Ilang linggo ng hindi umuuwi sa bahay si Lordon. Hindi rin niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Nang pasukin ko iyong kwarto na puno ng sekreto niya ay wala doon iyong damit na nakadisplay sa salamin. Wala rin doon iyong ilang armas. Hindi ako aalis sa bahay na ito hangga't hindi ko napapatunay sa kanya na hindi ako ganung babae. Na hindi ko kasalanan ang lahat. "What are you doing here, b***h!?" Napaharap ako ng marinig ko iyong boses ni Lordon sa likod ko. Parang nanikip iyong dibdib ko ng tawagin niya akong puta. "Wala akong kasalanan!" Matigas na sabi ko sa kanya. Blangko lang iyong ekspresyon ng muka niya ng tanggalin niya iyong hood ng suot niya. May bahid ng dugo ang mga kamay nito. Pinunasan naman niya agad iyon ng makita ko. Napalunok ako. "Really, Ronna Mae? Ginawa mo i

