NANG matapos kaming kumain ng BRUNCH daw sabi ni Prince Jereeh ay nagpaalam nadin ito samin na maghahanda pa daw sya sa celebration. Halos mabaliw na ako sa kanya, kung ano anong ginawa sa dining hall. Kung ano anong tanong sakin na sinagot ko nalang tapos nagulat pa ang reyna at hari ng sabihin nitong papasok na sya sa Academy kahit kami nga eh nagulat. Sabi nya nandyan naman na daw ang dalawa nyang kapatid kaya papasok na sya muli for his last year.
TAMA ANG BASA nyo nakita nadin ang Prince na kapatid ni Arganna at kagabi lang din daw nagulat pa nga daw ang reyna eh pero buti na lang daw. Syempre masaya naman kami para sa kanila kese kumpleto na muli sila at hindi na nangungulila ang reyna at hari.
“Sige po, tito at tita… may aasikasuhin pa po kasi kami ni Jeesu at pasensya na po uli kung hindi kami makakadalo… Arganna, pasensya na nga pala kung hindi kami makakadalo pero happy birthday…” saad ni Leo dito.
“Pasensya na po talaga, mahal na reyna at hari lalo ka na Arganna… Pero dahil kaarawan mo, bibigyan nalang kita ng regalong hinding hindi mo makakalimutan.” Saad ko dito na kinagulat pa nito s sinabi ko kahit ang royalties ni si Leo na walang alam.
“Sa pagkakaibigang iyong ibinigay…
Pagmamahal na iyong ibinigay…
At tiwalang iyong isinakripisyo sa akin…
Ibinibigay ko sayo ang munting regalo nanaisin ng kahit na sino…
Na gagabay sa iyo upang makilala ang sarili mo…” saad ko dito at may biglang lumitaw na munting Plant Fairy sa harap nya na kinagulat nya pa.
“WaaaahhhhhH!! Ang kyut kyut mo!! Waaahhhh!! Salamat Jeesu!!” saad nito na yumakap pa sa akin na tanging ngiti lamang ang ginanti ko. Sa pagbitaw nito ay syang pagtingin namin sa fairy nya.
“J-jeesu…” napatingin ako sa pinanggalingan ng tining na iyun at nagulat pa ako ng makita kung kanino galing yun.
“Kuya Jeycee??” saad ko dito at tiningnan ko pa ang kabuuan nito. Naka pang prinsipe sya, kung hindi ako nagkakamali. Lumapit ito sa mahal na reyna na yumakap pa dito at hinalikan.
“Anak… Oo nga pala, mga bata… Eto ang nawawalang prinsipe… Siya si Prince Jeycee Leric Enriquez… Sila naman ang royalties, anak…” nagulat ako sa sinabi ng reyna na bahagyang kinagulat din ng mga kaibigan namin.
Napatingin ako kay Kuya Jeycee ng nagtatanong ngunit lumalim na ang pag-iisip ko. Sya ang nawawalang prinsipe pero paano?? Eh kapatid ko si Kuya Jeycee, imposibleng hindi ko sya kapatid. “A-ah, tita… Kilala na po nami-”
“J-jeesu… Princess… Please let me explain kung pano nangyari… Please listen to me, listen to Kuya first… Jeesu??” bahagya akong napatingin sa kanya na halata ang pangingilid ng luha nitong nakatingin sakin.
Alam nya kung gano ako kasabik na makilala ang magulang namin kaya’t naguguluhan ako sa nangyayari. “G-gento kasi yun, bunso… Kahapon diba?? Nagka dinner kami ni Ate Kyllie mo with her parents na reyna at hari eh hindi namin inakalang nandun din ang mga reyna at hari… Nung dumating ang hari at reyna ng Lampr`os bigla nalang sumakit yung ulo ko eh… Tapos yun, nagbalik isa isa ang memorya ko… Na isa pala akong anak ng hari at reyna… Alam kong nagtataka ka kung pano tayo n-”
“O-okay… Nagegets ko na po, Kuya… Ayos na y-yung konting impormasyon, baka hindi ko maabsurb… Ahmmmm masaya akong nakilala mo na ang mga m-magulang mo.” Saad ko dito at bahagyang pinipilit na hindi bumagsak ang luha ko. Pilit akong ngumiti dito kahit na ang bigat bigat ng kalooban ko.
Parang hindi ko na kayang maabsurb pa ang sasabihin nya eh. Parang pagsumobra sumabog nalang ako na mas okay na okay sya kesa sa akin. Akma ako nitong hahawakan na kinaatras ko agad, hindi ko na alam kung pano pa sya haharapin sa nalaman ko. Hindi ko sya kapatid kung ganun sino ang magulang ko eh halos sanggol pa lang ako ay sya an ang kasama ko.
“J-jeesu…”
“P-prince Jeycee… Mauuna na ho kami ni Leo, may a-aasikasuhin pa ho kasi k-kami… Happy birthday uli, Arganna… Sana nagustuhan mo ang regalo ko…” saad ko dito at mababasa ang lungkot dito ngunit bumaling na ako kay Leo na halatang nag-aalala na sa akin ngunit nginitian ko lamang ito.
“Mauuna na ho kami, Prince J-jeycee… Alalayan na kita, kambal…” saad ni Leo na kinatango ko almang dito tsaka kami naglakad palabas doon. Hindi ko napigilang maluha ng marinig ko mula sa malayo ang huling saad ni Kuya Jeycee sa akin.
Happy Birthday, Bunso and I’m sorry…
(AUTHOR’S POV)
SA pagteleport ng dalawa sa isang parte ng gubat ay syang pag-iyak ng dalagitang si Jeesu na pilit inaalo ni Prince Lionel. Naguguluhan din si Prince Lionel sa nangyari na kung paano nga bang si Jeycee ay isang prinsipe?? Madaming tumatakbo sa utak nito ngunit mas inaalala nya si Jeesu na nakakasigurado syang nasasaktan ngayon.
Sa kabila naman nun ay ang umiiyak na si Jeesu. Pilit nyang pinapakalma ang sarili nya ngunit gulong g**o na sya sa nangyayari. Alam nya namang hindi kasalanan ng kuya nya ngunit ang tumatakbo nalang sa isip nya kung sino sya at paanong nangyari lahat ng yun. Madaming tanong ang lumilitaw sa utak nya ngunit kalaunan ay bahagya itong mapait na ngumiti.
‘Kaarawan ko nga pala’ saad nito sa kanyang isipan. Naisip nyang natupad nga ang dalawang hiling nya ng sabay ngunit hindi naman nya inaasahang ganun kasakit ang kalalabasan ng kanyang mga hiling. Wala din naman ang umasang ganun kasakit ang mangyayari sa paghiling nyang yun. Lahat naman ay may karapatang humiling sa kaarawan nito ngunit walang may gustong mangyari na may halong trahedya ang bawat hiling nila. Basta’t ang nasa isip lang natin kada humihiling ay sana tuparin.
“Tahan na, Jeesu… Birthday mo pa naman tapos iiyak ka lang?? Hindi pwede yun, birthday mo eh kaya dapat nakangiti ka… Sige ka, baka multuhin ako ni kuya Jiro dahil hindi ko nagawa ang sinabi nyang pasayahin ka sa kaarawan mo…” saad ni Prince Lionel dito na kinatingin naman ni Jeesu dito. Kaagad nitong isiniksik ang mukha nya sa tagiliran ni Prince Lionel na bahagyang kinatawa ng Prince Lionel ng mahina.
Ang nasa isip ni Prince Lionel ay naglalambing na naman si Jeesu dito upang isantabi muna ang mga iniisip nito. Laging ganun noon si Jeesu sa kanilang tatlo kada ito ay namomroblema, idinadaan nito sa panlalambing na parang babaeng babae na hindi naman talaga ginagawa nito.
“Palagi mong tatandaan na kahit wala na silang lahat, kahit pa talikuran kadin ng kambal kong si Lyandra… Ako, si Leo mo ay hinding hindi ka iiwan at ipaglalaban kita… Naiintindihan mo ba yun??” saad ni Prince Leo dito na kinabitaw ni Jeesu at tinitigan ito. Seryosong nakatingin si Prince Lionel dito na pinapahiwatig na seryosong seryoso sya sa sinabi nya.
Sa ganun kasimpleng mga salitang ibinitaw ni Prince Lionel kay Jeesu ay napangiti nya ito kaagad ng ganun kadali. Labis na nakaapekto sa iniisip ni Jeesu ang mga simpleng salitang binitawan ng binata. Mga salitang sabik at gusto nyang marinig sa kanyang mga magulang. Ngunit nagulat sila ng may panang tumama sa punong nasa tabi ni Jeesu lamang na may nakasabit na papel o mensahe dito.
Jeesu at Leo,
Alam kong makukuha nyo toh ngayon kaya’t humihingi kami ng tulong… Ito na ang tamang panahon upang iligtas nyo kami sa panig ng Dark King na si Harold… Balak nyang patayin kami sa harap ng lahat ngayong gabi lalo na sa aking mahal na kapatid… Huwag nyong pagkatiwalaan si Luis muli dahil sya ang nagpautos na patayin ang aking anak!! Maraming salamat sa inyong mga nagawa ngunit gusto naming humingi ng tulong na itakas kami dahil lulusob sa kaharian ang Dark King ngayong gabi ng kaarawan ng prinsesa…
, Princess Jaime and Sir Lonar.
Binasa nila Jeesu iyun at bahagyang nagkatinginan ang dalawa na animo’y iisa lamang ang nasa isip nila sa ganung sitwasyon. Nang makita palang nila ang palasong nakatusok sa puno ay naghinala na silang galing ito kay Lonar lalo na ng mabasa nila ang mensaheng iyon.
Ang nasa isip nalang ng dalawa ay siguradong importante yun. Matanggal nang tinangka ng dalawa na iligtas ang magulang ng kaibigan nila nung mamatay ito ngunit tinatanggihan sila nito dahil sa hindi pa tamang panahon kahit na patay na ang kanilang anak. Ngunit ngayon ay mababakas ang kaba at saya sa dalawa. Kaagad sila nagplano sa kanilang gagawin mamayang gabi.
Sa kabilang banda naman ng kaharian ng Lampr`os ay nasa sala silang lahat, ang royalties kasama ang Hari at Reyna lalo na si Jeycee. Tanging katahimikan ang namagitan sa kanila dahil sa pangyayari kanina ngunit bakas sa royalties ang gulat na si Jeycee ay isang nawawalang prinsipe lalo na si Arganna.
Sa loob loob ni Arganna ay naguguluhan sya. Ayaw nyang masaktan si Jeesu dahil naging kaibigan nya na ito sa kabila ng lahat, lalo na ng makilala nya ito ng lubusan. Yung mga arte nya ay nawala dahil sa mga kwento ni Jeesu sa kabila ng hirap at dumi ng kanyang pinanggalingan.
Sa isip ni Jeycee naman ay nag-aalala na ito sa kanyang kapatid. Nakasama nya ang kapatid nyang si Jeesu sa loob ng pagkapanganak palang dito. Sanggol palang si Jeesu ay nakasama nya na ito halos ipagdikit na ang bituka nila kung tutuusin dahil sa malapit sila sa isa’t isa lalo pa’t noon isa’t isa lang ang maaasahan nila. Inaalala nya ang kapatid nya dahil noon palang kahit na hindi nagsasabi ang kanyang kapatid na nangungulila ito sa magulang ay nahahalata naman nya bilang kapatid.
Minsan pa’y nagpuntang playground ang dalawa nung anim na taon si Jeesu at kita nya kung gano kalungkot ang mata ng kapatid habang nakatitig sa buong pamilya na magkakasama malapit sa kanila. Alam nya at nararamdaman nya kung gano kasakit ang pinagdaanan ng kanyang kapatid ngunit ngayon wala syang magawa.
“Alam mo ba, Jeycee… Na unang tapak palang ni Jeesu sa palasyo ay ikaw ang una nyang naisip… Dahil ang sabi nya sakin ay hiniling nyong dalawa na makakita ng palsyo nung bata kayo… Naisip nya pang sana ay matupad din ang hiling nyong makialla ang magulang nyong dalawa… Ikaw agad ang nasa isip nya… Ikaw at ikaw ang nasa isip nya…” napatingin silang lahat ng basagin ni Prince Val ang katahimikan.
Walang bakas ng malamig na tono ito tulad ng nakasanayan nila kundi ay pag-aalala kay Jeesu at lungkot na kinatingin ni Jeycee sa mata nito. Alam ni Jeycee yun, dahil noon pa man ay lagi syang iniisip ng bunso nyang kapatid. Na kahit ang sweldo ng kapatid na imbes na ibili nito na pang mga gamit nito ay ipinapangipon ng kapatid nya para sa pag-aaral nya sa Academy na pangarap din naman ng kapatid nya.
“Alam ko yun, Val dahil noon palang ay naramdaman ko na yu-”
“Wala kaming ipinupuntong kasalanan mo, pre pero kasi… Nabigla din si Jeesu… Kagabi mo lang din naalala ang lahat… Alam naman naming balak mo din sabihin sa kanya pero kese pre… Masyadong biglaan ang lahat at hindi mo pa gaanong naeexplain ang side mo sa kanya… Just give her… some time na kailangan nya…” pagputol ni Prince Vladimir sa sinasabi ni Prince Jeycee na kinatingin nito sa mga royalties.
“Pero ayokong magalit sya sa akin dahil doon… Kahit na ang kinalabasan ay hindi ko pala sya kapatid ay hindi ko padin matanggap… Kahit ako nga hindi matanggap eh… Ayokong mawala ang kapatid ko, sya na ang tumayong sandalan ko sa lahat ni sinasalo nya ang akin kahit na akin lang yun… Hanga ako sa kanya sa kahit na ano at mahal na mahal ko yung kapatid kong yun… S-sige, mauna na muna ako…” saad ni Prince Jeycee at dali dali naman itong umakyat upang hindi makita ng iba lalo na ng magulang nya na umiyak ito.
Nagkatinginan na lamang ang royalties at napabuntong hininga. Alam nila kung gano ka importante sa magkapatid ang isa’t isa kaya’t talagang kailangan ng time dahil din sa dalawang araw na iyun ay mas nakilala din nila si Jeesu sa iba’t ibang paraan. Lalo na ng makita nila ang isang album ng dalawa simula ng hawak ni Jeycee ang sanggol na si Jeesu hanggang sa ngayon na pagtanda nila ay makikita ang closeness na kinahanga pa nila sa magkapatid ngunit napalitan yun ng lungkot sa nangyari.
Wala namang may kasalanan eh, it just needs to take time for them to understand what just happened.