"Ninong ®" ni Madam K [[ KABANATA XLV ]] ARAW ng Linggo ngayon. Kahapon nagtago ako sa loob ng canteen para hindi ako makita ni Kuya Canor. Ang usapan kasi namin doon ako sa kanila makikituloy tuwing Linggo. Hindi ko alam kung anong napag-usapan nila ni Ninong, pero mula noong araw na nagsumbong ako kay Ninong, hindi na ako kinatok ni Kuya Canor. Hindi ko rin alam kung alam na rin ni Kuya Gary ang totoo, lagi parin naman kasi silang tatlo nag-uusap. At sa tuwing nasa barracks si Kuya Canor, hindi na ako natingin sa kaniya. Natatakot na ako ulit sa kaniya pero siya---para bang wala lang nangyaring panggagahasa sa akin. Kinakausap niya pa rin ako na parang wala lang. Tumatango-tango lang ako at pangiti-ngiti pero sa loob loob ko, ayaw ko na talaga. Natatakot na ako. Ilang araw rin walang

