Ronna Mae's POV Kasama ko si Liza at Hermes nang magpunta kami sa korte. Hindi ko alam kung papaano ko pa kayang humarap sa kanya. Sobra sobrang sakit. Tama siguro talaga ang naging desisyon ko na tuluyan ko ng putulin ang ugnayan na mayroon kami. Hindi ako lumilingon sa gawi niya. Nakayuko lang ako. Kasama niya si Señora na mukang tuwang tuwa sa magaganap. Napangisi lang ako kahit papaano ng makita ko iyong muka ni Bettina na may pasa at gasgas sa pisngi. Kahit papaano nakaganti ako sa kalandian na mayroon siya. Napatingin ako kay Liza ng hawakan niya iyong kamay ko. "Be brave. Kakayanin mo lahat ng pagsubok pagkatapos ng lahat ng ito. Nandito lang ako sa tabi mo bilang kaibigan, Ronna." Nakangiting sabi nito. Tumango ako sa kanya. "Salamat. Sobrang nagpapasalamat ako sa iyo at hindi

