Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata. Pamilyar sa akin iyong lugar kung nasaan ako ngayon. Pakiramdam ko nananaginip ako kase ano naman ang gagawin ko sa kwarto ni Lordon. Ang huling nasa isip ko ay nasa birthday ako. Tapos. Tapos. Bigla akong napabalikwas ng bangon. Napadaing ako kase ang sakit ng katawan ko lalo na ang bagay na nasa pagitan ng mga hita ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may gumalaw sa tabi ko. Dahan dahan akong lumingon. Halos panawan ako ng ulirat ng makita ko si Lordon na ang tanging nakatabing ay ang kumot. Nakayakap pa ito sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa kumot ng pakiramdaman ko iyong sarili ko. Sinilip ko ang sarili ko. Nag una unahang tumulo ang luha sa mga mata ko ng makumpirma ko ang hinala ko. Itinakip ko iyong kamay ko sa bibig ko para hi

