well?"
"Caroline, ano ang ibig sabihin nito?
What you think you are doing?" Halos umusok ang aking ilong sa pagtanong sa kanya.
"Mr. Del Monte, sorry to say di pa tayo tapos sa mga gusot natin!
Marami pa tayong aayusin kaya dahan-dahan ka sa pananalita mo!"
Sigaw niyang pabalik sa akin.
"After what happened between you and me, would you think ganito na lang ba ang lahat?
We'll it's not! Sorry ka na lang!" Parang kulog na dumagundong ang boses ni Caroline sa maruming kwarto.
"Palabasin mo ako rito Caroline!"
"Just wait, honey, darating tayo diyan pero sa ngayon huwag muna."
Akma akong tatakbo patungo sa labas ng kwarto ng paluin ako ng mabigat na bagay sa aking ulo. Nahilo ako at kadiliman ang lumukob sa akin.
Nagising na lang ako na nakatali ang aking mga kamay at paa sa isang bakal na silya at may busal ang aking bunganga.
Sa pagkakaalam ko nasa isang Isla kami dahil natanaw ko ang malawak na bahagi ng tubig kahit maliit lang na liwanag ang naging ilaw ko.
"Saang Isla kaya ito?" Tanong ko na lamang sa aking sarili.
Pumikit ako at huminga ng malalim ng bigla ko nakita ang mukha ng aking asawa.
"Sophia, asawa ko nasan ka?
Sana buhay ka rin kagaya ko.
Kapag may nangyaring masama sa iyo,pagbabayarin ko, si Caroline!"
Sinubukan kong igalaw ang aking katawan, umaasa na lumuwang ang pagkakatali ng mga aking mga kamay at paa. Nabigo ako dahil sa higpit nito.
Di ko lubos maunawaan kung ano ang plano ng babaeng iyon sa amin. Ano ang dahilan bakit ako nagawang dukutin?
Possible na siya ang dahilan kung bakit bumagsak ang sinasakyan namin.
"Buhay din kaya si Sophia?"
Paulit-ulit ko na lang sinasambit at tinatanong sa aking isipan ang aking asawa. Kung buhay man siya o patay sana nahanap at inayos. Nakakapanlumo ang aking iniisip tungkol sa kanya.
Di ako madasalin na tao pero sa pagkakataong ito, nagawa kong manalangin sa Diyos para sa kaligtasan ng asawa ko at ganun din sa kalagayan ko ngayon. Kung sino man ang dahilan o nagpasimula nito, sisiguraduhin kong mauubos sila sa oras na makakaalis ako dito.
Huwag na huwag magkamali si Caroline na idamay ang asawa ko sa kaguluhang ito. Kailangan kong magplano sa isip ko para makatakas sa lugar na ito kundi mapatay ako o ako ang makakapatay. Bahala na laban kung laban. Patay o buhay na kung kinakailangan.
Napamulagat ako ng makita ko kung sino ang biglang tumambad sa may pintuan.
"Ikaw?!"
Sabi ng utak ko ng makita ko si Gregg.
Matagal ng panahon ng maalala ko na minsan nakalaban ko siya sa isang
"Gun Shooting Tournament" sa America, hindi lang iyon dahil may atraso siya sa akin. Nag-igting ang aking bagang, tama ba ako na magkasabwat ang dalawang taong ito?
Walang hiya itong tao na ngumiti kasabay ng matalim na tingin sa akin.
"Atlast, nagkita na naman tayo! Tingnan natin kung sino ngayon ang Dale Kevin Del Monte na tinalo ako nuon!?"
Lihim kong ikinuyom ang kamao kahit na nakatali pa ito.
Lumapit sa akin at malakas akong sinampal na nagbigay sa akin ng matinding pagkahilo.Tumulo ang dugo mula sa aking bibig, dumaloy pababa sa aking katawan. Suntok sa kaliwa at suntok sa kanan ang dumapo sa aking mukha. Masakit ang sugat na tinamo ko dahil sa kanyang kamao.
Isang tadyak ang natanggap ko at natumba ako patihaya kasama ang silyang bakal kung saan ako nakatali.
Matinding sakit ang naramdaman ko na halos namimilipit na ako. Halos malagutan ako ng hininga sa sakit na aking naramdaman. Hinang-hina ang aking katawan.
"Boss tama na baka mapatay mo na agad iyan," sabi nuong isang tauhan niya na kakapasok pa lamang.
"Hahaha! Ang sarap pumatay ng tao lalo na ang kagaya mo, Del Monte!" giit niya kasabay ng isa pang tadyak sa tagiliran ko.
Habol ko ang aking pahinga at tuluyan ng dumilim ang aking paligid.
Nagka-malay ako sa malamig na semento at ganuon pa rin ang hitsura ko.
Sinikap kong gumalaw, pilit na nagpupumiglas para kahit paano maalis ang mga lubid sa mga paa ko at kamay.
Nagtagumpay naman ako dahil sa ginawa ni Gregg kanina ay lumuwag ang pagkatali mula sa de bakal na silya. Humugot ako ng lakas para tuluyan akong makawala.
Nagawa kong alisin ang pagkatali sa mga kamay ko sinunod ko naman agad ang nasa aking paa. Natanggal ko lahat wala ng sagabal pa. Taimtim akong nagpasalamat sa itaas dahil sa munting tagumpay na nagawa ko. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas para magawa kong makawala sa mahigpit na pagkakatali.
Hindi ako nagpahalata na natanggal ko ang tali. Wala muna sana papasok dito para hindi nila malaman agad. Pagkuwa'y nag-iipon pa ako ng maraming lakas upang maisakatuparan ko ang pag-alis ko rito.
Pahinga muna saglit habang kausap ko ang aking sarili. Mapapalaban talaga ako!
Walang problema sana'y ako sa mga ganitong laro. Likas sa akin ang mga ganitong pangyayari kaya dapat lagi akong handa.
Hinaplos-haplos ko ang aking dibdib para makaipon ng maraming hangin. Inhale at exhale ako. Nagbuga ako ng hangin sa kawalan. Sunud-sunod ko itong ginawa.
Yumuko lang ako at pakiramdam ko ay paunti-unti ng nagiging maganda ang kondisyon ng katawan ko. Binaling ko ang ulo ko kaliwa at kanan upang maexercise ang aking leeg.
Ramdam ko ang sakit na dulot ng paghampas sa akin ni Caroline isama pa ang tadyak ni Gregg. Namamaga ang aking buong katawan at may sugat pa maliban sa pumutok kong labi. Nagngitngit ang aking mga ngipin.
Titig na titig ako sa may pintuan, umayon sa akin ang panahon. Mga trenta minutos na ako sa ganung posisyon pero wala pang taong pumapasok kung saan ako nakakulong. Bagay na ipinagpasalamat ko. Dahan-dahan kong iginilaw ang katawan ko para maensayo kahit masakit.
Kailangan ko ng gumalaw para makapagsimula na ako sa naisip ko. Sinimulan niyo ito kaya tatapusin ko naman, kasabay ng dahan-dahan kong pagtayo.
"Ouch!"
Napahawak ako sa aking tagiliran. Makirot pa ito but I have to move now bago pa malaman na natanggal ko na ang mga itinali sa akin.
Dahil nakaupo ako sa sahig ay dahan-dahan akong tumayo. Nanginig ang kalamnan ko dahilan para bumagsak ako. Buti malayo ang bakal na upuan sa pinagbagsakan ko. Tumama ang puwitan ko sa semento at napaigik ako. Gumalaw pa ako at sakit napadaing ako sa matinding sakit.
Bumuga ako ng hangin ng maraming beses to ease the pain.
"Oh, God, please help me," I prayed silently.
Naramdaman ko ang matinding kirot sa aking tagiliran. Nagngitngit ang aking mga ngipin para labanan ang kirot.
Yumuko ako at pumikit, hinawakan ko gamit ng dalawang palad ko ang aking ulo. Tinagalan ko muna ang aking pagpikit para mag-isip ng panibagong stratehiya at para mabawasan ang sakit sa aking katawan. Isinandal ko ang likod ko sa pader saka ko inunat ang aking mga paa ng diretso. Guminhawa ang pakiramdam ko sa ginawa ko.
Pagkatapos ng limang minutos sa ganuong posisyon, dahan-dahan akong tumayo ngunit nangangatog pa ang aking mga tuhod. Bawat galaw ko, ramdam ko ang kirot sa aking buong katawan. Umupo ako ulit para makapagsimula, pahinga muna saka dahan-dahan na namang tumayo. Bawat sakit at kirot na aking maramdan ay agad akong nagbubuga ng hangin para maibsan.
Naisip kong mahiga ng tuwid para maipahinga ang aking katawan. Naramdaman ko ang antok ngunit di ako pwede matulog dahil baka madiskubre nila na natanggal lahat ang mga itinali sa akin. Ayoko na mapahirapan pa ang aking katawan dahil sobrang sakit na ang tadyak na tinamo ko sa paa ni Gregg.
Pagkaisip ko sa pangalan nilang dalawa, kumukulo ang aking dugo. Sinaktan ako ni Caroline dati sa emosyon ngayon naman ay sinaktan niya ako sa pisikal. Nagtandem pa ang dalawang ito na parehong "loser." Naisuntok ko ang kamay ko sa semento, mabuti na lang at di kalakasan kundi panibagong sakit na naman ng aking katawan.
Sinikap kong tumayo ulit sa pagkakataong ito ngunit masakit talaga. Naglakad ako patungo sa pinto ngunit di pa man ako naka-tatlong hakbang ay dahan-dahan akong napaupo kung saang ako nahinto. Sige lang pilitin ko pa pagkatapos ng limang minutos para masanay ang aking katawan. Habang nakaupo inuunat ko at sinasarado ko paa ko para maexercise pa lalo.
Naramdaman ko na may gumagalaw sa seradura. Minadali kong bumalik sa bakal na silya, dahil andun pa ang mga tali na ginamit kanina, agad kong ibinalik ang mga kamay at paa ko sa pagkatali para di mahalata na nakawala ako. Iniyuko ang ulo ko at pumikit, nagkunwari akong tulog. Narinig ko na bumukas ang pinto.
Pumasok ang yabag batay sa pagkarinig ko. Tumayo ito sa harap ko ngunit di ko pa rin dinidilat ang mata ko. Nanalangin na huwag niya sana mapansin ang lagay ko. Hindi ako gumalaw para maniwala siya na nakatulog ako.
Pagkatapos ng sampung minutos na pagtayo sa harap ko ay naramdaman ko na tumalikod na siya sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para buhatin ang bakal na upuan ngunit mabigat pala ito. Narinig niya ang kalaskas na nalikha ko dahil sa paggalaw ko kaya lumingon ito. Mabilis akong gumalaw para malapitan at sunggaban siya.
Sakto ang pagbunot niya ng baril ng dumapo ang sipa ko sa kanyang mga kamay. Tumilapon ang baril sa ere, nagbuwelo ako para sipain ulit sa paa ngunit naunahan niya ako. Napaatras ako ng tumama ang pagsipa niya sa tiyan ko. Nasalo niya ang baril.
Mabilis akong umikot saka pinatid sa paa, natumba siya at nabitawan niya ang baril. Sinundan ko pa ng isang tadyak, namilipit siya sa sakit. Lumapag ang baril sa di kalayuan sa amin, akma akong hahakbang ng nahawakan niya ang paa ko. Tumumba ako at pumaibabaw sa kanya.
Sinusuntok niya ako ngunit agad ko nahawakan ang kanyang kamay saka ko binaluktot. Nakita ko ang pagngiwi ng kanyang mukha kaya mas lalo ko pa itong hinigpitan. Nagpumiglas siya at nagtagumpay na makaalis sa mga kamay ko. Inunahan ko siya sa pagkuha ng baril.
Agad ko ipinalo sa kanyang ulo ng tatlong beses dahilan para mawalan ng malay. Bagamat masakit ang katawan ko hinila ko siya sa may bakal na silya. Itinali ko ang kanyang mga kamay at paa na nakaupo. Ginaya ko ang ginawa ko kanina ng pumasok sa kwarto.
Inayos ko ang aking sarili at pinagpagan ko ang damit ko. Isinukbit ko ang baril sa likod ko bilang paghanda kung may papasok ulit dito sa kwarto kung saan ako ikinulong. Pahinga muna ako dahil nadagdagan ang sakit ng katawan ko sa pakikipaglaban sa lalaking ito. Napasalampak ako sa sahig dahil sa panghihina.
Kung diko kayang tumayo gagapang na lang ako para makarating sa pinto. Sumasakit ang dibdib ko at mabigat ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim saka ko ito ibinuga. Huwag naman mangyari na magsuka ako ng dugo.
Sinubukan ko ulit tumayo, dahan-dahan kong naituwid ang aking katawan. Kailangan ko pa timbangin ang sarili ko para hindi matumba. Nagtagumpay ako na nakahakbang ng tatlo. Humihinto ako para makakuha ng lakas muli.
Dalawa na lang na hakbang para makarating ako sa pintuan. Nag-ipon ako ng lakas ngunit natumba pa rin ako. Mainam na lang at nahawakan ko ang seradura kung hindi ako ay natuluyan na akong bumagsak sa sahig. Hinila ko ang paa ko habang kumukuha ako ng lakas sa pagkapit ko ng husto sa seradura.
Nakatayo na ako ng tuwid dito sa may pinto, saka pahinga ulit. Sumandal muna ako saka pumikit. Narinig ko ang paghinga ko, ramdam ko ang bigat sa dibdib. Kailangan ko na makaalis sa kwartong ito bago pa magkamalay ang lalaki.
"Kailangan mo ng lakas ng loob," sabi ko sa aking sarili.
Idinikit ko ang aking tainga sa dingding ng pinto para marinig kung may parating. Ginawa ko ito ng trenta minutos, walang maingay sa labas at walang kaluskos. Natuwa ako sa naobserbahan ko kaya pwede na akong lumabas.