Mona Nang makauwi kami sa mansyon ay hindi pa rin napapawi ang hilakbot sa puso ko. Hindi pa rin nababawasan ang takot na nararamdaman nito. Nasa kwarto na kami ng mga oras na ito. Ngunit tila hindi pa ako napapagod kahit na buong araw akong walang pahinga. Nilapitan ko si Trebor na nuo'y inaayos ang kanyang mga damit. "Mosh.." may lungkot sa tinig ko Kaagad nya akong pinagmasdan at salubong na ang kanyang mga kilay sa akin. "Kung magpupumilit ka ulit sa akin na huwag kong patayin si Kendra ay pwede bang tumahimik ka na lang?" Sigaw nya sa akin Ramdam ko ang galit na namumutawi sa puso nya. Ngayon lang sya nagalit ng ganito sa akin. Nakaramdam ako ng mas matinding takot dahil dito. Kapag ganito ang ipinapakita nya ay pakiramdam ko pati ako ay makakayanan nyang gawan ng masam

