Mona Kaagad kong pinahid ang luha sa mga mata ko. Kinompronta ko si Trebor upang malaman ang katotohanan tungkol sa mga sinabi ni Pacheco. "T-totoo ba? I-ikaw at si Agila ay iisa?" Naiiyak na tanong ko Ilang libong beses mang pigilan ng puso ko na huwag masaktan ngunit hindi ko kaya. Napakasakit nito para sa akin. "What if? it's true? Magugustuhan mo pa rin ba ako?" Malumanay na tanong nya Parang gusto kong bumagsak mula sa kinatatayuan ko. Ano ba ang kasagutan sa mga tanong nya. Noon, kahit ilang beses nya akong saktan at paglaruan ay ayos lang sa akin. Mahal na mahal ko pa rin sya. Hindi nawawala ang espesyal na pagtingin ko sa kanya kahit ilang libong beses nyang saktan ang damdamin ko. Ngunit ngayon? Paano kung sya si Agila na syang leader ng BuLeAg Gang? Mamahalin at tatan

