Awit 73:26 "Ang aking laman at ang aking puso ay maaaring manghina ngunit ang Diyos ang lakas ng aking puso at aking bahagi magpakailanman." ***** Sophia's POV "Misis Del Monte," tawag sa akin ng doctor na aking narinig na ikinatingin ko sa kanya. "Your husband is now awake. May mga kakaiba na mapapansin kayo sa kanya maging sa kanyang kilos pero parte iyan ng healing process niya. "Please huwag n'yo muna ipilit na alalahanin niya ang lahat dahil may temporary amnesia siya. Kung maalala mo kanina ng nagising siya hindi nagsalita dahil nag-aadjust pa lang at hindi pa kayo maalala agad kayong mahal niya sa buhay." Parang natigil ang mundo ko sa sinabi ng doctor at ang nalaman ko hinggil sa asawa ko. Kusang lumalabas ang aking mga luha habang nagpapaliwanag ang doctor. Nanghina an

