Ilang araw na rin ang lumipas at mabilis lang pinalid ng hangin ang panahon. Tapos na rin ang final examinations at matatapos na rin ngayong araw ang academic year, kaya naman ay maagang nagising si Kevin at hindi na siya pumunta pa ng market upang makapaghanap-buhay. Agad na rin siyang gumayak at inihanda ang sarili dahil maaga ang simula ng kanilang awarding ceremony. Base kasi sa handbook ng Aguinaldo's Memorial State University ay may matatanggap na incentives ang mga pasok sa listers.
He was really excited knowing that he got the administrators list on behalf of the criminology department. He deserves it all dahil nagsikap siya ng lubos. He did his best and it pays off.
“Nang… magkita nalang tayo doon sa venue ha. Sa gymnasium lang ng university. Maaga akong pupunta basta 8:00 sarado magsisimula na. ‘Wag kayong magpapahuli ha.” Sabi ni Kevin sa kaniyang ina habang naghahanda na rin ito ng kaniyang sarili.
" Tsaka pakisabi kay itang na i-cancel muna niya ‘yang mga on call on call na ‘yan dahil his boy needs him…” Pabiro naman niyang dagdag. Napangiti nalang din ang inang niya sa kaniyang mga sinabi.
" Oo na. Sige na umalis kana. Ang dami mo pang sinasabi eh. ‘Wag kang mag-alala darating kami.”
" Never late?”
" Never late…”
Naging madalang ang pagkikita nila Kevin at ng kaniyang professor matapos ang nangyari sa kanilang dalawa. That was when she fell asleep on his back, then he carried him out to her bed. Magmula noon, naging limitado na ang pagkikita ng dalawa at dahan-dahan na ring nasanay si Kevin. His professor kept on avoiding him, which he quite understood. Maybe because she was just protecting her reputation as a professor. After all, matatapos na rin naman ang academic year kaya walang dapat na ikabahala dahil malilimutan rin ang lahat kasama ng paglipas ng summer season.
Hanggang saan nga ba ang kayang abotin ng ating pangarap? At hanggang kailan natin kayang protektahan ang ating mga pangarap? Madalas, we tried to protect our precious at all costs. May it be our profession, our loved ones, or may be our pride.
Mapanlinlang ang kinang ng tagumpay dahil natatakpan nito ang ating mga mata. When we achieve something, we become confident which may lead to being arrogant. Sometimes it could lead us to being selfish, as we only see our own happiness. It's a self-centred mind setting to only aim for the good of us, and not for them.
The only difference between humans and animals is that humans are born to be rational, while animals only act according to their needs. Humans have their own discretion while animals do not. Humans have their conscious mind to make deliberate actions, while animals do not. And that's exactly the difference between us, and animals: we act concerning morals, while animals do not.
When we think of ourselves as a top priority, we become selfish. We fill ourselves up with our own interests, and dismantle the needs of others, and that's what makes us worse than animals. How can a rational being fall from this dirty trap? Well, those are fools blinded by their own principles without considering moral standards.
“Oh, Kevin! Congratulations!" Pabati agad ni Ralp ng makita niya ang kaibigan sa gym.
“Sayo rin, Ralp! We did great!" Sagot naman nito sa kaibigan.
“So, maaga pa naman kaya libre kita coffee tayo.”
" Nahiya ka pa gusto mo lang uminom ng alak eh.”
" Sira! Wala na rin akong balak na isama ka sa inoman, hoy, Kevin! That time sa roadside resto, iniwan mo kaming lasing na lasing. Shoot! wala ka bang conscience?”
Napatawa naman si Kevin dahil naalala pa pala iyon ng kaibigang si Ralp. That was the time na inihatid niya ang kaniyang professor dahil pagod na pagod ito. Sure that moment was worth a page of a book.
“Just forget it, okay? Besides safe naman kayo kaya walang dapat na ipag-alala. Ibaon nalang natin sa limot ‘yon, okay? ‘No kaba awardings ngayon , we should be happy!”
Sa loob ng coffee shop, doon si Kevin at Ralp nag ko-kwentuhan. Maaga pa naman ay 8am pa magsisimula ang ceremony kaya naman sinulit na nila ang oras. Perhaps, ito na rin kasi ang huli nilang pagkikita dahil magbabakasyon si Ralp kasama ang kaniyang pamilya sa ibang bansa.
“So tuloy na talaga ‘yong Japan ninyo with parents mo?"
“Yeah… excited nga rin ako kasi alam mo na." Tumayo si Ralp sa kinauupuan niya at Yumuko sa harapan ni Kevin. Nagulat naman ito sa ginawa niya.
“Mazi-mazi… Mazi-mazi Kunei…” Sabi pa nito at napahalakhak nalang ng tawa ang kaibigan.
" Ano yan? Ang badoy mo. Parang kang Japanese na kinulang sa breeding.” Si Kevin naman na tawang-tawa ay nagsalita.
“By the way Kevin, kamusta naman kayo nung professor Kenny? Madalas ka noon sa faculty dahil ipinapatawag ka. Madalas rin kitang nakikitang nakatitig sa kaniya at naghihintay sa labas ng faculty office. Anong nangyari ba? May tinatago ka sa akin eh, Kevin. Dali na, spill some tea.”
Bilang tugon ay tumango nalang si Kevin sa kaibigan.
" Way back during that most awaited Criminology Night, something happened between me and professor Kenny.” He shared everything on Ralp at halos hindi naman makapaniwala ang kaibigan sa kaniyang mga sinabi. Wala rin naman siyang nakikitang masama maliban sa kung mabuntis ang professor, nako, problema talaga iyan.
“Kaya pala panay ang titig mo sa kaniya. Now it makes sense. Lahat pala ng ginawa mo ay just to get close to her. Kaya lang malabo pa rin eh. Isipin mo Kevin ha, student ka niya tapos instructor mo siya. Nako, yari!”
" Alam ko naman ‘yon. Kaya nga I've been waiting for this moment para naman kahit paano ay hindi ako ma-pressure. After nito, hindi na niya ako student at hindi ko na rin siya professor, then I can be real with her na. “
" Hindi ka pa ba real n’yan eh umamin ka na nga diba? “
" No, tulog naman ‘yon noong may sinabi ako sa kaniya, kaya sure akong walang narinig ‘yon.”
Way back noong nasa loob siya ng pamamahay ng professor ay maraming inamin si Kevin sa kaniya. Natutulog kasi siya noon dahil sa pagod kaya he took that opportunity to tell her what he felt. For sure she didn't hear it dahil malalim kasi ang tulog niya.
“So anong balak mong gawin ngayon?"
“I've heard na uuwi siya ng probinsya dahil doon magbabakasyon kasama ang pamilya.” Napataas naman ng kilay si Ralp dahil alam niyang kakaiba na naman ang iniisip ng kaibigan niyang si Kevin.
" Kailangan ko ng trabaho, Ralp. Kailangan kong kumita para mapuntahan ko siya sa probinsya. Baka doon mas makikilala ko siya ng lubosan. Baka doon mas mauunawaan ko siya at mas maiintindihan ko ang lahat. Mahirap kasi rito, Ralp. Maraming mata ang nakatingin sa amin. Ayaw kong gumawa ng eskandalo at ayaw ko ring dumihan ang pangalan niya. I just wanted to make things up. To settle. To move on.” Dagdag pa niya.
“Delikado Kevin… paano ‘yong pamilya mo? Sure magtatanong sila.”
" Ako na Ang bahala sa kanila, and besides hindi naman ako magtatagal sa probinsya eh. Just help me with this once, okay? Alam kong may marerecommend kang pwedeng pagkakakitaan ng pera. Ops, ‘wag illegal ha!”