Nanigas ang buong katawan ni Kany sa narinig mula kay Dylan. "Ano? Iiwan ko ang anak ko?" paulit-ulit niyang sambit, parang hindi makapaniwala. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya kay Dylan. Namumula ang mga mata niya, hindi lang sa luha, kundi sa galit na pilit niyang pinipigilan. "Subukan mo lang, Dylan…" nanginginig ang boses niya pero matalim, "subukan mo lang na kunin siya sa akin." Sandaling natahimik ang lalaki. Ngunit imbis na umurong, lalo itong tumigas. "Kany, be rational," malamig nitong sagot. "Hindi ito tungkol sa'yo. Tungkol ito sa kinabukasan ng bata." "Pero ako ang ina niya! Karapatan kong sa poder ko siya!" sigaw ni Kany, kasabay ng pagyakap niya sa sanggol. Parang natakot siya bigla na anumang oras ay pwedeng kunin ni Dylan ang kanyang anak mula sa kany

