Isang road side resto bar ang pinasokan nila Kevin at ang matalik na kaibigan niyang si Ralp kasama ang tatlo pa nitong kasama na sina Owen, Alfred at Sonya. Hindi na rin bago sa kanila ang lugar dahil kilala ito sa kanilang siyudad. Madalas rin kasi rito sina Ralp kasama ang tatlo pang kaibigan kaya alam na alam na rin nila ang palakad rito.
“Kevin… ‘wag mong sabihing matatakot ka ngayon sa alak, ha. Nako, sayang libre pa naman nitong yayamanin nating frennies.” Pabiro namang ani ni Sonya matapos nilang makahanap ng mauupuan sa loob ng resto.
Maganda ang lugar and the lightnings were so fascinating. Maganda rin ang tunog ng banda sa unahan at ang bibong nag-iinuman sa kabilang table ay halatang nagsisiyahan din. Marami ring mga babae sa gilid ng resto at naghahanap ng tatable sa kanila.
The life really is unfair. Perhaps, that's what people who are least privilege argue with. Pero sa totoo lang, totoo naman talagang hindi patas ang buhay. We only have the same air to breath, ngunit hindi tayo magkapero ng opportunities. Hindi rin tayo magkapero ng starting point and that's the reason why other people becomes CEO at 25 while others at 50. But regardless, that's doesn't mean that we never work hard enough the way they does. It's just that we have different phase, and there's nothing wrong with being left behind. What's wrong is when we tried to compare ourselves from the other people's success. Ano man ang gawin natin, let's make the best of it at huwag nating isipin ang kalagayan natin sa mata ng ibang tao. It doesn't matter, anyway. Nobody cares about our grinds, it's the matter of us. From within.
“Oh, Kevin… humanap kana ng matitipuhan mong babae d’yan. Kahit sino, sagot na ‘yan ni Ralp. Diba Ralp?” Ani naman ni Alfred sabay hawak pa nito sa balikat ng Ralp. Si Kevin naman ay napangiti nalang din sa sinabi nito sa kaniya.
“Oo, Kevin. Ano ka ba parang hindi ka lalaki eh. Trust me, it will be fun." Dagdag na sulsol naman ni Ralp sa kaniya.
Pangiti-ngiti lang din si Kevin dahil ngayon pa lamang siya nakapasok sa isang resto bar. Nagmamasid sa paligid at pinagmamasdan ang mga tao. Perhaps, he remembered what happened to him and his professor that time when they were drunk. Alak din kasi ang dahilan ng lahat ng nangyayari ngayon sa kaniya and perhaps, baka alak din ang magiging solusyon.
“Sige lang… okay na ako, besides, maganda rin naman ‘yong tugtog eh.” Tanging sagot lamang ni Kevin. Totoong nagagandahan siya sa musikang tinutugtog ng banda sa unahan dahil kahit paano ay nalulubagan siya ng loob. Ganoon paman ay hindi rin niya maiwasang maalala ang professor dahil na rin sa lyrics ng kanta.
“Baka pwede lang kahit isang saglit
Masabi lang na mayroong kunting pagtingin
Baka pwede lang naman
‘Wag ka munang magparamdam…” Lyrics nung kanta na sinasabayan pa ng mga tao sa resto bar.
Napangiti nalang ng palihim si Kevin dahil sa nanunuot na bigat ng lyrics ng kanta.
Matapos nilang makuha ang order nilang beer at pulutan at nag-inuman na agad sila. Habang kasama si Kevin sa grupo ay lalo niyang naunawaan ang sinabi sa kaniya ng professor niyang si Kenny. Ang sabi kasi nito sa kaniya ay nangyari lang lahat ng iyon dahil sa alak. It's non-deliberative at nangyari iyon without her conscious mind.
Nakakaapekto talaga ang alak sa mental at emosyonal na aspeto ng tao. Madalas nagiging sanhi pa nga ito ng maraming kriminalidad at aksidente dahil sa legal na paggamit nito na minsan ay sobra pa. Ika nga nila na alcohol is the most abused drug in the world dahil rampant ito kahit saan.
“La-lasing a-ako…? Hi-hi-hindi ah…” Pautal-utal namang sabi ni Ralp habang patuloy lang sa pag-inom.
Si Kevin naman at kontrolado lang dahil palihim niyang tinatapon sa likoran ang kaniyang itatagay.
Pasado alas onse na rin pala ng gabi at hindi nila namalayan ang paglipas ng oras. Si Kevin naman ay hindi niya lubos na maisip na masyado na rin siyang late at kailangan na niyang umuwi dahil mayroon pa siyang trabaho kinabukasan. Kailangan rin kasi niyang maging maaga bukas sa market upang makarami ng kikitain.
“Ralp…alis muna ako ah… gagamit lang ako ng banyo.” Sabi ni Kevin sa kaibigan niya na ngayon ay lasing na lasing na. Pautal-utal na rin itong magsalita ganoon din ang tatlo pa niyang kasama.
" Erp…Erp…balik ikaw ha-ha… marmi pang minom eh…” Ani naman ni Alfred habang si Owen naman ay nakatulog na sa upuan. Si Sonya naman ay tinungga ang isang baso ng beer.
“Ops…Keveeen… bualek ka ha. Bualek ka rito shots pa ayo…” Dagdag pa nito at napalingon kay Owen.
" Oh…hina pala neto eh…ha…waley tulogs."
" Egi na, Keven…a-akow na bahala ritow…" Sumabat naman si Ralp sa kanila. Kahit pa lasing na ang mga ito ay hindi naman nababahala si Kevin dahil kilala na silang suki rito. Ang mga bouncers naman sa resto na ito ay aktibo dahilan upang minsanan lang ang gulo rito.
Matapos makapag-paalam ni Kevin sa mga kaibigan ay agad na rin siyang lumabas at pinuntahan ang nakaparada niyang motor. Malamig na ang gabi at ang simoy ng hangin ay maginaw. Para tuloy siyang niyayakap nito ng madiin.
Agad na rin siyang nagmaneho ng kaniyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan nang bigla naman niyang nasilayan ang kaniyang professor na pinagtatawanan ng mga lasing sa kanto. Nilapitan pa ito at hinawakan ang balikat kaya agaran namang lumapit si Kevin upang tulongan ang professor.
Pagkarating sa lugar at agad siyang bumaba at inunahan ng suntok ang lalaking humawak sa balikat ni professor Kenny. Hindi na niya kailangan ng explanation dahil mababakas naman sa expression ng professor na na-harassed ito.
Nang makita niyang reresbakan na siya ng dalawa pang lasing na kasama nito ay agad niya pinaharurot ang motorsiklo kasama ang professor.
Hindi na rin ganoon ka busy ang paligid dahil pasado alas onse na ng gabi. Madalas ay mga tahol na lamang ng aso ang bumubugaw sa katahimikan ng gabi, ngunit higit na nagpabugaw pa nito ay ang expression ni professor Kenny habang naka-angkas ng motor. Panay kasi ang tanong niya kung sino raw ba si Kevin dahil naka full-faced helmet ito dahilan upang hindi niya makilala. Lumipas rin ang ilan pang sandali at nakilala na rin siya ng professor. Palihim naman siyang natuwa sa expression ng kaniyang professor at sa pangungulit nito na ibaba siya.
Isang cemetery ang nadaanan nila at pinahinto ni Kevin ang motorsiklo. Doon niya pinababa ang professor. Nagulat naman ito dahil hindi niya lubos akalain na dito siya malapit sa cemetery ibinaba.
“Oh, bakit ka huminto!? Bakit dito!? " Kabadong tanong ng professor sa kaniya.
“Sabi mo huminto ako dahil gusto mong bumaba." Pilosopong sagot naman ng binata sa professor niya.
“Oh ayan na. Your wish is my command. Saan ka pa, granted na nga iyong hiling mo eh!”
Nainis naman ang professor dahil sa sagot ni Kevin. Sino ba naman ang matutuwa kung ibababa ka mag-isa malapit sa may cemetery? Makulimlim rin ang liwanag mula sa streetlights at ang mas lalong nakakatakot ay ang minsang kumakalabog na sanga ng mga punong kahoy sa paligid. Mga malalaking kahoy ito kaya hindi talaga malalaman kung may nakatingin ba o wala.