Have we ever asked ourselves patungkol sa kung anong mas pipiliin natin: to be hated or to be forgotten? Madalas ang isasagot natin ay gusto nalang nating makalimutan kaysa kasuklaman tayo ng ibang tao. We often argue that it is better to be forgotten than to be hated. Gusto natin ng katahimikan, ng kapayapaan, ng malinaw at matiwasay. Lahat naman tayo iyan ang gustong marating sa buhay. Ngunit kong ako ang tatanongin? Siguro mas pipiliin ko nalang kasuklaman ng ibang tao kaysa makalimutan. Look, think about it: you did your best to live a life the way you want to be remembered. You build your assets and networks. You build your acquaintances and make friends with anybody. All of those that made us meaningful are not meant to be forgotten. Wala rin sigurong kabuluhan kung makakalimutan rin ng tao na minsan tayong namuhay sa mundong ibabaw.
Kung ang kasuklaman ng ibang tao ang natatanging paraan upang manatili akong buhay sa kanilang puso at isipan, I'll take the risk. Siguro mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag may taong iniisip tayo sa negatibo o positibo mang paraan, kaysa makalimutan na parang wala lang.
Mabilis ang takbo ng motorsiklo at matulin ang daan. Malamig ang hangin dala na rin ng maginaw na kapaligiran. Malalim na ang gabi kaya naman tahimik na ang kalangitan, maliban nalang sa isang sasakyang humaharurot sa daan.
Habang nagmamaneho ay iniisip ni Kevin kung ano kaya ang nararamdaman ngayon ng kaniyang professor. After all, it must be very hard for her na isipin ang ganitong mga bagay. She has a profession at nakikita rin niyang mabait ito at matulungin sa pamilya. Napaisip siya na kapag mapatunayan niyang hindi buntis ang professor ay hindi na niya ito guguluhin pa.
Nang makarating sila sa tinitirhan ng professor ay agad namang pinarada ni Kevin ang motorsiklo malapit sa may pintuan.
“Professor Kenny…nandito na tayo. You must be very tired kaya kailangan mo na ring magpahinga. Maaga kapa naman bukas. You should have to take care of yourself…” Pagsasalita naman niya habang dahan-dahang tinatanggal ang kaniyang full-faced helmet, ngunit wala lang emik ang professor at nakasandal lang ito sa likoran niya.
" Professor Kenny…" Muli niyang Saad ngunit wala pa ring sumagot. That was then he made a conclusion na baka natutulog na ang professor sa kaniyang likoran.
“You must be really tired…my professor Kenny. I know nahihirapan ka ring intindihin ako. Ako rin naman, nahihirapan akong intindihin ang sarili ko. But I cannot just ignore this strange feeling na nanunuot dito sa loob ng puso ko. I can't hold it anymore.” Sa pag-iisip na tulog na ang professor ay pabulong niya itong sinasabi. Hindi man malakas ang kaniyang boses ngunit sapat na rin iyon upang marinig ng professor.
" Alam mo professor Kenny, I never thought I would be this fool na maghahabol sayo. I mean, look, ever since that time at this place. Exactly, dito nagsimula ang lahat. Kung kaya ko lang din sanang balikan ang nakaraan I wouldn't have to be a burden to you, not to myself anymore. Just bare with me, professor, kakalimutan ko rin ang lahat ng ito kapag natapos na ito.” Patuloy pa niyang sabi habang dahan-dahang inalalayan ang professor upang makababa sa motorsiklo at makapagpahinga na rin ng maayos.
“You know what, professor Kenny, I was really worried sayo noong nasa ospital ka. That was my first na nag-alala ng lubosan. Akala ko pa no’n baka kung ano na ang nangyari sayo. Mabuti na nga lang at bumuti na rin ang pakiramdam mo. I was really happy, too, when I found out na na discharge kana. I really appreciate your dedication sa pagtuturo mo." Then he chuckled.
“Sometimes they call you Ms. Terror, at totoo naman talaga. You're a woman with words and firm principles. You're one of a kind, professor Kenny.” Dagdag pa nito habang inaalalayan na ang professor na makapasok sa loob ng kaniyang tahanan. Tulog na tulog naman ang professor at halatang pagod na pagod na rin kaya naman ay hinayaan nalang niya iyon.
Kinuha ni Kevin ang susi ng pintuan at matapos niyang mabuksan iyon ay iba na ang naramdaman niya. Noong una niyang pasok rito ay hindi niya lubos na na- appreciate ang kalinisan nito, but this time, iyon ang una niyang napansin. Malinis sa gamit ang professor at well-arranged ang mga kagamitang pambahay. Napangiti tuloy siya habang nakaalalay sa professor dahil sa isip niya ay talagang isang one of a kind woman si professor Kenny. Kahit na masama at masungit ang tingin ng ibang tao sa kaniya, Kevin never thought of it at all. It seems like nahanap niya ang isang paraiso sa gitna ng kagubatan. Nahanap nga ba talaga niya, or perhaps hinanap niya. He must be lucky then, knowing he found out the hidden paradise of her professor.
“You really kept on impressing me, professor Kenny…” Mahinang tugon naman ni Kevin habang ipinasok niya sa loob ng kwarto ang professor at ipinahiga sa kaniyang kama.
Hindi na bago kay Kevin ang pamamahay na ito dahil minsan na rin silang nagkaroon ng intimate moment dito mismo sa loob ng kaniyang kwarto.
Matapos niyang maihiga ang professor ay nag stay pa ng ilang saglit ang binata at siniguradong nasa mabuting kondisyon ang professor.
Pasado alas dose na rin pala ng umaga ng namalayan ni Kevin ang oras kaya naman ay umalis na rin siya dahil may trabaho pa itong tatapusin kinabukasan.
“Have a good night, professor Kenny." Huling sinabi nito at inayos ang kaniyang kumot bago umalis.
Dinaanan muna ni Kevin ang market at tiningnan kung marami bang isda bago siya dumeritso sa kanilang tahanan at nagpahinga.
Kung mayroon mang taong dapat nating kabiliban, iyon sigurong nga tao na maagang namulat sa reyalidad ng buhay. Totoo, life has never been fair. Magkaiba kasi tayo ng phasing and we never late. Sometimes, kapag iyong batchmate natin nakuha na iyong pangarap niya habang tayo ay nag-aaral pa lang, we tend to compare ourselves to them. Sasabihin nating naunahan nila tayo. Ngunit sa totoo lang hindi naman paunahan ang buhay. It has never been a race. Hindi naman ibig sabihin kapag una naging successful iyong batchmate natin ay nahuli na tayo. Remember, we have our unique paths. And that's exactly the reason why we are called individuals, because we are unique in our own way.
We don't have to compare ourselves to other people, and we don't have to pity ourselves for exerting more effort than them. Hindi natin kailangan mabahala just because we spend years in achieving our goals, then here comes them only spending a day to achieve it. Hindi naman iyan ang totoong mahalaga. It's not about the promotion, nor the achievement, it's about happiness. Are we perhaps enjoying what we're doing? If not, then we lost both.