Kinabukasan, maagang inasikaso ng kanyang ina ang ospital para sa paglabas ni Kany. Tahimik lang siya buong oras, parang katawan na lang niya ang gumagalaw pero ang isip niya ay naiwan pa rin sa nangyari kahapon, sa iyak ng anak niya, sa paglayo ng sasakyan, sa salitang "Isuko mo na lang." Paglabas nila ay muli siyang dinala ng kanyang ina sa kanilang bahay. Habang bumababa siya ng sasakyan, wala siyang imik. Mahina ang hakbang niya, parang bawat hakbang ay mabigat na mabigat. Hindi niya tinitingnan ang paligid. Hindi rin niya pinapansin ang mga taong nagmamasid sa kanya. Ang mga kapitbahay na alam niyang may mga chismosa din. Pagpasok pa lang nila ng kanyang ina sa maliit nilang bahay, agad siyang inalalayan ni Aling Rosa. "Dahan-dahan ka, anak…" mahinang wika nito. Pero si Kany,

