1 Thessalonians 5:20-22 "Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula; Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti; Layuan ninyo ang bawat anyo ng masama." ***** Dale's POV Another great day para sa akin dahil sa araw na ito ay patuloy akong nagtatrabaho para sa kompanya habang di pa ako nakaka-alaala. Andito pa rin naman si Daddy na siyang nagsasabi kung ano ang aking mga gagawin. Pagpasok ko kanina ay lahat ng empleyado ay binati ako at lahat sila ay hindi ko maalala. Siguro naman ay alam nila ang sitwasyon ko. Gayunpaman ay wala naman problema sa akin sa pamamalakad ng kompanya basta and'yan si Daddy, ang asawa ko at mga empleyado. Nasa opisina ako ngayon at ilang sandali pa ay may meeting kami sa mga board of directors. Habang naghihintay ng oras ay may mga papel

