Chapter 8

1306 Words
Naging nalinaw kay Kevin ang lahat. Kaya pala ganoon na lang ang kaniyang nararamdaman tuwing nakikita niya ang kaniyang professor, dahil pala ito sa nangyari. That night, when. he drove her professor home, they had s*x. But for him, that's not just a simple s*x. Sure he seek to find some explanation why this happened. Si Kevin ay isang matalino at masipag na anak. Lahat ginagawa niya para sa kaniyang pangarap. He work hard, naging laborer din sa market para lang suportahan ang kaniyang sarili sa pag-aaral. Lahat ng hirap ng buhay tiniis niya, at tinanggap kung ano ang kayang maibigay ng kaniyang pamilya. He's so conservative about anything and very rational kaya hindi siya mapakali kung hindi niya malaman ang dahilan ng mga nangyayari sa kaniya, ngunit ang mas ikinatatakot niya paano kung mabuntis ang kaniyang professor. He was worried na baka malaman ito ng kaniyang pamilya kaya at all cost at gusto niya itong itago. Kahit alam na ni Kevin ang mga nangyari sa kanila sa loob ng tahanan ng kaniyang professor, ay naguguluhan pa rin ito. Sa katunayan ay iniisip niya kung bakit nasa bahay lamang siya noong magising siya gayong magdamag silang nag-inuman ng kaniyang professor. Although malinaw na sa kaniya ang nangyari rito, he was not yet satisfied kaya dali-dali niyang pina-andar ang kaniyang motor pauwi sa kanilang tahanan. Matapos niyang marating ang bahay ay agaran naman niyang hinanap ang kaniyang inang. Wala kasi doon ang itang dahil may on call work iyon. Ang nakababatang kapatid naman niya ay siguradong nasa paaralan iyon, dahilan upang maiwan lamang mag-isa sa bahay ang inang. “Inang…” Ani niya, ngunit walang sumagot kaya pumunta siya sa may kusina. " Inang…" At doon ay nakita niya ang kaniyang inang Boging na may ginawa. Nagluluto yata siya ng pananghalian dahil mag-aala-una na rin ng hapon. “Oh…bakit hingos na hingos ka diyan, Kevin? Ano bang problema?” Nagulat naman ang kaniyang ina ng makita siyang hingos na hingos kaya tinanong siya nito kung maayos lang ba ang kalagayan niya. Sumagot naman si Kevin at sinabing, “ May gusto lang sana aking itanong eh…” " Oh…sige lang." Sagot ng inang niya. “Naalala mo noong nakaraang araw? ‘Yong may criminology night kami? Sinong nanghatid sa akin dito sa bahay?" “Hmmm…" Napaisip ang kaniyang ina sa kung anong ang kaniyang isasagot sa tanong nito. “Sa pagka-alala ko hinatid ka nung isang babae. Lasing na lasing ka pa nga noon eh. pasado alas sais na ‘yon ng umaga. Gusto pa nga naming magalit ng iyang mo dahil lasing kang umuwi, mabuti na nga lang at pinigilan kami nung kuya mo. Ang sabi hayaan na lang daw at nag e-enjoy naman.” Napatango naman si Kevin bilang tugon niya sa sinabi ng kaniyang ina. "Sino po ba raw ‘yong babaeng humatid sa akin?” "Nako, hindi ko na masyadong maalala eh. Alam mo naman tumatanda na, pero kilala ko ang mukha niya. Maganda ‘yon at sexy ang hubog ng katawan. Maputi rin kaya lang medyo suplado ‘yong looks eh.” Sagot ng ina at napadiin ng tingin kay Kevin. " Sandali, girlfriend mo ba ‘yong babaeng ‘yon, ha, Kevin?” " Ahh…eh…hindi po, inang…" Awkward namang napangiti si Kevin sa biro ng kaniyang inang. “Sa bagay, sa ganda ba naman nun hindi papatol sa iyo ‘yon." “Nang!" Ani naman ni Kevin. Siguro ay napikon sa biro ng kaniyang inang Boging. “Joke lang uy…” " Wala ka ba talagang maalala? Pangalan?” " Si ano ‘yon eh. Sandali…" At napatulala ang kaniyang ina sandali sa may kisame habang dala-dala ang kutsilyong ginamit niya sa paggagayat ng mga sangkap sa niluluto. “Ken…” " Kenny?” " Tama! ‘Yan, sabi niya tawagan ko na lang daw siyang Kenny. Napa-compliment pa nga ako sa ganda ng kaniyang pangalan eh. Unique kaya, bagay sa kaniya.” Napatulala naman si Kevin matapos niy g malaman ang lahat ng iyon. Ngayon, malinaw pa sa liwanag ng araw ang mga nangyari noong gabing iyon. They had s*x, then got drunk, tapos hinatid siya ng kaniyang professor sa kanila. " ‘Yong motor ko nang? Paano naman ‘yon nakarating dito?” " Ah…’yon ba, kinuha ‘yon nung kuya mo doon sa kanila pa raw ‘yon.” Napatulala na lang siya sa lahat ng nangyayari sa kaniya. He never thought this would be complicated things up. Perhaps, this is what he longed to know, and now, when things becomes clear and lucid as not to be doubted anymore, he can now say it really happened. Hindi na lang siya naniniwala, kundi alam na niya na ganoon ang nangyari sa kanila. “Oh, bat napatulala ka diyan?" Curious namang tanong ng kaniyang ina sa kaniya, at tumango lang siya bilang tugon. “‘Yong Kenny na ‘yon, alam mo, pamilyar masyado ang kaniyang mukha. Parang Nakita ko na ‘yon noon pa eh, hindi ko lang maalala kung saan." “Yeah…nakita mo na ‘yon sa mga general orientations dahil professor ko ‘yon." Gulat namang naihulog ng kaniyang inang ang kutsilyong dala-dala nito at deriktang tumama sa sahig. “Totoo ba? Nako, kaya pala ‘no. Sana pinakain man lang namin ‘yon.” Sagot niya. " Nang, dahan-dahan ka naman sa kutsilyo. Ako nininerbyos sayo eh.” " Pero bakit siya ang humatid sa iyo, Kevin? Marami naman sigurong pwede eh, bakit ‘yong professor mo pa? Ang kapal naman ng libag mo ‘no.” " Mahabang storya kasi, nang. Mabuti na ‘yong nalaman ko kung sino ang humatid sa akin.” Sagot niya sa kaniyang ina habang pinupulot nito ang nalaglag na kutsilyo. “Sige nang, alis muna ako." “Saan?" “Market." Sagot ni Kevin. Wala naman talagang balak na pumunta ni Kevin sa market dahil wala siyang ganang magtrabaho. After all ng nalaman niya, he doesn't know what to do. Sasabihin kaya niya ‘to sa kaniyang mga kaibigan?O baka itatago na lang. He was not sure. Hindi alam ni Kevin kung paano tanggapin ang mga nangyari kaya pumunta siya sa gym kung saan madalas niyang pinupuntahan tuwing may problema siya. Hindi lang ito basta gym lang, isa itong boxing gym kung saan maraming mga aspiring boxers ang nagta-training dito. “Oh…Kevin, mabuti naman at napadalaw ka rito.” Bigla bati agad ng namumuno doon na si master Joerge. Siya ay isang professional boxer ngunit dahil matanda na nagretiro na ito sa boxing. “Hulaan ko, may problema ka na naman ‘no? Sabi ko naman siya dito ka nalang mag permi sa gym. Sayang ‘yang potential mo." “Alam mo naman ‘yong dahilan ko eh, Dina master Jo? Mataas respito ko sa inang ko. Kung pumayag lang sana siya edi sana may laban na ako ngayon.” " Ikaw bahala. Basta kung sakaling magbago ang isip mo pumunta ka lang dito. Tutulungan kita maging pro.” Sabi naman nito. Napatango naman si Kevin sa sinabi ni master Jo sa kaniya. “Oh…alam na alam ko na mga gusto mo eh. Mag suot ka ng hand wraps at 10oz na gloves. Bigyan kita ng magandang laban.” Dagdag pa ni master Jo dahilan upang mapangiti naman si Kevin. Ganito na lang palagi ang ginagawa ni Kevin tuwing may problema siya. Kung hindi siya makakakuha ng sparring mate ay kawawa ang punching bag sa kaniya. Hindi siya ganoon ka showy, kaya sa suntok na lang niya ipinapalabas ang kaniyang sama ng loob. “May bago ka, Master Jo?" “Secret…" At napatawa na lang ito. “King!" Tawag nito sa isang kalbo na malaki ang katawan. Halatang batak na batak ito sa training, ngunit hindi naman kalayo ang agwat ng kanilang timbang. “Mag stretching kana. May sparring ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD