Maagang nagising si Kany kinabukasan.
Biyernes, ngunit wala silang pasok.
Tahimik ang paligid ng kanilang maliit na bahay. Tanging huni ng mga ibon at mahinang ihip ng hangin ang maririnig. Sa likod ng bahay, sa may gripo, nakasalansan ang mga labahin na kailangang tapusin ngayong araw.
Nakasuot siya ng simpleng duster, nakatali ang buhok sa isang mababang ponytail. Walang bahid ng ayos ang mukha, natural, payak.
Pero kahit ganoon… may kakaibang ganda pa rin siya.
Isa-isang kinusot ni Kany ang mga damit. Basa ang kanyang mga kamay, at paminsan-minsan ay pinupunasan niya ang pawis sa kanyang noo gamit ang braso.
Tahimik at payapa ang paligid.
Ngunit hindi mapakali ang isip niya.
Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang nangyari kahapon.
Ang titig ni Mr. Dylan Zachary.
Ang boses nito.
At ang paraan ng pagbanggit nito ng pangalan niya.
"See you again tomorrow."
Napahinto siya sa pagkukusot.
Napatingin sa kawalan.
Hindi niya alam kung bakit… pero pakiramdam niya, hindi iyon basta sinabi lang.
Parang… may ibig sabihin.
Pagkaraan ng ilang minuto ay napatigil siya sa kanyang ginawa nang may biglang sasakyang huminto sa tapat ng kanilang bahay. Napalingon siya.
At nakita niya ang isang mamahaling itim na SUV, makintab, elegante, at halatang hindi nababagay sa simpleng lugar nila.
Sumunod pa ang isa.
At isa pa.
Tatlong sasakyan.
Sunod-sunod na huminto sa tapat mismo ng kanilang bahay.
Napatayo si Kany.
Nanlaki ang mga mata niya.
Hindi niya namalayang basa pa ang kanyang mga kamay, tumutulo ang tubig sa sahig habang titig na titig sa mga sasakyan.
Unti-unting bumukas ang pinto ng gitnang sasakyan.
At doon… bumaba si Dylan.
Nakasuot ng simpleng polo, ngunit halatang mamahalin. Maayos ang tindig, seryoso ang mukha, at gaya ng dati, may awtoridad ang bawat galaw.
Sumunod bumaba ang mga tauhan nito.
Nakatayo sa paligid, alerto.
Parang… may hinahanap.
Napalunok si Kany.
"H-hala…" bulong niya sa sarili. Naisip niyang sinabi niya pala ang buong address nya rito.
Jusko, anong kailangan ng mga ito?
Hindi siya makagalaw.
Hindi niya alam kung lalapit ba siya o tatakbo papasok ng bahay.
Pero huli na.
Dahil napatingin na si Dylan sa direksyon niya.
Diretso at tumatagos.
Parang siya lang ang nakikita nito sa buong paligid.
Naglakad si Dylan papunta sa kanya.
Dahan-dahan. Sigurado.
Habang papalapit ito, mas lalo niyang nararamdaman ang kaba sa dibdib niya.
Hanggang sa huminto ito sa harap niya.
Saglit siyang sinulyapan, mula ulo hanggang paa.
Basa pa ang kamay. Simple lang ang suot. At walang ayos.
At muli… napangisi ito nang bahagya.
"So this is where you live," malamig ngunit may halong interes na saad nito.
Hindi agad nakasagot si Kany.
"A-ah… o-opo…" mahina niyang sagot.
Hindi niya alam kung ikakahiya ba niya ang itsura niya ngayon.
Bigla siyang napa-atras ng kaunti.
"Pasensya na po… naglalaba lang po ako—"
"That's Good," putol ni Dylan.
Napatigil siya.
"At least now I know you’re real."
Nakunot ang noo ni Kany.
"P-po?"
Bahagyang yumuko si Dylan, pinantay muli ang kanilang mga mata, gaya ng ginawa nito kahapon.
"So… that really is where you live."
Mas lalo siyang kinabahan.
Sandaling natahimik si Dylan.
Pagkatapos, napatingin ito sa paligid, sa maliit nilang bahay, sa simpleng bakuran, sa mga sampay na damit.
Hindi ito nagsalita.
Pero ramdam ni Kany na may iniisip ito.
"Where’s your mother? I want to speak with her. You’re not letting us in?" Nakangiting tanong ni Dylan.
"Ahh, nakakahiya po sa loob ng bahay namin, Sir." Nanginig na wika ni Kany at pakiramdam niya ay parang bigla siyang pinagpawisan.
Ngunit bago pa makakilos si Kany para papasukin ang kanyang mga bisita at tawagin ang kanyang ina ay nakita niyang lumabas na ang kanyang ina. Inalam nito kung sino ang mga dumating at kausap niya.
At gano'n nalang ang gulat nito nang makita ang binatang anak ng mafia Lord na si Don Brixton Valerioso—si Mr. Dylan Zachary.
Kaagad na sumalubong ang right hand man ni Dylan sa ina ni Kany.
"Magandang umaga po, Ali. Mr. Dylan Valerioso would like to speak with you." Ang sabi ni Gardo, ang alalay ni Dylan.
Parang natigil ang mundo ni Aling Rosa, makikita na parang namutla ito at napatingin sa anak nitong si Kany. Nagkatinginan ang mag-ina.
"A-ako? B-bakit?"
Lumapit agad si Dylan.
Nataranta agad si Aling Rosa, nagmamadaling inayos ang damit at buhok.
"Good morning," Walang emosyon na bati ni Dylan.
"Magandang umaga din po, Sir! A-ah… p-pasok po muna kayo sa loob ng bahay namin, s-sorry po sa bahay namin—" Ang sabi ni Aling Rosa.
Hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang maglinis, mag-ayos, o tumingin nang maayos sa bisita.
Nataranta ang ina ni Kany.
Si Kany naman, halos hindi makagalaw sa gilid. At nang makitang sumunod sa kanyang ina at pumasok si Mr. Dylan Zachary sa bahay nila kasama ang isang guardian nito ay sumunod na lang din siya.
Tahimik lang si Dylan habang pinagmamasdan ang loob ng bahay, simple, maliit, ngunit malinis.
Pagkatapos, tumingin siya kay Aling Rosa.
Diretso. Walang emosyon.
"I'm Dylan Zachary Valerioso."
Napahigpit ang hawak ni Aling Rosa sa kanyang damit.
"O-opo… kilala ko po kayo, naikuwento kayo ng anak ko at kilala ko ang iyong ama, si Don Brixton Valerioso…"
Isang hakbang pa ang nilapit niya.
Hindi niya na pinahaba pa ang usapan,
"Nandito ako para kausapin kayo. Gusto ko ang anak ninyo."
Parang tumigil ang oras.
Nanlaki ang mga mata ni Kany.
"N-naku po—!"
Napahawak si Aling Rosa sa dibdib.
Diretso. Walang paligoy-ligoy.
Walang pag-aalinlangan. At
hindi iyon tanong.
Deklarasyon iyon.
"I’m going to court her. I’m looking for my future wife." Dagdag ni Dylan.
Namilog ang mga mata ni Kany sa labis na pagkagulat maging ang ina ni Kany.
Hindi makapagsalita si Aling Rosa.
Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa.
"N-nay…" mahinang wika ni Kany, namumula ang mukha sa hiya at kaba.
Biglang napatingin si Aling Rosa sa anak niya, halatang naguguluhan.
"S-sandali lang po… u-um… maupo po muna kayo!" bigla niyang sabi, sabay hila ng monoblock chair.
"Ay, Kany! Tubig! Kuha ka tubig! Nanuyo ang lalamunan ko," pabulong pero halatang nataranta na sabi ng ina niya.
"Ah, o-opo!"
Halos madulas pa si Kany sa pagmamadali papunta sa kusina.
Naiwan si Dylan, kalmado.
Tahimik.
Parang sanay na sanay sa ganitong reaksyon.
Umupo siya, relaxed, pero ramdam ang presensya.
Tinignan niya si Aling Rosa.
"S-Sir, eh, disi-otso pa lang ang anak ko, at a-ang pagkakaalam ko ay bago pa lang kayong n-nagkakilala." Ani Aling Rosa na nauutal.
"A-at saka hindi pa siguro bagay ang pag-aasawa sa kanya dahil nag-aaral pa siya."
"Huwag kayong mag-alala," malamig pero kontroladong boses ni Dylan.
"I’ll make sure we spend time together, so we get to know each other."
"And… I’ll make sure she’s properly educated," Simpleng sagot ni Dylan.
Napahinto si Aling Rosa. Natulala.
Tumingin siya kay Dylan na mas maigi na ngayon.
Mas malinaw.
Totoo ba ito?
Hindi lang ito simpleng binata.
May kapangyarihan.
May bigat.
At kapag nagsalita…
Parang batas.
"Santisima," Naibulong ni Aling Rosa. Tila hindi makapaniwala na ganito kabilis ang mga taong mayayaman at makapangyarihan.
Sa kusina, halos mahulog ni Kany ang baso na hawak niya dahil sa sobrang panginginig niya at pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa deretsahang mga pahayag ni Dylan sa harap ng kanyang ina.
Hindi niya alam kung matatakot siya… o kikiligin.