"Because you don’t want to stay in the palace, you also can’t take my child away from me, Kany!" Matigas na sagot ni Dylan sa kanya. "Dylan, please!!" Sigaw ni Kany. Pero hindi na siya pinakinggan ng lalaki. Sa isang iglap— tuluyan nang tumalikod si Dylan na karga ang anak nila. Parang may punit na nangyari sa dibdib niya. "NO!" halos mapunit ang lalamunan niya sa sigaw habang lumayo na si Dylan at ang sanggol nila. Sinubukan niyang habulin si Dylan, pero agad siyang hinawakan ng dalawang guardian. "Bitawan niyo ako!" nagpupumiglas siya, kahit halos wala na siyang lakas. "Anak ko ‘yan! Ibalik niyo siya sa akin!" Muling tumingin si Dylan sa kanya. "Kung ayaw mong mawalay sa anak mo, sumunod ka sa palasyo." Malamig na wika sa kanya ni Dylan. Napailing si Kany habang lumu

