2 Corinto 12:9 “Ang biyaya ko lang ang kailangan ninyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ang pinakadakila kapag kayo ay mahina.” ***** Sophia's POV Naglalakad ako sa malawak na hardin na punong-puno ng mga bulaklak. Tumatakbo ako habang sumasabay sa hangin ang mahaba at lumilipad kong buhok. In-i-enjoy ko ang hangin at nakatingala pa sa itaas habang dahan-dahan akong tumatakbo. Sa di kalayuan ay nakita ko ang aking Daddy Anthony. Naka suot ng panay puti at gwapong-gwapo siya sa aking paningin. Nakangiti siya ng malawak at kitang-kita ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin na gawa na ng pustiso. Binilisan ko ang aking pagtakbo para madali ko siyang maabutan. Yumakap ako sa aking Daddy ng mahigpit at pumikit-pikit pa habang dinadama siya sa aking pagkakayakap. Hinalikan niya ang

