Mona Mahigpit ang kapit ko sa aking bag habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mansyon ni Trebor Castellvi. Ilang araw lang naman akong nawala sa lugar na ito ngunit pakiramdam ko ay ilang taon akong lumisan dito. "Mona!" Dinig kong pagtawag ni Henry. Bakas ang kasabikan sa kanyang mukha ng masilayan nya ako. Malawak at maganda ang ngiti ng bestfriend ko sa akin. Matipid naman akong ngumiti sa kanya. "Saan ka ba nanggaling?" Tanong nito Huminga ako ng malalim. "Mahabang kwento Henry." Maikling sagot ko Kinuha ni Henry ang bag ko. Nagtataka naman ako sa mga ikinikilos nya. "Ako na ang magdadala ng bag ko Henry. Ano ka ba? Kaya ko na yan." Pagtutol ko sa ginawa nya Umiling sa akin si Henry. "Mahigpit na bilin ni Sir Trebor na kapag dumating ka ay pagsilbihan ka namin. H

