Mabigat ang hangin sa loob ng opisina. Tahimik, pero hindi payapa. Nakatayo si Dylan sa harap ng malawak na bintana, nakatalikod. Hawak ang baso ng alak, ngunit hindi niya iniinom. Tatlong araw. Tatlong araw na ang lumipas, pero wala pa ring balita. Walang tawag. Walang mensahe. Walang kahit anong senyales mula kay Kany. Parang… wala lang. Parang hindi siya nawalan ng anak. Mahigpit niyang kinuyom ang hawak na baso. Hindi siya sanay na may hinihintay. At lalong hindi siya sanay na tinatalikuran. Yes, annulled na ang kasal nila. Pero iba pa rin. Hindi niya matanggap na matapos manganak si Kany— hindi na ito bumalik. Hindi man lang sumunod. Napakababaw naman pala ng pagmamahal na sinasabi nito. Biglang bumukas ang pinto. Malakas. Walang katok. "Dylan!" Bumungad ang

