Chapter 16

1263 Words
Lahat ng bagay na nakikita natin ngayon: iyong pagmamay-ari natin, iyong mga mahal natin sa buhay, lahat iyon ay mawawala rin kasama ng paglipas ng panahon. Nothing lasts forever, as they say, but there is something that make us lasts forever: it is to never ever ne forgotten. So let's be careful in our words and thoughts, because it affects other people. It influence them, at darating pa sa puntong susunod sila sa mga hakbang natin. At all cost, we have to live in harmony with other people. That's unforgettable. “Kenny…” Tawag ni professor Jayon kay professor Kenny na palabas na rin ng unibersidad. Gabi na rin at nagsi-uwian na ang mga estudyante. " Uuwi kana? Sabay kana sa akin.” Nag-offer naman ang lalaki sa kaniya na ihatid siya sa kanilang tahanan, ngunit nagdadalawang isip si professor Kenny dahil ayaw pa niyang umuwi. Gusto niyang mag-unwind at mahimasmasan. “Hindi na, Jayon… magpapahangin muna ako rito.” Sagot naman niya sa lalaki. Napangiti naman si Jayon sa sagot niya at tumango ito bilang tugon. " Sure… basta mag-iingat ha. Call me if you need something." Tumango rin ang professor at humarorot na rin ng takbo ang sinasakyang motorsiklo nito. Habang nakaupo sa waiting shed at pinagmamasdang mabuti ang tumatakbong sasakyan, napaisip siya kung ano kaya ang ginagawa ngayon ni Kevin. Hindi niya sinasadyang masaktan ang estudyante niya, and she couldn't held herself accountable too, because she was just protecting her profession. Ngunit ang katotohanang nakipagsunduan siya rito ay ang mas nagpabahala sa kaniya. Paano kung totoong buntis nga talaga siya at si Kevin ang ama? Magiging pulutan silang dalawa ng publiko. Hindi rin kasi magamit ni Prof. Kenny ang magpa-pregnancy test dahil hindi pa naman more than 10 days mula noong may nangyari sa kanila. Magtatapos na rin ang academic year dahil in the next day ay final examinations na. Siguradong sa summer pa niya malalaman ang lahat. Bigla namang may tumawag sa kaniyang cellphone habang pinagmamasdang ang bawat alindog ng streetlights. “Hello…” Pagsisimulang bati niya sa tumawag at narinig niya mula roon ang boses ng kaniyang kapatid na babae. “Je-Jessa? Oh, bakit napatawag ka? Kumusta kayo diyan? Si mama, nasaan?” " Okay lang naman kami rito ate. Ikaw kumusta ka naman? ‘Wag ka masyado nagbubuhat ng mabibigat ha kasi nakakasama sa iyon ‘yon. Kung nandiyan lang sana ako edi sana hindi ka na mahihirapang magbuhat pa.” Sagot naman nung kabilang linya habang si professor Kenny naman ay isa lang ang pumasok sa isip niya– si Kevin. That student of her who carried her belongings and cared about her safety. That student of her whom she scolded and made a reckless deal. “Hoy!" Mula sa kabilang linya, habang si professor naman ay nakatulala lang. " Hoy ate!” " Hoy Boneng!” At natauhan siya ng marinig niya ang boses ng kaniyang ina na si aling Nina. “Sagutin mo naman ‘yang kapatid mo, Boneng, kanina pa ‘yan sigaw ng sigaw." “Ahhh…ehhh… Oh, ano nga ulit ‘yon?" “ Ang sabi ko mag-iingat ka diyan, okay!?" Natapos ang kanilang usapan at pasado alas onse na pala ng gabi. Hindi niya namalayan ang oras dahil na rin sa ingay ng kaniyang kapatid. Hindi na rin ganoon ka busy ang paligid at paminsan-minsan pa ay halos tahol na lang ng mga aso ang kaniyang naririnig. Mabuti na lamang at worth it pa rin kasi may nakuha na raw silang lead patungkol sa tatay niya. Iyon ang sabi ng kaniyang ina. Habang naglalakad papunta sa may sakayan ay may nadaanan siyang mga lasing sa kanto. Sa kalsada na rin sila nag-iinuman at mukhang may mga tama na. “Erp…babae ow, ga-ganda…” Rinig na rinig ni professor Kenny ang ani nung isa sabay nagsitawanan sila. “Yayain muna erp, sayang oh…” Dagdag pa nito. " A-ako ang bahala, o-okay… re-relax…" Sagot naman noong isang lalaki at tumayo sa may lamesa. Tatakbo na rin sana si professor nang bigla siyang hawakan nito sa kaniyang balikat. “Ha…halika ka ri-rito, mi-sis…” " Misis daw…" At nagtawanan muli ang mga lasing sa kanto. “Tumahik kayo!" Natahimik naman sila bigla habang ang lalaking nakahawak sa balikat ng professor ay pangiti-ngiti lang. “Ginabi ka ya-ta…misis, baka gusto mong magpainit…diba erp?” " Sumabay kana rito…sige na…" Sa pagkakataong ito ay hindi na rin alam ni professor Kenny ang gagawin. Tatlong lalaki ang humarang sa kaniya at lasing itong pareho. Wala na rin siyang ibang magawa kundi ang iligtas ang sarili at patulan ang mga ito ng biglang may humintong pamilyar na motorsiklo sa kaniyang tabi at bumaba ang isang lalaking naka-full-faced helmet at sinuntok ang lalaking nakahawak sa kaniyang balikat. Reresbak pa sana ang dalawang lasing nang makita nilang bumulagta ang kanilang kasama sa lupa ngunit hindi na sila nakaabot dahil mabilis ang pagpaharorot nito ng motorsiklo. “Si-sino ka?" Tanging natanong nalang ng professor habang nakasakay sa isang pamilyar na motorsiklo. Pamilyar din sa kaniya ang amoy nitong nagmamaneho ngunit hindi siya sigurado dahil sa full-faced helmet nito. “Ke-Kevin…?” Nagdadalawang isip pa sana siyang tawagin ang pangalan niya ngunit nabigkas rin ito ng kaniyang labi. " You're Kevin, right? Ibaba mo na ako rito, ngayon na, Kevin!" “I'm sorry professor Kenny but I can't do that." Sagot naman ni Kevin at kasalukuyang mabilis ang takbo ng motorsiklo niyang dala. “Ibaba mo ako sabi eh! Ano ba! Kevin!” Sabay sundot nito sa kaniyang likoran. Panay ang palo nito sa kaniya at gusto na rin talagang ibaba siya sa motor ni Kevin. He was thinking it so bad, then he stopped. Malapit sa may cemetery kung saan walang masyadong ilaw at maririnig ang iilang panaghoy ng gabi. “Oh, bakit ka huminto!? Bakit dito!? " “Sabi mo huminto ako dahil gusto mong bumaba." Pilosopong sagot naman ng binata sa professor niya. “Oh ayan na. Your wish is my command. Saan ka pa, granted na nga iyong hiling mo eh!” “Nababaliw ka na talaga, Kevin! Cemetery ito eh!" “Oh, ano ngayon?" Napahiyaw ang professor at bumaba sa motorsiklo, habang si Kevin naman ay palihim na ngumiti. Hindi man ito nakikita ngunit masaya siya dahil kahit paano ay may moment like this siya with her professor. “Oh ayan na ha, maiwan na kita d’yan, my professor. Sabi mo eh…” At pinaandar niya ang kaniyang motorsiklo. “Oo nga pala, mag-iingat ka sa paligid mo dahil baka hindi mo namamalayan pinagmamasdan kana pala ng mg may mapupulang mata. Alam mo ‘yon? The aswang chronicles. Ror!” At humarorot ito ng takbo. "Aba, tarantado… hoy! Kevin! Bumalik ka rito, hoy!” Kinilabotan naman si professor Kenny dahil sa dilim ng kaniyang paligid. Makikita rin mula sa di kalayuan ang mga krus ng graveyards na mas lalong nagpapatindig ng mga balahibo niya. Mula sa kaniyang likoran ay may bigla namang kumaliskis sa may dahonan ng puno dahilan upang mapasigaw siya. “Ke-Kevin! Bumalik ka na riro, please. Kevin…!” Sigaw niya sa pangalan ng binata at nagbabakasakaling bumalik pa ito. “Ke-Kevin!" At bumalik naman ang isang pamilyar na motorsiklo mula sa kaniyang likoran at doon ay nakita niya ng malapitan ang mukha ni Kevin. Tinanggal kasi nito ang kaniyang full-faced helmet. "Oh, akala ko ba ayaw mong sumakay? Akala ko ba gusto mong bumaba?” He's teasing her, ngunit hindi naman siya pinansin nito at bagkus ay sumakay kaagad sa motorsiklo. " Tara na…" Ani nito at napayakap ng mahigpit sa likoran ng binata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD