Chapter 23

1117 Words
“Oh, Kevin ha, alam mo na ang gagawin mo. Since unang araw mo pa lang naman ay mag observe ka nalang muna. Tulongan mo nalang muna akong mag-ayos ng mga stocks.” Ani ng manager ng convenience store na pagmamay-ari ng pamilya ni Ralp. " Salamat po…" “Mat nalang." “Manong Mat…” Ani ni Kevin at napakunot noo naman si Mat sa narinig nito. “Grabe ka naman sa manong, Kevin. Nauna lang ako sayo ng kaunti. Mat nalang. Oh sige na, mag simula na tayo. Maraming customers ngayon dahil linggo." Unang araw ngayon ni Kevin bilang isang empleyado sa loob ng convenience store. Hindi naman na rin bago sa kaniya ang pagtitinda dahil paminsan-minsan ay sumasideline siyang magtinda ng isda sa merkado, ngunit ganoon pa man ay kailangan niya paring matuto ng sapat dahil iba ang convenience store sa palengke. Mas hightech at advance kasi rito at may mga CCTV cameras pa hindi tulad ng sa market na parang casual na palitan lang ng produkto at pera. Tatlong araw na rin simula noong lumipad sila Ralp at ang pamilya niya patungong Japan upang makapagbakasyon. Ganoon talaga kapag may pera. Nagagawa ang lahat ng gusto sa buhay. Kaya nga marami ang nasisilawan sa kinang ng barya dahil madalas dito bamabase ang halaga ng isang tao. Madalas ginagawa natin ang lahat upang magtagumpay sa buhay, magkaroon ng sapat na trabaho, at masupportahan ang pinansyal na pangangailangan. It's so hard to choose whether wealth or career. Some would say that wealth weighs more than career, and some would say career weighs more than wealth. Ngunit kung ako ang tatanongin, mas pipiliin ko siguro ang career kaysa sa wealth. Isipin nalang nating mayaman tayo at abot lahat ng gusto nating abotin, ngunit hindi naman tayo masaya sa buhay natin. There are levels of happiness: great, greater, and greatest. And it is measured through its certainty, purity, fecundity, intensity, and duration. Yes, we can argue that wealth could really make us happy, but not the greatest happiness, because fact will always stand that happiness cannot be bought by money. But if given a chance to choose between my career and love. Well, I would definitely choose love over career. Mas mabuti pa sigurong maging bituing walang ningning kung ang kapalit nito ay walang paglahong pagmamahal ng mga mahal natin sa buhay. The same as happiness cannot be bought, so does love. It is felt by the heart rather than being judged. “Kenny, alam mo namang simula pa noong mga bata pa tayo ay gustong-gusto na kita, diba? Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin? Hindi naman ako ganoon ka panget. Sapat din naman ‘yong kinikita ko araw-araw para buhayin ka at ng magiging pamilya natin. Ano ba talagang kulang sa akin?" Pagmamakaawang tanong ni Nardo kay Kenny. Matagal na itong nanliligaw sa kaniya simula pa noong mga bata pa sila, kaya lang hindi pa siya sinasagot ni Kenny hanggang ngayon. “Uy…uy…uy… ha, Nardo, anong kayang buhayin ‘yang anak ko? Baka nga sampong beses na mas malaki pa ang kinikita ni Kenny kaysa sa’yo eh. Tsaka hoy, akala mo siguro hindi ko alam ‘yong mga utang mo kay aling Tirang!” Bulyaw naman kaagad ng mama ni Kenny na si aling Nina. Ops! ‘Wag na kayong magtaka kung bakit walang honorifics iyang pangalan ni professor Kenny ha. Hindi bagay sa lugar eh. Nahiya naman ng bahagya si Nardo sa bulyaw ng ina ng kaniyang nililigawan. “‘To namang si aling Nina oh, parang ngayon lang eh. Halos ma pudpud na nga ‘tong mga paa ko sa kakapasok rito sa inyo, hanggang ngayon hindi ko pa makuha ang oo ng anak ninyong si Kenny." “Hoy! Nardong magbubukid! Itong tatandaan mo ha, kung napudpud na iyang mga paa mo sa kakapasok rito, pwes hiyang-hiyang na rin ‘tong bubong namin sa kakapasok mo!" “Tama na ‘yan, ma. ‘No kaba naman. Hayaan mo na siya." Ani naman ni Kenny sa kaniyang ina. “ Oh, ikaw naman Nardo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na hindi tayo pwede, okay? Wala talaga. Hanggang friends lang.” Wala na ring magawa ang manliligaw ni Kenny at umalis na lang ito ng bahay. Naiwan naman ang mag-ina sa loob, habang si aling Nina naman ay halatang sasabog na sa galit. " Ayos ka talaga ate Kenny. Ibang klase ka! Biruin mo, tuwing uuwi ka rito napupuno ng manliligaw ‘tong bahay natin.” Pabirong tukso naman ng kaniyang kapatid na si Jessa sa kaniya. " Wala ‘yon, Jessa. May pinagmanahan lang.” At napatawa pa ito. " Hayaan mo sa susunod ikaw naman ang dadayohin ng mga manliligaw rito.” " Nako ate kahit buong Baranggay pa ‘yan wala talaga sa kanila ang tipo ko.” Sagot naman nito sa kaniyang kapatid. " Oo nga pala ate Kenny, nabalitaan ko marami raw estudyante ang natatakot sayo doon sa syudad.” " Hmmm…" Napataas naman ng kilay si Kenny habang napalingon ng bahagya sa kapatid. “ Bakit biglang change of heart ka ngayon rito sa probinsya?" “ Ahhh… ‘Yan ba. Nako, bata ka pa talaga kaya hindi mo pa maintindihan. Kaya bawal na bawal pa sa’yo yang pagboboyfriend ha." Pabirong ani nito sa kapatid at huminga ng malalim. “ Alam mo Jessa, magkaiba kasi ‘yong career mo tsaka ‘yong totoong ikaw. Syempre professor ako doon eh kaya kailangan kong iparamdam at ipakita kung ano ang kaya kong gawin. Magkaibang magkaiba rito sa probinsya. Wala naman akong kailangan itago rito at hinding-hindi ko pwede itago ang sarili ko rito." Sa totoo lang, marami sa atin ang nagtatabgo sa likod ng ating mga karera. We are being covered by our career that sometimes we lose ourselves. We follow ethics, standards, professionalism, which might lead us to being lost. We forget that the path we have chosen is not ourselves anymore. We were never insulted by that, we just accept it because it used to be. Nasanay nalang tayo. Kaya delikado ang malulong sa karera dahil magiging greedy tayo. We become blinded by our position and we lose sight of what we really are. “Ang mabuti pa ate maghanda ka na lang kasi for sure darating dito ‘yong anak ni kapitan. Nako, ‘yon pa ba eh hindi naman magpapahuli ‘yon sa ligawan." “Mas malapit pa sa akin ‘yong si Nardo kaysa doon sa aroganteng lalaking ‘yon ‘no. Kaya who you talaga siya sa akin, Jessa. Makikita mo!” Sagot naman ni Kenny sa sabi ng kaniyang kapatid. Si Ted ay matagal na ring nanliligaw kay Kenny at anak ito ng kapitan rito sa Baranggay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD