Halos hindi mapakali si Kany habang hawak ang baso ng tubig.
Naririnig niya ang bawat salita mula sa sala.
Bawat linya ni Dylan… parang tumatama diretso sa dibdib niya.
Huminga siya nang malalim.
Ano ba ‘to…? Totoo ba ‘to… o nananaginip lang ako?
Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa sala.
Pagdating niya, nakita niyang tahimik lang si Dylan, nakaupo nang maayos, habang ang alalay nito ay nasa likod nito. Ang iba ay naiwan lang sa labas.
Si Aling Rosa ay tila hindi pa rin makapaniwala sa naririnig.
Iniabot niya ang isang basong tubig sa ina.
"A-ah… tubig po, nay…" mahina niyang sabi.
"Salamat, anak." Sabi ng ina. At ininom agad ang ibinigay niya.
Pagbaling niya sa kinauupuan ng bisitang binata ay
sandaling nagtagpo ang mga mata nila ni Dylan.
At muli, naramdaman niya ‘yung kakaibang kaba.
Hindi agad umalis si Kany.
Napatayo lang siya sa gilid.
Tumingin si Dylan kay Aling Rosa.
"I understand your concern," kalmado nitong sabi.
"But I don’t make impulsive decisions."
Saglit itong muling tumingin kay Kany.
"I chose her."
Napahigpit ang hawak ni Kany sa kanyang damit.
"As I said, I’m going to court her," dugtong niya.
Sandaling natahimik ang buong bahay.
"When I’m done… I’m going to marry her." Dagdag ni Dylan.
Parang bumagsak ang mundo sa muling pagkagulat nila.
"Ano po?!" halos sabay na napasigaw si Kany at Aling Rosa.
Hindi man lang kumurap si Dylan.
Diretso. Sigurado.
"I don’t believe in wasting time."
"I court with intention."
Napatakip ng bibig si Aling Rosa.
"S-Sir… kasal agad?!" Nanlaki ang mga matang reklamo ni Kany.
Anong klaseng panliligaw ito? deretsuhan agad? Bakit ganito?
Tumayo si Dylan.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Kany.
Habang papalapit ito, parang lalong nawawala ang lakas ng tuhod niya.
Hanggang sa huminto ito sa harap niya.
"So don’t misunderstand me," mahina ngunit matatag nitong sabi.
"I’m not here to play."
Pinantay nito ang kanilang mga mata.
"I’m here to make you my wife."
Namula nang todo si Kany.
Hindi niya alam kung hihimatayin ba siya o tatakbo palabas.
"A-ako po…? Pero bakit ganito kabilis? hindi pa po kita sinagot, nagpaalam ka pa lang kay inay, Sir." nanginginig niyang sabi.
Bahagyang napangiti si Dylan.
"Actually, I’ve been searching for a wife for a long time, someone simple… and nurturing."
Napalunok si Kany.
"S-Sir… hindi po ganon kadali ‘yon…"
"I know," putol nito.
"That’s why I’ll do it properly."
Sandaling tumingin si Dylan kay Aling Rosa.
"I will court her."
"With your permission."
"And after that...
there’s no reason to wait."
"I want the wedding immediately. You’re not going to disappoint me, are you, Kany? Don’t tell me you intend to waste my time… or my courtship?"
Nakatitig na tanong niya kay Kany.
Mas malalim. Mas matindi.
Namula si Kany.
Tahimik.
Ramdam ang bigat ng bawat salita.
Sa kusina man o sa sala, parang walang makagalaw.
Si Aling Rosa… tulala habang si Kany ay hindi niya alam kung anong mararamdaman niya.
Takot.
Gulat.
At isang bagay na pilit niyang itinatanggi, ang
Kilig.
Sa isip niya, walang babaeng tulad niya na sayangin ang isang binata sa harap niya. Pero tama ba kaya ito? Na agad niyang sakyan ang gusto ng binatang Valerioso?
Wala kayang masamang epekto sa kanya sa huli ang ganito kabilis na pangyayari?
Bahagyang napangiti si Dylan.
Pinagmasdan muli si Kany.
"Alright… I’ll leave for now," malamig ngunit may halong ngiti nitong sabi.
"This afternoon, I’ll come for you. We’re going somewhere… to spend some time together."
Napatingin rito si Kany, halos hindi makapaniwala.
"Ngayon hapon… dinner date… at sana… sagutin mo agad ako," dagdag pa ni Dylan, matatag ang titig.
Sandaling tumigil siya, at parang ramdam ni Kany ang bigat ng bawat salita.
Tahimik na lumingon si Dylan sa alalay niya, at dahan-dahan siyang umalis, iniwan si Kany at ang kanyang ina sa sala.
Si Kany… tulala.
Hindi niya alam kung hihimatayin ba siya,
ang puso niya, mabilis ang t***k, kilig, kaba, at excitement. Ito ba tinatawag na swerte na biglang dumating sa buhay niya?
Pag-uwi ni Dylan sa Valerioso Palace. Hindi naman nagtagal ay tinawag na siya sa isa sa mga katulong ng palasyo para sabay na silang mag-lunch buong pamilya.
Tahimik lang siya habang papasok sa malaking dining hall. Pagdating niya doon ay naroon na ang lahat.
Sandaling nakatingin siya sa paligid bago umupo sa hapag-kainan, ramdam ang presensya ng buong pamilya.
Habang kumakain ng tanghalian, tahimik muna silang lahat, hanggang sa muling bumigkas si Dylan, malinaw at may awtoridad.
"Dad… Mom… I’ve found the woman I intend to marry."
Napatingin sa kanya si Don Brixton Valerioso, nakataas ang kilay.
Si Karah, ang kinilalang ina ni Dylan, bahagyang napahinto sa pagkain.
"What?" Sambit ni Brixton, hindi makapaniwala.
"Have you found the woman you intend to marry?" dagdag pa niya, halos tumayo sa kaba.
"Exactly," matatag na sagot ni Dylan.
"She’s the one I chose. And I intend to court her properly."
Nagulat ang lahat.
Tahimik si Mommy Karah, nagulat, ngunit ramdam ang respeto sa determinasyon ng anak.
Si Daddy Brixton naman ay bahagyang ngumiti, parang pinag-iisipan kung tama ba ang hakbang, ngunit alam niyang seryoso si Dylan.
Sa kabilang dulo ng mesa, tahimik lang ang mga nakikinig na kapatid ni Dylan. Sina
Brixton III, na may edad nang 14 years old, nakatitig sa kuya niya na may halong pagtataka at interes. Si David Kurt, na 12 pa, nakabuka ang bibig, parang hindi makapaniwala. Si Brizellah Heart, 9 years old, ang bunso, nakapikit sandali, tapos ngumiti nang mischievously, naiisip ang drama ng mga nakakatanda.
Tahimik ang dining hall, ramdam ang bigat ng bawat salita.
Ang mga bata, nakikinig na parang nanonood ng eksena sa pelikula, kahit alam nilang seryoso ang usapan, hindi maiwasang ma-excite.
"But, Son... Kakahiwalay niyo palang ni Yell? Sigurado ka ba sa desisyon mo? At mahal mo ba ang babaeng gusto mong pakasalan?" Hindi napigilan na tanong ni Karah sa tinuturing nang anak n'ya.
Natigilan si Dylan. Napabuntong-hininga si Dylan bago muling nagsalita,
"I will also learn to love her." Saad ni Dylan.
Nagkatinginan ang mag-asawang Brixton at Karah. At muling tumingin sa binata.
"Son, you might have trouble in the end with such a hasty decision." Ani Don Brixton.
"I want to forget Yell immediately, and I want to love and marry Kany without delay. I know she won’t be hard to love." Matigas na saad ni Dylan.