Chapter 9: Emotionally Devastated

2036 Words
Sophia's POV Sumampa ako sa aking kama, umupo sa gitna habang nakasandal ang likod ko sa headboard. Nakatuwid ang aking mga paa at yakap ang isang unan. Sumikip ang dibdib ko kaya umiyak na naman ako. Nakakalungkot ang mag-isa, unang gabi na hindi ko makatabi sa pagtulog. Bawat patak ng aking luha ay punas agad ang ginagawa ko gamit ang tissue na halos mapuno ang trash bin sa katatapon ko. Wala na di ko na kaya humagulgol ako, di bale nasa baba naman sila di ako marinig. "Baby kung buhay ka man, alalahanin mo ako ha at bumalik ka na. Nandito lang ako naghihintay sa iyo. "Alam mo mahal na mahal ka namin lalo na ako. Sa anim na buwan na pagsasama natin di pa tayo nag-aaway, kunting tampuhan lang pero nagkakabati tayo. Kaya naman namimiss na kita, please uwi ka na." As in na kinakausap ko siya habang nakasubsob ang aking mukha sa malambot na unan. Naalala ko ang litrato namin na nakapatong sa isang built-in cabinet ko. Duon ko nilalagay lahat ng albums ko dahil pinapadeveloped ko lahat ng pictures na maraming memories sa akin. Wala pa akong cellphone para duon ko sana matitigan ang kanyang litrato ngunit wala na. Bumangon ako para kunin ang naka frame na litrato namin nuong kinasal kami. Agad ko niyakap ang picture frame at duon pumatak ang aking masaganang luha. Hindi ba ito mauubos, kusa na lang pumapatak. Panay punas ang ginawa ko sa likod ng aking palad. Naubos ko na ang isang box ng tissue at malapit na mapuno ang katamtamang laki ng basurahan sa kwarto ko. Pumanhik ako sa kama, sumandal ako sa headboard na yakap-yakap ang picture frame naming mag-asawa. Patuloy ang pagbagsak ng aking luha. Napalingon ako sa may balcony ng aking kwarto ng marinig kong bumuhos ang ulan. Pati rin ba ang langit, malungkot dahil umiiyak gaya ko? Napasigaw ako ng gumuhit ang kidlat sa aking glass window. Napahagulgol ako ng kasunod nuon ay kulog. Agad ako nagtalukbong dahil sa takot. Pagkatapos ay sunud-sunod na kulog ang dumagundong dahilan para nanatili akong nakatalukbong ng kumot. Pumasok ang aking Daddy sa aking kwarto na may hawak na tray, may pitsel na tubig at baso. Inilagay niya sa tabi ng kama. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ibinigay sa akin. Inabot niya sa akin ang isang uri ng tableta na iinumin ko raw. Ang aking mga mata ay puno ng pagkalito habang pinagmamasdan ang tableta. "Ano itong tableta, Daddy?" tinanong ko siya habang hawak ko ito. "Iyan ay isang tabletang pampatulog lamang, hija, inumin mo iyan para makatulong sa iyo upang makapagpahinga. Tingnan mo pagod na pagod ka na sa hitsura mo." Lumabas si daddy sa kwarto ko. Humiga ako matapos kong ayusin ang mga unan at kumot. Nakaramdam ako ng antok ngayon, siguro sa ininom kong pill. "Goodnight, baby, I miss you so much," bulong ko habang nakapikit ako para matulog. Nagising ako ng alas-sais na ng umaga. Maaga pa pala, pero maayos ang tulog ko. Nakatulong ang pill na binigay sa akin ni Daddy kagabi. Nakapagpahinga ang katawang lupa ko. Bumangon ako at nagtungo sa may balcony. Hinawi ko ang kurtina saka ko binuksan. Nalanghap ko ang lamig ng simoy ng hangin. Sumama sa hangain ang amoy ng mga bulaklak sa Hardin ni Mommy. Suminghap ako para makaipon ng preskong hangin sa aking dibdid. Pinagmasdan ko ang paligid, masyado pa maaga para sumikat ang araw. Ngumiti ako sa kawalan, kasabay ng pagyakap ng aking sarili. Buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong maalala ang aking asawa. And here it comes again, namuo ang luha sa aking mga mata. Tumingala ako at pumikit pero tumakas pa rin ang butil ng aking luha at naglandas sa aking pisngi. Tuluyan na akong humikbi at hinayaan ko na lamang kaysa pigilan ko. Unti-unting lumakas ang aking pagtangis hanggang nilabas ko na ito ng tuluyan. Siguro nama'y maalis ang bigat sa aking dibdib. Ganito na ako kalungkot ng hindi ko makita ang aking asawa. Pinagpapalo ko ang pasamano ng balcony. Magkahalong sipon at luha ang nalasahan ko na dumaloy sa aking bibig. Pinunasan ko ito gamit ng likod ng aking palad. Napakasagana ng luha ko dahil para itong talon na tuloy-tuloy ang pagbagsak. Umawang ang aking labi para mailabas ang sakit mula sa aking dibdib. Kailangan ko ng tubig, tama! May nag-abot sa akin ng isang basong tubig. Agad ko inabot at ininom ito. Guminhawa ang aking pakiramdam at hinaplos-haplos ko pa ang dibdib. Inabot ko kung sinuman ang nagbigay saka ako nagpasalamat. Ha? Kumunot ang noo ko, ako lang naman ang nandito. Hala! May kasama ba ako? Bigla ako kinabahan, dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng baso ng tubig na pinanggalingan kanina. "Mommy? You scared me!" Reklamo ko ng makita ko siya sa likod ko. Nakaupo siya sa upuan na nasa gitna ng balcony. Dahil sa gulat ay napapunas ako sa mukha gamit ang dalawang palad ko. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Inayos ko ang aking roba na tumatakip sa aking katawan dahil manipis ang aking pyjama. Kumunot ang noo ko ng makita si Mommy na nakaroba at may bonet pa. Duon ko maalala na umagang-umaga pa pala at malamig ang simoy ng hangin. Umupo ako sa katapat niyang upuan, at nagulat ako dahil my dala pala siyang kape. Nakatingin sa akin ng diretso si Mommy, wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Sinalubong ako ng kanyang malalim na buntong-hininga. "Hija, nailabas mo na ba ang lahat ng bigat ng dibdib mo?" Lumabi ako ng marinig ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ako makasagot kay Mommy. Nagagalit ba siya sa akin dahil napaka-emosyonal ko? Kahit sino naman kung nasa sitwasyon ko? Iiyak at hahagulgol o baka magwala pa! "Mommy, are you angry with me?". "I am not, hija, I loved you!" Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi ni Mommy. Suminghot ako at inabot ang kamay ni Mommy. Pinagsalikop ko ang aming mga kamay. Naluluha akong nagpasalamat kay Mommy dahil sa kanyang pagdamay. "Drink coffee and some of your favorite sandwich!" Duon ko lang napansin na may kape at tinapay sa ibabaw ng mesa. Ang kaninang lumbay na aking nadarama ngayon ay napalitan ng kunting saya. "Oh, Mommy, Thank you so much! How I miss this tuna mayo( pinaghalong tuna at mayonnaise) na may butil ng mais, iyong nasa lata." Ito ang paborito kong hinahanda para sa akin ni Mommy nuong nag-aaral pa ako ng kolehiyo. "Kain ka muna, hija at inumin mo ang kape mo para mainitan ang sikmura mo." Tahimik kong kinain ang sandwich ko at ininom ang aking kape. Guminhawa ang sikmura ko ng makapasok ang medyo mainit na kape. Dahil sa aking pag-iyak kanina ay diko namalayan nagutom na pala ako. Pinapanuod lang ako ni Mommy habang ako ay kumakain ng kanyang inihanda. Lumiliwanag na ang kapaligiran at nagsimula ng lumabas ang araw. Natanaw ko ang Hardin sa baba at pati ang swimming pool na kulay asul ang tubig dahil asul ang flooring ng pool. "Mommy, I want to swim," biglang nasabi ng aking bibig. Gusto kong mag-swimming para maabala ko ang aking sarili sa kakaisip sa aking asawa. Okay lang na umiyak pero nakakasakit na pala ng ulo kapag sobra na. Umaga pa lang mugtung-mugto na ang aking mga mata. Kumurap-kurap pa ako para linisin ang aking mga mata. "Good for you, hija, yayain mo si Bea para may kasama ka. Maganda sa umaga ang pag-swimming. Kung okay ka na, baba na tayo." "Sure Mommy, mauna na kayo magpalit pa ako ng pang-swimming." Nagligpit muna ako ng higaan ko saka pumasok sa aking banyo upang magpalit ng swimsuit. Kulay red ang napili ko at pinaibabawan ko ng puting roba. Bumaba ako at wala pa akong nakasalubong na tao dito sa loob ng mansion. Maaga pa lang, marahil ay nakatulog pa sila tanging si Mommy at ako ang gising. Dumaan ako sa kusina at nakasalubong ko si Mommy. Dumiretso ako sa labas para magpunta sa corner kung nasaan ang switch-on ng heater sa swimming pool. Kailangan ko muna itong painitin at aabot ng trenta minutes. Naglakad-lakad muna ako sa Hardin at pinagmasdan ang magagandang bulaklak. Mahilig din ang pamilya namin sa pag-aalaga ng pusa. Meron kaming kinse na pusa kasama ang mga kuting. May sarili silang bahay dito sa bakuran at napaka behave nila. Kasama sila sa inaalagan ng aming kasama sa bahay. Napangiti ako dahil kasama ko sila sa paglibot ng Hardin. Kahit paano ay natulungan nila ako sa aking kalungkutan. Pagkatapos ng trenta-minutos ay nakaramdam na ako ng pawis. Nagtungo ako sa swimming pool para itesting ang tubig kung pwede na akong mag-swimming. Pinatay ko ang heater ng swimming pool. Bumalik ako sa pool at nagbanlaw sa banyo dito sa labas. Kumpleto na rin dito ng gamit sa paliligo at maging ang gamit sa pag-swimming gaya ng tuwalya at iba pa. May guest room din dito katabi ng pool. Nagpunta ako sa gazebo na nasa gitna ng Hardin upang duon iwan ang aking roba. Naka two piece akong naglakad papunta sa gawi ng pool. Dahan-dahan akong lumusong, nagdive ako patungo sa malalim na bahagi. Huminto ako at inilabas ang aking ulo. Pinunasan ko ang aking mukha na basang-basa ng tubig. Saktong napatingala ako at nakita ko si Bea na nakatayo sa balcony ng isang guest room kung nasaan siya. Ibang guest room din ang para sa magulang niya. Tatlong guest room ang meron kami sa ikalawang palapag. Guest rooms, master bedroom at ang kuwarto ko ay nakaharap sa pool ang balcony nito. Kumaway ako sa kanya habang nag-iistretching ng katawan. Nagulat siya ng makita ako ngunit napalitan ng saya ng niyaya ko siya. Alam ko tumatakbo na siya pababa ng bahay para magtungo dito sa gawi ko. Sumungaw siya mula sa kusina, dala-dala ang kanyang tasa na ewan ko kung anong laman, kape ba o gatas? Nakaroba rin ito, nagtungo sa gazebo at tinanggal ang kanyang roba. Lumitaw ang kanyang katawan na gaya ko ay naka two-piece na rin. Habang nagbabanlaw sa banyo ay lumangoy naman ako pabalik-balik. Pag-ahon ng ulo ko ay nakita ko siya nasa pool na. Nasa kalahati ang kanyang katawan sa tubig habang nakakapit sa railings ng hagdan ng pool. Nilalaro niya si Silver, ang kulay silver na kuting. Napangiti ako dahil magiliw din siya sa pusa gaya ng pamilya namin. Lahat pala sila mahilig sa pusa pati ang kapatid nitong si Dale. Huminga ako ng malalim dahil naisip ko siya muli. Sumisid ako pailalim bago pa bumuhos ang aking luha. Tinagalan ko ng ilang minuto bago ako sumungaw. "Ate!" Sigaw ni Bea sa akin habang nagpupunas ako ng mukha. "Oh, bakit, Bea?" "I thought you drawn?" Kumunot ang noo ko sa aking narinig mula sa kanya. Ngumiti ako para maitago ang lungkot na aking pinagdadaanan ngayon. "Okay lang ako, Bea," sa naluluha kong boses. Umiling-iling siya habang hawak pa rin si Silver. "Let's swim," kasabay ng pagsisid ko muli. Nakaisang oras kami ng paglangoy pabalik-balik ni Bea. Tuwang-tuwang ito dahil nawiwili sa aming mga pusa. Nauna siyang umahon sa pool ngunit sumunod rin ako pagkalipas ng sampung minuto. Bumalik ako sa loob ng bahay ngunit wala pa rin akong nakasalubong na mga tao. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo. Pinatuyo ko ang aking buhok ng blower. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng antok at pagod. Mabilis ko tinapos at sumampa ako sa kama. Humikab ako ng sunud-sunod habang nakahiga ako. Pipikit-pikit ang aking mga mata ngunit sinusubukan ko pa rin itong ibuka. "Baby, sana mapaginipan kita, pakisabi naman sa panaginip ko kung nasaan ka. You know, I miss you so much." Lumabas na naman ang luha mula sa aking mga mata. Pilit ko itong pinipigilan ngunit tila may sariling buhay na kusang kumawala. Kasunod nito ay ang tahimik kong paghikbi. Kinuha ko ang unan at niyakap ng mahigpit. Pinapakalma ko ang aking sarili mula sa aking paghikbi. Iniisip ko siya lagi. Nais ko siyang makita, nais ko siyang mayakap. Nais kong maramdaman ang yakap niya, ang halik niya at higit pa doon. Oh, God I really missed him. "Please, send him home. I love him so much and I am waiting for him. Please gives us more strength and courage and protect us always." I asked in prayer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD