Mona Kinakabisado ko ang bawat daan na tinatahak namin ni Trebor patungo sa hideout ng BuLeAg gang. Kailangan kong matandaan kung paano pumunta sa lugar na iyon upang maisakatuparan namin ni Lilibeth ang malaking plano para sa mga sindikatong grupong ito. Bulto ng kaba at takot ang nararamdaman ko dahil sa unang pagkakataon ay makakapasok ako sa kuta ng mga masasamang sindikato. Nang mapalingon ako sa likurang bahagi ng kotse ay mas nangilabot ako dahil nakita ko roon ang mga maskarang susuotin namin mamaya kapag narating na namin ang kanilang kuta. Mga maskara ito ng demonyo. Ngunit mas kakaiba at nakakatakot ang kanyang maskara. May nakaukit na agila sa bandang pisngi nito kung kaya't madali syang makikilala bilang kanilang leader. Alam ko ang daan na tinatahak namin. Lumiko ka

