1 Thessalonians 5:18-19 "Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. "Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu;" ***** Sophia's POV "Let's go home, deklara ko na nag patigil ng aking asawa at tumingin sa akin. "Why, you do not believe me?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin kundi ngumiti lang. Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Oh, I miss it, ang maaliwalas na mukha ng asawa ko. Pinasa ko sa kanya si baby KM at nagpaalam sa sekretarya ko. Pagkatapos kong kausapin sa intercom ay nagpasya na kaming lumabas sa gusali ng kompanya. "Iyon ang asawa ni Madam?" Narinig kong bulong ng isa sa mga empleyado ko na nadaanan namin. "Oo, may amnesia raw siya." Pinilig ko ang ulo dahil sa aking narinig. Pumikit

