Chapter 43

2456 Words

Lilibeth Four years ago.... Hindi ako makapaniwala sa ibinulgar  sa akin ng aking kapatid. Hindi ko maatim na magagawa nya ang bagay na iyon. Pinalaki kami ng aming magulang na isang mabuting tao ngunit ito naman ang piniling landas ng kapatid ko. Hindi ko akalain na sya at ang nobyo nyang si Trebor Castellvi ay miyembro ng sikat na grupo ng mga sindikatong BuLeAg gang. Hindi lang sila basta miyembro, dahil si Trebor ang  leader ng BuLeAg gang sa Mindanao na si Agila. Halos manlumo ako sa aking nalaman. Hindi ko malunok ang katotohanang isang demonyo ang nakakasama ng kapatid kong si Bianca. "Ate, nasa tamang edad na ako. Alam ko na ang gusto ko sa buhay. Mahal ko si Trebor. Hindi ko sya kayang iwan.. Tinanggap ko ng buong puso ang lahat sa kanya."  Wika sa akin ng kapatid ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD