Mona Tinakasan ko ang magulong mundo ni Agila. Hindi ako nagdalawang isip na iwanan sya, dahil sa ugali nyang kasuklam-suklam at hindi kaaya-aya. Babalik lamang ako kapag natupad nya ang hinihiling ng puso ko. Ngunit kung hindi nya iyon matupad ay hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa kanya. Kakalimutan ko na lang na may nakilala akong katulad nya. Kakalimutan ko ang lahat ng kanyang mga alaala. Nagpunta ako sa bahay ni Tiya Lumen na nasa Maynila. Sya ang kaisa-isang kapatid ni Tatay. Mag-isa lamang sya sa buhay kung kaya't sya ang naisip kong puntahan ngayon. Mabuti na lamang at may naipon akong pera mula sa allowance na ibinibigay sa akin noon ni Trebor. Ito ang ginamit ko upang makabiyahe papuntang Maynila. Nakakatakot ang mag-isa sa Maynila. Mabuti na lamang at alam k

