"Ninong ®" ni Madam K [[ KABANATA XLIII - B ]] BALIK na kami ni Ninong dito sa building C. Nasa room 201 kami. Nagdala na kami ng pangmeryenda namin para mamaya at hindi na kami baba. Bawal talaga magdala ng pagkain dito sa loob ng working site pero malakas si Ninong sa nagbabantay. "Ninong bakla po ba si Bernard?" Tanong ko. Nakasabit kami ulit dito sa labas. Lakas ng hangin. Nauga 'tong inuupuan ko. Tiwala naman ako sa pagkakahigpit ni Ninong sa harnes ko. "Hindi ko alam. Bakit? Ano bang tsismis nasagap mo kanina?" Tanong niya. May nakalagay na may sinding sigarilyo sa labi niya habang nagbabakbak siya. Isang metro lang layo namin sa isa't isa. "Narinig ko lang. May bakla raw si Bernard dito. Galit na galit asawa niya." Sabi ko. Napatingin siya sa akin. "Edi hindi siya ang bakla.

