King Lordon's POV Isang gabi ay nakatanggap ako ng tawag kay Liza. Pinapupunta ako nito sa isang kilala KTV bar sa makati. Hindi ko sana siya papansinin dahil abala ako sa paghahanap kay Ronna Mae. Pero ng sinabi niya na kasama niya ito ay mabilis pa sa alas kwatro na pumunta ako sa lugar na iyon. Sinalubong naman ako nito ng sermon. Halata na nakainom ito. Let me correct it. Lasing na lasing ito. Naabutan ko na rin doon si Hermes. Isa sa kaibigan ng sira ulong si Simon. Mukang sinusundo niya rin iyong asawa niya. "Sira ulo ka ba talaga, Lordon? Hanggang hindi lumalabas iyong approval ng annulment nyong dalawa ni Ronna responsibilidad mo pa rin siya. Dahil kasal pa rin kayo. Responsibilidad mo pa rin siyang alagaan." Sermon ni Liza. Namewang pa siya kaya napaliglig nalang ako sa tenga

