"Anong gusto mong lutuin ko mamaya?" Masayang tanong ko kay Lordon habang nag aalmusal kaming dalawa. Isang linggo na kaming kasal na dalawa. Ilang araw na rin siyang pumapasok sa kompanya ng Papa niya. Itrinetrain na daw siya nito para kapag handa na siya ay siya na iyong hahawak ng kompanya. Medyo kampante pa ako kase hindi pumupunta dito sa bahay si Señora. At laking pasasalamat ko ang bagay na iyon. Sigurado kase ako na hindi ako nito tatantanan hanggat kasama ako ng anak niya. "Ikaw nalang ang hapunan ko." Nakangising sabi niya sabay kindat. Napailing nalang ako. "Iba naman yun." Nakaingos na sabi ko. Tumawa siya at sinubuan ako ng pagkain. "Ilang araw na akong pumapasok sa kompanya ni Papa pero hindi mo manlang ako pinupuntahan." Tila nagtatampo na sabi nito. Tumayo ako at niy

