King Lordon's POV Napabuntong hininga na naman ako habang iniisip ko kung paano ko ba lalapitan si Ronna Mae. Ilang araw na ang nakakalipas simula ng umalis siya. Pumunta ako dito sa bahay ni Papa para papuntahin si Roza sa bahay ko para maglinis. Nakaupo ako sa front porch. Sa totoo lang tama naman ang sinabi ni Simon. Gago ako. Malaking Gago. Aminado naman ako doon. Hindi ko pinagkatiwalaan si Ronna Mae. Mas pinairal ko ang pride at ego. Nasa huli talaga ang pag sisisi. Nagulat pa ako ng may tumapik sa balikat ko. Nang lingunin ko ay si Papa. Naupo ito sa tabi ko. "Iniisip mo pa rin ba siya?" Tanong nito. Hindi ako nakakibo. "Bakit hindi mo kase siya agad sinundan? Mahal mo naman siya kaya bakit hinayaan mong humantong kayo sa hiwalayan?"Tanong ni Papa. Umiling ako. "Kung nandito

