Mona Nakamasid lang ako sa bintana ng kotse ni Trebor habang binabagtas namin ang kahabaan ng daan. Panay ang himas ko sa aking suot na pantalon dahil hindi ako mapakali sa kabang nararamdaman ko. Patungo kami ngayon sa St. John Hospital upang dalawin ang kaibigan kong si RM. Hindi naman ipinagdamot sa akin ni Trebor ang kahilingan kong dalawin ang kaibigan ko sa huling pagkakataon. Kung makabalik man kami pareho sa Universidad ay pilit ko nang ilalayo ang sarili ko sa kanya. Tutuparin ko naman ang mga pangako ko kay Trebor. Pagdating namin doon ay kaagad kaming nagtungo sa 3rd floor kung saan naroroon ang kanyang kwarto. Nakita naming lumabas ng room 305 si Mr. Castañeda. Napansin nya kaagad si Trebor. Ngumiti sa amin ang ama ni RM at agad kaming sinalubong. "I've heard the

