Santiago 5 : 15 "At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kanya." ***** Sophia's POV Maaga akong gumising dahil sa pagtungo ko sa hospital at ngayong araw ay ang paglabas ni Dale sa hospital. Mabuti at makakalabas na siya at dito na sa bahay namin siya aalagaan. Marami pa naman bawal sa kanya pero kaya naman gagawin para sa kanya. Para maputol ang kakaisip ko ay bumangon na ako mula sa kama. Nag-inat muna ng aking mga kamay saka lumapit sa bintana at hinawi ko ang kurtina. Sinalubong ako ng malamig at mabangong simoy ng hangin mula sa hardin at swimming pool. Nag-inhale at exhale ako habang nakapikit. Nag-usal ako ng maikling panalangin bilang pasasalamat sa umagang ito. Minulat ko ang

