Juan 14:27 “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa iyo. Hindi ako nagbibigay sa iyo gaya ng ibinibigay ng mundo. Huwag hayaang mabagabag ang inyong mga puso at huwag matakot.” ***** Sophia's POV Natapos ang selebrasyon ng unang kaarawan ni baby KM. Natutulog siya sa kanyang crib dito sa may sala na kahit maingay kami dahil nandito kaming lahat kasama ang kapwa magulang namin ni Dale maging si Bea. Kwentuhan muna kami habang nagkakape at kumakain ng panibagong dessert na kasama sa handa ni baby KM. Lahat ay nagkasiyahan at may mga plano pa na bahagi ng pag-uusap hinggil sa negosyo ng parehong pamilya. Siyempre hindi nawawala ang negosyo sa pinag-usapan. Pagkatapos ng tatlong oras ay nag desisyon na kaming lahat ay magpahinga na. Ang kapwa mga ma

