"Ninong ®" ni Madam K [[ KABANATA XLIV ]] SOBRANG higpit ng pagkakakapit sa akin ni Kuya Canor habang hatak-hatak niya ako papapasok sa loob ng working site. Halos nakakaladkad na niya ako. "K-Kuya Canor. Nasasaktan ako! Susunod naman ako sa iyo. Huwag mo naman akong kaladkarin." Sabi ko. Sinusubukan kong piglasin ang pagkakahawak niya sa akin pero sobrang higpit talaga! Ang sakit sakit parang madudurog na buto ng kamay ko---- "Huwag ka nang maraming satsat. Sumama ka sa akin!" Ibang tono ng pananalita niya---ganitong ganito ang boses niya noong gabing halos nagmamakaawa na si Bert na tigilan na niya. Ganito rin ang tono ng pananalita niya noong ginahasa niya ako sa condo unit ni sir Larry. Dominante. Agresibo. Nasa kaniya ang kontrol. "S-saan mo ba ako dadalhin? Alam mo naman bawal

