Chapter 9

2404 Words
MAAGA akong nagising nang maramdaman ko ang paulit ulit na paghalik sa noo ko na kilala ko na agad sa amoy nito. “Bunso!! Bunso!! Gising na at mangangabayo na tayo!!” saaad ni Leo na kinaungot ko agad dito.   “Oo naaaaaaaaaa!! Babangon na huhu ang aga pa.” reklamo ko dito ngunit naramdaman kong may bumuhat sakin ng bridal style na kaagad kong ikinamulat dahil sa hindi na si Leo ang naamoy ko.   LOVERY?!   “Ibaba mo nga akooooo!! Gising na akooooooO!!” sigaw ko dito ngunit binungisngisan lang ako nito, hanggang sa naramdaman ko nalang ang sarili ko sa isang bathtub na lintek na yan.   “Ayan!! Maligo ka na at mangangabayo na tayo dahil mamayang hapon ay susunduin na kami ng mga kaharian namin… Take a bath well.” Saad nito sakin at bahagya akong tinalikuran at inilock ang bathroom ko.   “Buyset ka Loveryy!!” pahabol kong sigaw dito.   Naligo na lamang ako ng matiwasay tsaka ako nagpatuyo ng buhok. Nagsuot ako nung short na panglalaki na kulay black na may lining na mint green tsaka nung mint green na hoodie. Nagsuot din ako nung medyas na pang basketball at Flip flops lang din na balck yung isa at white ang isa hehez. Ipinusod ko naman ang buhok ko at hinayaang lumaylay yung mga hindi na samang buhok. Dali dali akong bumaba at dumeretso agad ako sa kitchen, mukhang nandun sila sa sala or sa may labas. Kinuha ko na lamang yung isang plastik ko sa freezer nung Chocolate Peanut Butter Banana Bites. Tumikim muna ako bago ako dumeretso palabas at tama ngang nandun sila na halatang inip na.   “Let’s go na!! Nasaan na ang kabayo??” saad ko at bigla ko na lamang naramdaman ang isang pambabatok.   “Ang tagal mo naman!!Quarter to 11 na!!” saad ni Larry na kinabatok ko din sa kanya, aba ngumunguya ako tapos binatukan ako eh.   “Easy ka naman brad!! Nanguya ako eh baka makagat ko ang dila kong hinayupak ka!!” sigaw ko dito at nakarinig naman ako ng tawanan sa likod nito at nangibabaw naman syempre si Leo, jusko nakakain ata ng microphone.   “Easy, brad!! Okay okay na kaso may problema pala tayo.” Saad ni Larry na kinataka ko kaya’t napatingin ako sa bawat isa sa kanila.   “Wala na daw’ng kabayo natira sabi ni Mang Natoy sa kanya kese pinatay daw ng mga Black Magic Users nung isang beses…” saad ni Leo na kinagulat ko ngunit wala naman na akong magagawa doon. Napatingin ako kay Kye nang magtaas ito ng kamay na siguro ay may naisip pang iba pa.   “Meron pang isang paraan ang meron!! Ang mga pegasus natin!!” saad ni Kye na kinabatok naman sa kanya ng girls. “HINDI PA NATUTURO SATIN ANG PAGPAPALABAS NG PEGASUS NATIN!!” sabay sabay na sigaw ng girls na kinatingin ko kay Leo at Lovery na bahagyang tumango sakin.   “Ngek… Eh diba marunong ka na, Leo??” saad ko kay Leo na bahagya pang nagulat sa sinabi ko ngunit tumango din naman sya. Nang makita kong tinuturuan na sila ni Leo ay syang pagpaapalabas ko ng simbolo ng Healing Gem tsaka dahan dahang nawala ang mansyong iyon.   Napatingin naman ako sa ere ng may maglipadang pegasus papunta sa amin. Mga nagsilapitan ito sa royalties while si Leo naman ay nakapamulsa lamang, ibang klase. Ang gaganda nito ngunit kapansin-pansin ang kay Lovery. Isang lalaking pegasus sa lalaking master at sa babaeng pegasus sa babaeng master. Nakakahumaling sila na bigyan ang mga pegasus nila ng ngalan.   “Anong ngalan nya??” saad ko kay Lovery ng makalapit ako dito. Napatingin ito sakin at hindi natanggal ang ngiti nito. Ewan ko pero parang natetemp akong titigan na lamang yun.   “Lonie… Lonie ang ngalan nya… Hawakan mo…” saad nito at bahagya pa akong nagulat ng hawakan nya ang kamay ko at sya mismo ang nagcontrol na hinaplos ang buhok ng kanyang pegasus.   Napangiti na lamang ako ng mahaplos ko ang pegasus nya, kay gwapo at mabait ni lumapit pa saakin at nagpayakap. “Napakaamo mo naman, Lonie… Saan mo nakuha ang ngalan nya?? Malayo sa pangalan mo.” Tanong ko dito at napatingin pa ako dito.   Nakangiti padin sya.   “Hulaan mo…” saad nito sakin na animo’y nang-aasar pa, aba’t loko toh ah.   “Hulaan mo mukha mo!! Suuusss kung alam ko lang ipinagdikit mo ang pangalan mo at crush mo yiiiieeee!!”   “O-oy!! H-hindi ah!!” utal na saad nito at pulang pula na ang tenga ngunit putla na ang mukha. Natawa na lamang ako dito sa inaakto nya, kakaiba sya.   Mas nakilala ko sila sa mga ginawa namin lalo na tong Lovery na toh na walang orass na hindi nawala sa tabi ko. Nakilala ko din naman ang kakaibang part ng isang sobrang cold na Lovery. Tulad kanina, laging nangiti tapos isip bata at ang pagiging palatawa na nya kaloka nga eh.   “Lagi ka na nga palang ngumingiti, gwapo mo!!” saad ko dito bago ako lumapit sa iba. Tumingin ako muli sa kanya at pulang pula na ang mukha nito na bahagya kong kinatawa.   “Tara na!! Pero paano paliparin??” saad ni Zlyda samin na kinatawa namin sa isa’t isa, oh loko hindi pa pala alam pano ay nag-aya na.   “Oo nga!! Bakit wala kayong pegasus?? Ihahatid nyo naman kami diba??”   “Oo naman syempre, lagot kami sa mahal na hari at reyna kung hindi, Prinsesa Arganna…” saad ko dito na kinatango tango naman nito sakin tsaka kami bumaling kay Leo na bahagyang nakangiti.   “Hindi nyo naman kailangang kontrolin ang pegasus… Nakakausap nyo ang sarili nyong pegasus at sila ang bahala sa inyo… Sige, try nyong sumakay… Pakiramdaman nyo muli ang bond nyo at yun na yun…” explain ni Leo na kinatango tango naman ng royalties.   Nakakahanga at nakita ko mismo kung gano kabilis makagets ang royalties. Nakalipad agad sila at bahagyang nakatingin samin ang pegasus nial na hinihintay pa animo kami. Kita ang tuwa sa kanila ni si Lovery ay nakatingin samin na inaaya na kaming pumunta sa kaharian.   Napatingin ako kay Leo na nakangiti nadin pala sakin, mukhang iisa lamang ang nasa isip namin. “Nasaan na ang pegasus nyo??’ takang tanong ni Rulstin na kinangiti namin dito.   “Hindi muna namin gagamitin baka mapagod lamang ang pegasus namin…”   “Tama, pangungunahan na namin kayo upang maprotektahan kayo mahirap na…” saad ko na kinatango nila ngunit hindi nawala ang pagtataka sa kanila. Kailangan naming bilisan dahil sa nga ang sinasabi ni Luis na kakausapin nya kami after lunch ata.   Naramdaman ko na lamang na umaangat na ako sa ere. Napatingin ako kay Leo na nakaangat nadin sa ere tulad ko. Paborito nyqa eh akay ayun nanguna agad samin. Napatingin ako sa mga kasamahaan namin at sabay sabay kaming nagtawanan ngunit alam kong sa loob nila ay gualt sila at hanga.   Lumipad na lamang ako at isinenyas ko sa kanilang nandito ako sa likod nila. Nasa likod nila ako sa paglipad at sa harap naman si Leo, kaya naman nya yun. Nakakasabay ko naman sa likod ang boys na bantay while sa harap ang girls. Mahirap nang magkaabutan kami dito sa ere.   “Nakakahanga ang paglipad nyo, brad!! Parang gusto ko din nyan, paturo naman!!” saad ni Zlyder na kinangiti ko dito at tinanguhan ito.   “Oo naman, bakit hindi?? Pag nagkaoras tayo ituturo ko sayo…” saad ko dito at nagningning naman ang mata nito.   “Ako din, brad!! Ituro mo nalang sa aming lahat!! Ang astig!!” saad naman ni Larry na kinatingin ko dito at natawa na lamang.   “Oo na, lahat na kayo pag hindi tayo pere-perehas na busy…” saad ko at nagtawanan na lamang kami ng matanaw na anmin ang Lampr`os Kingdom.   Malaki ito at masasabing kay ganda at unique nito sa aking paningin. First time ko din naman kasing makakita ng palasyo. Paglapag namin ay syang mga guwardiya ay napatingin samin kahit ang mamamayan dito. May maliit na bayan din pala dito. Malaking kaharian na nasa harap namin ni sarado ang malaking gate nito na bantay sarado ng dose-dosenang sundalo.   “Welcome sa aming kaharian!! Maganda ba, Jeesu?? Welcome na welcome ka dito…” saad ni Arganna na kinatingin namin dito at nakangiti ito sakin. Napangiti na lamang din ako dito.   “Salamat…” saad ko dito tsaka kami bumaling sa mga guwardiya. Inihabilin pa ni Arganna sa mga guwardiya ang mga pegasus tsaka kami pumasok.   Huindi ko maiwasang humanga sa paligid ko sa ganda. “Mukhang first time mo talagang makapasok sa isang palasyo…” napatingin ako kay Lovery ng magsalita ito. Nakatingin pala ito sakin na kinatango ko. “Pinangarap ko noon na nakakita ng isang palasyo kada birthday ko…”   “Yun lang ang pangarap mo?? Kung ganun ay natupad mo na…”   “Meron pang isa…”   “Ano naman yun??”   “Ang makilala ang mga magulang namin ni Kuya…” saad ko at napatingin ako dito. Nagulat ito at makikita mo talaga ang pag-aalala sa mukha nito ngunit mapait ko itong nginitian.   “Nakilala ni Kuya Jeycee at naramdaman nya ang pagmamahal ng magulang namin noon ngunit tanging hindi lamang maalala ni Kuya ang pagkabata nya dahil sa nagkamemory loss daw ito… Ako naman sa pagkapanganak ko palang si Kuya na ang bumuhay sa akin kaya’t hindi ko nadin sila nakilala.” Saad ko dito, ewan pero komportable akong magkwento sa kanya. Nakatingin ito sakin ngunit makikita mo ang awa dito. “Tutulungan kitang mahanap ang magulang mo kung ganun…” saad nito na nagpabigla pa sa akin na bahagya kong kinangiti.   “Salamat, Lovery…” saad ko dito at nakangiti akong tinanguhan nito.   Sabay kaming napatingin sa harap ng marating namin ang eleganteng pasilyo ng palasyo. Nandoon sumalubong samin ang lalaki at babaeng may mga korona sa ulo nitong nakinang na LITERAL. Kay ganda at gwapong nilalang.   Nakangiti silang lumapit samin na nakakahanga ang pose na meron sila. “Anak kong maganda!! Magandang umaga… Payakap naman si Mom!!” saad ng reyna at yumakap naman si Arganna dito na nakisali nadin ang hari.   Napaiwas na lamang ako ng tingin sa nakikita ko. Kahit lagi kong sinasabi kay Kuya na ayos lang kaming dalawa ay hindi ko maiwasang mangulila padin sa mga magulang namin. Nacucurious syempre ganun.   “Happy birthday, our princess…” saad ng mahal na hari dito at ang alam ko lang ay nakayuko na ako ngayon.   Sana oil.   “Magandang umaga pala, mga bata…” bati ng reyna na bahagyang kinabati nila tsaka ako nag-angat ng tingin ngunit laking gulat ko ng nakatingin sakin ang hari na animo’y gulat pa.   “Magandang umaga po, mahal na hari at reyna…” bati ko sa kanila at bahagya akong ngumiti dito. Tumingin sakin ang reyna at lumapit agad ito sa akin.   “Napakagandang bata mo, hija…Tawagin mo na lamang akong Tita Jess at tawagin mo syang Tito Lance… Anong pangalan mo, hija?? Saan ka galing angkan?? Kay ganda mo talaga sa kahit na anong pw-”   “Mahal!! Mahal, napakadami mong tanong sa bata… Isa isa lang hindi ka nya masasagot nyan… Pagpasensyahan mo na ang Tita Jess mo ha?? Ganyan lang talaga yan, medyo O.A.” saad nito at binulong pa ang huli nitong sinabi na bahagya naming kinatawa at nabatukan naman ang mahal na hari ng reyna.   Naiilang kasi akong tawagin silang Tito at Tita mas sanay ako.   “Ayos lang po yun, mahal na hari… Ako nga po pala si Jeesu, isa lang po akong normal na Lampr`onian… Kinagagalak ko hong makilala kayo…” saad ko dito na kinangiti naman nito sakin na ginantihan ko din nang ngiti.   “Napakaganda mo talaga, hij-”   “Dad!! Mom!! You are so annoying. I just heard your voices at my room… What the hell is happening??” napatingin kami sa pinanggalingan nun at isang binata lang pala.   Sa kung titignan ito ay mas matanda ito samin ngunit gwapo padin sya. Sya siguro yung prinsipeng matagal nang hindi lumalabas na prinsipe simula ng mawala ang kanyang kapatid na si Arganna pati ang isa pa nyang kapatid. Nakipagbeso naman ito sa Mahal na reyna tsaka kay Arganna.   “Good morning, anak… Eh kasi dumating na ang kapatid mo kasama ang mga kaibigan nya diba kese nga’t kaarawan nya…” saad ng Mahal na Reyna dito an bahagyang kinatingin nito kay Arganna na nakangiti dito. “Happy birthday, Arganna… Mamaya na lamang ang iyong regalo…” saad nito na kinatango naman ni Arganna dito tsaka sya bumaling samin.   “Magandang umaga sa inyo…” bati nito samin at isa isa kaming nitong tiningnan hanggang sa mapako ang paningin nito sakin. Kakaiba ang tingin nyang yun ngunit ng humakbang ito palapit sakin ay nagtaka na ako.   “Anong ngalan ng magandang binibining nasa harapan ko, maaari ko bang malaman??” saad nito at bahagyang nakatingin deretso sa mata ko. Masasabi kong hinuhukay nya ang isip ko ngunit hindi nya naman ito mababasa.   “Magandang umaga po, mahal na prinsipe… Jeesu po ang aking ngalan…” saad ko dito at nginitian ito ng awkward. Bahagya kasing malamig ang pakikitungo nya sa magulang nya kahit kay Arganna kaya’t naawkwardan ako.   “Napakagandang ngalan… Kinagagalak ko ding makilala ka, Ako naman si Jerreeh Leviroues Enriquez… I have the Water and Fire gem and my abilities are Mental and Emotional Manipulation… What gem you have??”   “Healing and Enhance sight and hear, Prince Levi… A normal Lampr`onian…” saad ko na kinangiti nito sakin at bahagyang tumango tango pa.   “Interesting but I prefer not to call you as a normal though, Ms. Jeesu… So, let’s all eat some brunch… Let’s go…” saad ni Prince Jereeh na nanguna sa amin. Napatingin ako sa mahal na hari at reyna na bahagyang nakangiti sakin at inaya na kami doon.   What the hell did just happen?? What a scene, Prince Jerreeh Leviroues Enriquez.                                                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD