Mateo 11:28-30 “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na pagod at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo ay aking bibigyan ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin, sapagkat ako ay maamo at mapagpakumbaba sa puso, at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat madali ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.” ***** Sophia's POV Agad ako nagpaalam kay Mommy pagkatapos kong ginayak ang aking mga gamit pauwi ng mansion. Tulog na ang asawa ko kaya hindi na ako nagpaalam sa kanya tulong ko na rin ito sa para hindi mapagod ang utak niya sa pag-iisip. Mabilis ang lakad ko papunta ng parking lot dahil sasabay ako kay Daddy Faustino na naghihintay sa parking lot. Pagdating doon ay agad ako sumakay sa sasakyan saka ko pa lang binati

